Inamin naman ng mang-aawit na ang dahilan kaya hindi na siya makapanligaw ay dahil may naiwan siyang nobya sa Cebu na ayon sa kanya, mahal na mahal niya ito at handa nitong pakasalanan pagdating ng tamang panahon. Kung may pagtatangi man ito kay Angelika ay hanggang doon lang.
Isa sa nagustuhan niya kay Angelika ay magaling itong kumanta na ayon sa kanya, sayang kung hindi siya mabigyan ng break sa pagkanta. Nagagandahan siya dito at kahit sinong lalaki ay talagang mabibighani sa kanya at naging karagdagan pa sa kanya ang maganda nitong pangangatawan na makinis. At isa pa, nababaitan siya kay Angel. "Isa na siguro ako sa mga nagnanais na maging syota siya pero hinding-hindi na puwede dahil may nobya na ako." Alex Datu