Bakit kasi ayaw pang mag-Tagalog eh!
February 18, 2004 | 12:00am
Ang gaganda ng mga iprinisintang mga kagandahan sa media kahapon sa Manila Film Center sa paglulunsad ng ikalawang search for the Amazing Philippine Beauties na isinasagawa ng Amazing Philippine Theater at ng Pasay City Tourism and Cultural Development Office. Isa itong beauty contest para sa transvestites and transexuals o, sa mas madaling maintindihang salita, bakla.
Ginawang mas malaki ang pakontes sa taong ito na ang dalawang kategoryang mas pinapaboran ay beauty and talent.
Ang cash prizes ay P50,000, P20,000 at P15,000. Para sa winner at ang kanyang runners-up. Marami sa mga kalahok ay bibigyan ng one year contract with the company na nagpapalabas araw-araw sa Manila Film Center at sa Hadsan Cove Resort, Agus, Maribago, Lapu-Lapu City. Para na rin silang nanalo sa kanilang pagsali sa paligsahan.
Lahat ng kandidato ay kailangang may edad na 18-28 during the contest period.
Ang Amazing Philippine Theater ay isang Performance and Production company, looking beyond Philippine shores for opportunities abroad. Ito ang paraan nila para makatulong sa tao na biniyayaan ng talento at kagandahan. Paraan din nila ito para maibalik sa local gay communities ang mga tagumpay nila.
Ang mga palabas sa Manila Film Center at sa Hadsan Cove Resort, maging ang pre-pageant at coronation nights ay labor of love ng matalino at batam-batang direktor na si Dhong Cueto.
Kabilang sa cast ng The Amazing Show ay mga nanalo sa Amazing Philippine Beauties 2004, Queen of the World ng Magandang Tanghali Bayan, Super Sireyna ng Eat Bulaga, Super Girlash ng RPN 9, Miss Gay Philippines, finalists ng Flawless de Mayo ng ABS CBN at iba pang local gay beauty pageants all over the Philippines.
Kaya naman pala ang gaganda nila dahil piling-pili na sila. Ang talagang maipipintas ko lamang sa kanila ay ang pagpipilit nilang makapag-salita ng Ingles, kahit na ang mga tanong sa kanila ng media ay Tagalog. Okay na sana ito kung hindi sila nangangapa rin ng Ingles at matatas sa lengwahe ng mga Amerikano. Ang kaso mo ay hindi nga. At kahit na ilang ulit itong pinuna sa kanila ay talagang, ipinilit pa rin nila ang kanilang pagi-Ingles.
Bakit nga kaya maraming beauty contestants & winners ang nagpipilit mag-Ingles gayong wala naman silang command dito? Wala namang masama kung mag-Tagalog tayo. After all, mga Pinoy naman tayo. Yun ngang mga kapatid nating Asyano ay panay ang pagpipilit na magsalita ng kanilang language kahit pa nasa mga international competitions and affairs sila. Siguro nga mas mapapansin pa tayo kung gagamit tayo ng interpreter, di ba?
Going back to the Amazing Philippine Beauties search, ang grand finals nito ay magaganap sa Marso 15 pero bago ito, may pre-pageant sa Marso 8 na magaganap pareho sa Manila Film Center.
Kung may panahon din kayo, watch kayo ng The Amazing Philippine Show, Martes hanggang Linggo, 7:30 at 9:00 n.g. Isa lamang ito sa maraming proyekto ng Amazing Philippine Theatre sa pamumuno ni G. Lee Jong Hyun bilang chairman of the board, Iron Chang, president at Casie Villarosa, vice president. Isa sa mga future plans ay mag-produce ng isang kaparehong palabas sa Manila Film Center sa Singapore. Ang kumpanya ay gumagamit ng 147 na manggagawang Pinoy.
Ang iginagalang at kilalang publisher, columnist at political expert na si Max Soliven ang host ng nagbabalik na Impact 2004, isang talk show sa ANC na ginawa para sa ginaganap na campaign period at bilang sagot sa pangangailangan ng mga botante na malaman ang mga latest info tungkol sa mga issues, personalities, conflicts, scandals at tsismis tungkol sa ginaganap na kampanya.
Sa Impact 2004, makikita ang trademark wit and sharpness ng beteranong journalist kasama ang ibat ibang broadcast journalists na tutulong sa kanya na maibigay ang pinaka-juicy at most unguarded moments ng mga tumatakbong kandidato, una na ang mga presidentiables.
Mapapansin na sa mga nagdaang mga panayam kay FPJ ay halos walang narinig o nalaman ang mga botante tungkol sa kanya. Makakaasa tayo na sa pamamatnugot ni G. Soliven, lalabas ang mga inaasam natin at gustong marinig na mga opinyon ng tinaguriang hari ng pelikulang Tagalog sa premiere showing ng programa sa Pebrero 27, 8:00 n.g., ANC
Nai-cover na ni G,. Soliven ang term ng walong pangulo ng bansa. Bilang broadcaster, naisara ang kanyang programang Impact nung 70s kasama ang ibang opposition media, nang ibunyag niya ang plano ng gobyerno ni Marcos na mag-impose ng Martial Law. Nakulong siya. Nang makalaya siya, binalikan niya ang pagiging isang journalist at ngayon ay publisher siya ng aming sister company, ang The Philippine Star.
