Romeo & Juliet insfired stories, mauuwi rin sa trahedya?

Sa tradisyon ng paghahatid ng pinakaromantikong Korean at Chinese love stories sa Philippine television, muling inihahandog ng GMA-7 ang dalawang bagong kwento ng pag-ibig na siguradong magpapakilig sa buong bansa tuwing hapon mula Lunes hanggang Biyernes–ang pagpapalabas ng Starry, Starry Night at Loving You na nagsimula nang mapanood.

Dreamy, endearing... ganyan ang Starry, Starry Night. Isa itong nakakaantig na istorya ng dalawang taong nagmamahalan sa kabila ng pagkakaiba sa kani-kanyang estado sa buhay. Maganda, mayaman at mapagmahal si Rina (Tammy Chen, lead star ng In Love with Angel at Lavender) samantalang misteryoso naman ang pagkatao ng guwapong pintor na si Peter (He Rongdong). Ngunit ang mapangahas na si Jeff, ang step-brother ni Peter, ay gagawin ang lahat para mapasakanya si Rina. Mauwi kaya ang lahat sa isang hindi inaasahang trahedya? Panoorin ang makulay na pag-iibigan nina Peter at Rina, 4:00 ng hapon.

At pagdating ng 5:30 ng hapon, isang ‘Romeo and Juliet’ inspired story sa mahiwagang isla ng Cheju, Korea ang Loving You, ang pagbibidahan ng guwapong si Park Yong Ha (Raymond ng Winter Sonata) at ng nakabibighani na si Yoo Jin (popular singer ng S.E.S. Band) sa Loving You. Paano kung ang binatang iniligtas mo ay matuklasan mo na anak ng lalaking pumaslang sa iyong pinakamamahal na ama? Kamuhian mo rin kaya siya o ‘di inaasahang mahulog ang iyong puso sa kanyang tunay na pagkatao? Subaybayan ang pag-ibig nina Harvey (Park Yong Ha) at Julie (Yoo Jin).

At makisaya sa fun-filled at adventurous animation na Charlotte na nagsimula na ring ipalabas tuwing 9:30 ng umaga, weekdays sa pagtatapos ng My Annette.

Show comments