P120,000 ang bayad sa artista, pero P20,000 lang ang tinanggap nito
February 21, 2004 | 12:00am
Nang makausap namin noong isang gabi si Senador Tito Sotto, medyo disappointed siya dahil sabi nga niya malaking tulong sana sa industriya ng pelikula yong maibaba o maisauli na ang amusement tax ng mga mahuhusay na pelikula. Bukod kasi sa makaka-encourage yon ng mga producers na gumawa ng mga matitinong pelikula, hindi masyadong mararamdaman ang pagtaas ng cost of production dahil sa patuloy na pagtaas din ng halaga ng dolyar.
Pero ganoon na nga ang nangyari, basta pinirmahan yon ng pangulo at naging batas pero hindi nasubaybayan ang pagpapatupad noon, at sa palagay niya kaya ganoon ay dahil siya ang sumulat ng batas na yon at siya ay nasa oposisyon.
Kagaya rin daw yan ng bagong Optical Media Act, na siyang inaasahan nilang makakapigil sa piracy sa ating bansa, pinirmahan nga at naging batas pero mukhang walang kilos para maipatupad yon nang lubusan dahil ang gumawa noon ay si Senador Tessie Aquino Oreta na kabilang din sa oposisyon.
Natawa rin si Senador Sotto nang banggitin namin sa kanya ang sinabi ni Presidente Gloria Macapagal Arroyo na sa lahat ng presidente, siya ang may pinakamalaking nagawa para sa film industry sa Pilipinas.
Kung kami nga natawa rin doon eh, kasi hindi naman maikakaila na kung mayroon mang may nagawa talaga para sa film industry ng Pilipinas, si Marcos yon. Noon lang panahon ni Marcos nakakautang ang mga producers ng matitinong pelikula sa ilalim ng ECP. Noon lang ding panahon ni Marcos napapunta rito ang mga malalaking lider ng industriya sa buong mundo nang gawin ang Manila International Film Festival. Kung itinuloy nila iyon, hindi na natin kailangang dumayo para maipakita sa mga dayuhan ang ating mga pelikula. Dadayo na rito sa atin ang mga film distributors, at siguro sa panahong ito ay nakapagbebenta na tayo ng ating pelikula sa abroad.
Talaga bang magka-match nga ang Sex Bomb Dancers ng Eat Bulaga at ang Viva Hot Babes?
Sa palagay namin ay hindi. Totoong lumalabas na sexy ang Sex Bomb Dancers, at tinawag silang ganoon dahil sa sikat na kantang Sex Bomb noong panahong nagsisimula pa lamang sila, pero sa totoo lang wala isa mang member ng Sex Bomb na naghubad.
Ngayon kung napapansin ninyo, maski na ang suot nilang damit sa pagsasayaw sa Eat Bulaga ay hindi na masyadong sexy, tutal nga naman napabagsak na nila ang kalaban nilang show nang walang effort, bakit kailangan pa nilang magpa-sexy.
Yang Viva Hot Babes, talagang naghuhubad ang mga iyan. Hindi ba may magazine at video pa sila na nakabuyayangyang ang kanilang bulaklak?
Galit na galit ang dalawang talent managers, sa isang bulasubas na talent manager din, kasi tinangay ng balasubas na talent manager ang kanilang mga alaga sa kampanya ng isang kandidato nang hindi nila alam. At ang masakit pa, binayaran ng tig-bente mil lamang ang mga bata ganoong naisingil daw ng balasubas na talent manager na kilala sa pagiging over price queen ng one hundred twenty thousand. Eh kanino pa nga ba mapupunta iyong sobra, eh di sa balasubas na iyon.
Pero ganoon na nga ang nangyari, basta pinirmahan yon ng pangulo at naging batas pero hindi nasubaybayan ang pagpapatupad noon, at sa palagay niya kaya ganoon ay dahil siya ang sumulat ng batas na yon at siya ay nasa oposisyon.
Kagaya rin daw yan ng bagong Optical Media Act, na siyang inaasahan nilang makakapigil sa piracy sa ating bansa, pinirmahan nga at naging batas pero mukhang walang kilos para maipatupad yon nang lubusan dahil ang gumawa noon ay si Senador Tessie Aquino Oreta na kabilang din sa oposisyon.
Natawa rin si Senador Sotto nang banggitin namin sa kanya ang sinabi ni Presidente Gloria Macapagal Arroyo na sa lahat ng presidente, siya ang may pinakamalaking nagawa para sa film industry sa Pilipinas.
Kung kami nga natawa rin doon eh, kasi hindi naman maikakaila na kung mayroon mang may nagawa talaga para sa film industry ng Pilipinas, si Marcos yon. Noon lang panahon ni Marcos nakakautang ang mga producers ng matitinong pelikula sa ilalim ng ECP. Noon lang ding panahon ni Marcos napapunta rito ang mga malalaking lider ng industriya sa buong mundo nang gawin ang Manila International Film Festival. Kung itinuloy nila iyon, hindi na natin kailangang dumayo para maipakita sa mga dayuhan ang ating mga pelikula. Dadayo na rito sa atin ang mga film distributors, at siguro sa panahong ito ay nakapagbebenta na tayo ng ating pelikula sa abroad.
Sa palagay namin ay hindi. Totoong lumalabas na sexy ang Sex Bomb Dancers, at tinawag silang ganoon dahil sa sikat na kantang Sex Bomb noong panahong nagsisimula pa lamang sila, pero sa totoo lang wala isa mang member ng Sex Bomb na naghubad.
Ngayon kung napapansin ninyo, maski na ang suot nilang damit sa pagsasayaw sa Eat Bulaga ay hindi na masyadong sexy, tutal nga naman napabagsak na nila ang kalaban nilang show nang walang effort, bakit kailangan pa nilang magpa-sexy.
Yang Viva Hot Babes, talagang naghuhubad ang mga iyan. Hindi ba may magazine at video pa sila na nakabuyayangyang ang kanilang bulaklak?
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended