^

PSN Showbiz

Magbabagong bihis ang 'Maalaala Mo Kaya'

ITO ANG L8ST NGAYON - Eric John Salut -
Isang malaking tagumpay ang world premiere ng Milan sa San Francisco, California last weekend. Ginanap ito sa House of Fine Arts. Kulang ang dalawang screenings para ma-accommodate ang lahat ng gustong manood ng movie.

Noong Lunes ng umaga ay dumating sina Claudine Barretto at Piolo Pascual kasama ang buong tropa ng Star Cinema. Kagabi ay umalis din sila papunta naman ng Dubai at Abu Dhabi para sa second leg ng premiere.

Ibinalita sa akin ni Star Cinema AdProm Director Roxy Liquigan na overwhelming ang nakuhang response ng movie mula sa mga kababayan natin.

"Sobrang nagustuhan nila ang movie," kwento ni Roxy. "Marami ang naluha while watching the movie, naka-relate siguro sila sa situation ng characters nina Claudine at Piolo."

Nagpapasalamat sina Roxy sa suporta ng mga kababayan nating Pinoy na all-out ang ginawang suporta sa kanila. Umiiral daw talaga ang hospitality traits ng mga kababayan natin.

"Nakakataba ng puso ang ginawa nilang treatment kina Claudine at Piolo at sa amin din. Tiyak na hindi makakalimutan nina Claudine at Piolo ang ibinigay sa kanilang suporta ng mga kababayan natin sa America," sabi pa ni Roxy.

Ibinalita rin sa akin ni Roxy na marami akong kakilala na nagpakilala sa kanya. "Hinahanap ka nila sa akin," kwento ni Roxy.

Bukod sa mga kamag-anak at kaibigan kong nanood, all-out support din kasi ang ibinigay sa movie ng mga Pretty Claudine Circle of Friends (PCCF) US Chapter.
* * *
Tiyak na magugulat ang mga followers ng Maalaala Mo Kaya sa new look na makikita nila sa episode bukas, Huwebes. Hindi pa anniversary ng Maalaala Mo Kaya pero sinimulan na nila ang pagbibigay ng mala-anniversary episodes simula bukas. Sa May, 13 years na ang Maalaala Mo Kaya.

Isang new Charo Santos ang makikita natin bukas. No less than Juan Sarte did her make-up. Bago na rin ang set na gawa ni Nuel Naval na isang dekalibreng production designer. Ilang taon din na sa studio kinukunan ang spiels ni Charo. No less than Olive Lamasan directed the spiels.

Ang Kailangan Kita at Milan cinematographer na si Shane Sarte-Clemente ang cinematographer ng spiels. May bagong version din ang Maalaala Mo Kaya theme song. Ang version ni Carol Banawa ang mapapakinggan simula bukas. Pati logo ng MMK ay bago na rin.

"We’re giving the show a new look," sabi ni MMK supervising producer Ginny Monteagudo-Ocampo. "This is something our loyal viewers will look forward to. We will continue to give our viewers the best episodes that we possibly can. It is our way of thanking the people for making us the number one drama program for 13 years."

Kwento ng buhay ni Star In A Million champion Erik Santos ang tampok na lifestory bukas. Si Jericho Rosales ang bida rito. Kasama rin sa episode sina Cherrie Pie Picache at Bembol Roco. Si Mae Cruz ang nagdirek ng episode.
* * *
Dinadayo ngayon ang eat-all-you-can merienda buffet ng Icings sa Tomas Morato. Paborito itong lugar na kainan ng mga kilalang artista at isa na nga ay si Bea Alonzo. Kapag may free time, asahan mong nasa Icings si Bea.

Sa halagang P95, pwede kayong magpiyesta sa iba’t ibang putahe tulad ng pasta, sandwich, arrozcaldo, lumpia at cakes.

Ang Icings eat-all-you-can merienda buffet ay available from 2:30 hanggang 5:30 ng hapon araw-araw.

vuukle comment

ABU DHABI

ANG ICINGS

BEA ALONZO

BEMBOL ROCO

CLAUDINE

MAALAALA MO KAYA

PIOLO

STAR CINEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with