Sarah Geronimo, produkto ng CPMP

Magandang balita sa mga mamamayan ng Valenzuela dahil sa darating na ika-24 ng Pebrero, nakatakdang buksan ang 13th sangay ng Center for Pop Music Philippines (CPMP), alas-4 ng hapon sa Keppelson Bldg., (kahilera ng) McArthur Highway, Marulas, Valenzuela City (malapit sa Fatima).

Isa si Sarah Geronimo sa mga naging maunlad na estudyante ng Center for Pop Music Philippines. Nagsimulang mag-training si Sarah G. sa edad na walong taon at muling bumalik para sa refresher course sa paghahanda nito sa Star For A Night ng Viva at ngayon, isa na siyang pop star.

Maliban kay Sarah Geronimo, ang iba pang produkto ng Center for Pop training ay sina Nina, Josh Santana, Nyoy Volante, Erik Santos, Roxanne Barcelo, Roselle Nava, Dessa, Geneva Cruz, Heart Evangelista, King, Rufa Mae Quinto, Ladine Roxas, 5 Miss Saigon, at iba pa.

Ang Center for Pop Music Philippines sa Marulas, Valenzuela City ay pinangungunahan ni Rita Gemenez (branch manager); Von Jairus Fernandez (coach); Claire Bustamante (cashier); Cecille San Miguel (Registrar); at Boy Galang (technician).

Ayon kay G. Butch Albarracin, presidente at CEO ng The Center for Pop Music Philippines, ang susunod na bubuksan na sangay ay sa Juan Luna Street, Binondo, Manila at sa Almanza, Las Piñas (Almanza Square Bldg.) ngayong Marso.

Ang iba pang sangay ng Center for Pop Music Philippines ay matatagpuan sa Makati; Parañaque; Cubao, QC; Pamplona, Las Piñas; Marikina; Roces Ave. (Q.C.); San Pedro, Laguna; Lagro/Novaliches; Dasmariñas, Cavite; Malolos, Bulacan; Masinag, Antipolo at Cebu City.

Sa ibang katanungan, makipag-ugnayan sa branch telephone nos. 291-2746; 444-7026 o sa head office 727-5293. – Rene Reyes

Show comments