Willie, nasa ABC 5 na!
February 17, 2004 | 12:00am
Nagpasalamat si Willie Revillame sa mga nagpadala ng mensahe sa kanya nang mawala na naman siya sa hindi na mabilang na ulit sa programang Magandang Tanghali Bayan sa launching ng kanyang "Pito Pito" album sa Universal Records na ginanap sa kanyang Willies Funline comedy Bar, dating lugar ng Klownz sa Quezon Ave.
Sinabi niya na bagaman at utang niya sa ABS CBN ang kanyang kasikatan ngayon at maging ang kanyang damit na isinusuot, ito naman daw ay sinuklian niya ng matapat na serbisyo. Wala siyang nadaramang pait o hinanakit sa pag-alis niya sa kanilang kandili pero, sinabi niya na nang mawala siya rito ay maraming pinto ang nagbukas.
Hindi pa rin naman siya mawawala sa TV. Kinuha siya ng PLDT at ng PCSO para mag-host ng bago nilang show sa ABC 5. Isa itong variety game show na pinamagatang Puso o Pera at makakasama niya rito sina Patricia Javier at Maui Taylor.
Magkakaroon din siya ng dalawang linggong live concert tour sa Japan, not to mention yung napakaraming mall sked niya para sa promo ng kanyang debut album. Makikita siya at maririnig sa lahat ng SM Malls simula Pebrero 21 hanggang Mayo 16.
May gagawin din siyang pelikula na kung saan ay siya ang bida. Isa itong horror-comedy na ididirihe ni Tony Y. Reyes.
"Nagpapasalamat ako na di pa rin naman ako pinababayaan ng Panginoon. Siguro, dahil alam naman niya na sa kabila ng mga nangyari, minahal ko ang trabaho ko," ani Willie.
Nauuso yata talaga yung mga novelty songs. Bago yung kay Willie ay naglabas din ang BMG Records Pilipinas ng "Joey to The World (Tough Hits)", isang album ni Joey de Leon, na kung saan ay binabalikan niya ang simula ng kanilang grupong TVJ (Tito, Vic & Joey) nung 70s, nang ang Tough Hits ay ginagamit nila to describe the funny takes they do on particular lines of hit songs from that era. "Pinapalitan namin ang lyrics at ginagawa naming comedy. Ang kaibhan nga lang, putul-putol ang Tough Hits noon. Dito sa album ko, buong kanta ang pinalitan ko ng lyrics," ani Joey.
Mga pilyong kanta ang nilalaman ng album, mga kantang Joeyng Joey gaya ng "Daliri", "Isputoki Song" at "Bakit Puppy" na kuha sa mga kanta ng Sex Bomb, yung pangalawa ay kasama pa ang Sex Bomb at si Toni Rose Gayda. Kasama rin si Toni sa awiting "Canton", ang paborito ni Joey.
Hindi nababahala si Joey na baka tutulan ng mga moralista ang mga lyrics ng kanyang kanta, o maging ng mga bata pero, sinabi niyang, "Maaaring pilyo pero, definitely hindi bastos".
Para makasiguro na maganda ang magiging resulta ng kanilang pelikula, kinuha ng bagong tatag na kumpanya ng pelikula, ang Camel Ventures Film International Company, Inc. ang isang hindi lamang mahusay na cinematographer kundi isa ring multi-awardee, si Sergio Lobo para sa pelikula nilang Two Men From Eden, Ang Unang Aklat na ang gumawa naman ng theme song ay isa ring magaling na kompositor at nabigyan na rin ng award, si Pablo Vergara. Kinompos nito ang "Bawal Na Prutas" na inawit naman ni Hanni Miller, isa rin sa mga lead star ng nasabing pelikula.
Ang cast ng Two Men From Eden ay binubuo nina Aya Medel, Stella L, Karina Zobel, Allen Dizon, Ana Capri, George Estregan, Jr., Victor Victorio, Christian Flores, Isamu Kage, Ian Valdez at marami pang iba.
Sinabi niya na bagaman at utang niya sa ABS CBN ang kanyang kasikatan ngayon at maging ang kanyang damit na isinusuot, ito naman daw ay sinuklian niya ng matapat na serbisyo. Wala siyang nadaramang pait o hinanakit sa pag-alis niya sa kanilang kandili pero, sinabi niya na nang mawala siya rito ay maraming pinto ang nagbukas.
Hindi pa rin naman siya mawawala sa TV. Kinuha siya ng PLDT at ng PCSO para mag-host ng bago nilang show sa ABC 5. Isa itong variety game show na pinamagatang Puso o Pera at makakasama niya rito sina Patricia Javier at Maui Taylor.
Magkakaroon din siya ng dalawang linggong live concert tour sa Japan, not to mention yung napakaraming mall sked niya para sa promo ng kanyang debut album. Makikita siya at maririnig sa lahat ng SM Malls simula Pebrero 21 hanggang Mayo 16.
May gagawin din siyang pelikula na kung saan ay siya ang bida. Isa itong horror-comedy na ididirihe ni Tony Y. Reyes.
"Nagpapasalamat ako na di pa rin naman ako pinababayaan ng Panginoon. Siguro, dahil alam naman niya na sa kabila ng mga nangyari, minahal ko ang trabaho ko," ani Willie.
Mga pilyong kanta ang nilalaman ng album, mga kantang Joeyng Joey gaya ng "Daliri", "Isputoki Song" at "Bakit Puppy" na kuha sa mga kanta ng Sex Bomb, yung pangalawa ay kasama pa ang Sex Bomb at si Toni Rose Gayda. Kasama rin si Toni sa awiting "Canton", ang paborito ni Joey.
Hindi nababahala si Joey na baka tutulan ng mga moralista ang mga lyrics ng kanyang kanta, o maging ng mga bata pero, sinabi niyang, "Maaaring pilyo pero, definitely hindi bastos".
Ang cast ng Two Men From Eden ay binubuo nina Aya Medel, Stella L, Karina Zobel, Allen Dizon, Ana Capri, George Estregan, Jr., Victor Victorio, Christian Flores, Isamu Kage, Ian Valdez at marami pang iba.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
November 30, 2024 - 12:00am