Ang India naman ang magpapasikat sa atin sa pamamagitan ng kanilang nakakatakot na pelikulang Ghost House na tinaguriang "Indias Most Suspenseful and Highly Acclaimed Movie". Star dito sina Ajay Devgan at Urmila Matondkar, nanalo ng best actress, sa direksyon ni Ram Gopal Verma, magkakaroon ito ng advance screening ngayong gabi, 7:30 sa Cinema 6 ng Robinsons Galleria. Magkakaroon ito ng regular showing sa Peb. 25.
Dahil sa nakakakilabot na tema ng pelikula, ang mga manonood ay binabalaang huwag manood ng pelikula nang nag-iisa. Sa mga mahihina ang puso, lalo na ang mga nagdadalang-tao ay inabisuhan na manood "at their own risk".
Ginawang mas malaki ang pakontes sa taong ito na ang dalawang kategoryang mas pinapaboran ay beauty and talent.
Ang cash prizes ay P50,000, P20,000 at P15,000. Para sa winner at ang kanyang runners-up. Marami sa mga kalahok ay bibigyan ng one year contract with the company na nagpapalabas araw-araw sa Manila Film Center at sa Hadsan Cove Resort, Agus, Maribago, Lapu-Lapu City. Para na rin silang nanalo sa kanilang pagsali sa paligsahan.
Lahat ng kandidato ay kailangang may edad na 18-28 during the contest period.
Ang Amazing Philippine Theater ay isang Performance and Production company, looking beyond Philippine shores for opportunities abroad. Ito ang paraan nila para makatulong sa tao na biniyayaan ng talento at kagandahan. Paraan din nila ito para maibalik sa local gay communities ang mga tagumpay nila.
Ang mga palabas sa Manila Film Center at sa Hadsan Cove Resort, maging ang pre-pageant at coronation nights ay labor of love ng matalino at batam-batang direktor na si Dhong Cueto.
Kabilang sa cast ng The Amazing Show ay mga nanalo sa Amazing Philippine Beauties 2004, Queen of the World ng Magandang Tanghali Bayan, Super Sireyna ng Eat Bulaga, Super Girlash ng RPN 9, Miss Gay Philippines, finalists ng Flawless de Mayo ng ABS CBN at iba pang local gay beauty pageants all over the Philippines.
Kaya naman pala ang gaganda nila dahil piling-pili na sila. Ang talagang maipipintas ko lamang sa kanila ay ang pagpipilit nilang makapag-salita ng Ingles, kahit na ang mga tanong sa kanila ng media ay Tagalog. Okay na sana ito kung hindi sila nangangapa rin ng Ingles at matatas sa lengwahe ng mga Amerikano. Ang kaso mo ay hindi nga. At kahit na ilang ulit itong pinuna sa kanila ay talagang, ipinilit pa rin nila ang kanilang pagi-Ingles.
Bakit nga kaya maraming beauty contestants & winners ang nagpipilit mag-Ingles gayong wala naman silang command dito? Wala namang masama kung mag-Tagalog tayo. After all, mga Pinoy naman tayo. Yun ngang mga kapatid nating Asyano ay panay ang pagpipilit na magsalita ng kanilang language kahit pa nasa mga international competitions and affairs sila. Siguro nga mas mapapansin pa tayo kung gagamit tayo ng interpreter, di ba?
Going back to the Amazing Philippine Beauties search, ang grand finals nito ay magaganap sa Marso 15 pero bago ito, may pre-pageant sa Marso 8 na magaganap pareho sa Manila Film Center.
Kung may panahon din kayo, watch kayo ng The Amazing Philippine Show, Martes hanggang Linggo, 7:30 at 9:00 n.g. Isa lamang ito sa maraming proyekto ng Amazing Philippine Theatre sa pamumuno ni G. Lee Jong Hyun bilang chairman of the board, Iron Chang, president at Casie Villarosa, vice president. Isa sa mga future plans ay mag-produce ng isang kaparehong palabas sa Manila Film Center sa Singapore. Ang kumpanya ay gumagamit ng 147 na manggagawang Pinoy.
Sa Impact 2004, makikita ang trademark wit and sharpness ng beteranong journalist kasama ang ibat ibang broadcast journalists na tutulong sa kanya na maibigay ang pinaka-juicy at most unguarded moments ng mga tumatakbong kandidato, una na ang mga presidentiables.
Mapapansin na sa mga nagdaang mga panayam kay FPJ ay halos walang narinig o nalaman ang mga botante tungkol sa kanya. Makakaasa tayo na sa pamamatnugot ni G. Soliven, lalabas ang mga inaasam natin at gustong marinig na mga opinyon ng tinaguriang hari ng pelikulang Tagalog sa premiere showing ng programa sa Pebrero 27, 8:00 n.g., ANC
Nai-cover na ni G,. Soliven ang term ng walong pangulo ng bansa. Bilang broadcaster, naisara ang kanyang programang Impact nung 70s kasama ang ibang opposition media, nang ibunyag niya ang plano ng gobyerno ni Marcos na mag-impose ng Martial Law. Nakulong siya. Nang makalaya siya, binalikan niya ang pagiging isang journalist at ngayon ay publisher siya ng aming sister company, ang The Philippine Star.
Dahil sa nakakakilabot na tema ng pelikula, ang mga manonood ay binabalaang huwag manood ng pelikula nang nag-iisa. Sa mga mahihina ang puso, lalo na ang mga nagdadalang-tao ay inabisuhan na manood "at their own risk".
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am