'Parang pito-pito ang paggawa ng pelikula sa Argentina' - Segundo
February 16, 2004 | 12:00am
Inamin ng gwapong aktor mula sa Argentina na si Segundo Cernadas na kasalukuyang tinatapos ang ginagawa niyang teleserye dito sa bansa, ang Te Amo, na malaki ang pagkakaiba ng paggawa ng pelikula dito sa atin kaysa sa bansang kanyang pinanggalingan. Dun daw sa kanila, madalian ang paggawa ng pelikula, na parang pito-pito dito sa atin. At sila partikular sa lugar o maging ng senaryo, tulad ng Te Amo na talaga yata raw hinanap ang mga magaganda nilang lokasyon para dito kunan ang teleserye. At ang resulta nga naman ay nakikita ang kagandahan ng bansa.
Puring-puri rin ng banyagang aktor ang kanyang mga naka-trabaho. Parang agad nilang nakukuha yung mga roles nila at naiaakto ito ng mahusay.
Sinabi niya na ikukwento niya ito sa kanyang mga kababayan pag-uwing-pag-uwi niya.
Siyanga pala, kumuha ng 31% sa rating ang unang pagpapalabas ng Te Amo. Sumunod ito sa 42% na nakuha ng StarStruck. Kaya naman tuwang-tuwa ang GMA at maging ang mga may kinalaman sa dalawang palabas na nabanggit. Congrats.
Tingnan mo nga naman, di lamang naman pala ang mga artista natin dito ang nagkakaroon ng matitinding problema.
Si Celine Dion na di lamang sa US kilala kundi sa buong mundo ay ilang ulit nang nagka-cancel ng kanyang palabas sa Las Vegas, may alcohol problem daw ito. Disappointed ang maraming pumupunta ng Las Vegas para siya panoorin. Bigla-bigla kasing naka-cancel ang palabas niya.
Sayang, payat na payat na raw ito.
Nakatulong naman ng malaki yung sinasabing paglabas ng boobs ni Janet Jackson sa isa nitong pagtatanghal. Natabunan ang isyu sa kanyang kapatid na si Michael.
Kapwa kasi malaking artista ang magkapatid kung kaya kahit siguro di sinasadya ay nagkakatulungan sila. O di bah?
Muli, nakiusap si Annabelle Rama na bayaran na siya ng mag-asawang Bert at Carol Nievera sa birthday party na ibibigay niya sa kanyang asawang si Eddie Gutierrez sa Probinsya, isang kainan sa Greenhills.
Walong milyong piso ang utang ng mag-asawa sa kanya. Pinaka-maliit daw itong utang ng dalawa. At bagaman at nangako sila na magbabayad sa kanya, naiinip na siya dahil marami pa siyang negosyo na paggagamitan ng naturang halaga.
Puring-puri rin ng banyagang aktor ang kanyang mga naka-trabaho. Parang agad nilang nakukuha yung mga roles nila at naiaakto ito ng mahusay.
Sinabi niya na ikukwento niya ito sa kanyang mga kababayan pag-uwing-pag-uwi niya.
Siyanga pala, kumuha ng 31% sa rating ang unang pagpapalabas ng Te Amo. Sumunod ito sa 42% na nakuha ng StarStruck. Kaya naman tuwang-tuwa ang GMA at maging ang mga may kinalaman sa dalawang palabas na nabanggit. Congrats.
Si Celine Dion na di lamang sa US kilala kundi sa buong mundo ay ilang ulit nang nagka-cancel ng kanyang palabas sa Las Vegas, may alcohol problem daw ito. Disappointed ang maraming pumupunta ng Las Vegas para siya panoorin. Bigla-bigla kasing naka-cancel ang palabas niya.
Sayang, payat na payat na raw ito.
Nakatulong naman ng malaki yung sinasabing paglabas ng boobs ni Janet Jackson sa isa nitong pagtatanghal. Natabunan ang isyu sa kanyang kapatid na si Michael.
Kapwa kasi malaking artista ang magkapatid kung kaya kahit siguro di sinasadya ay nagkakatulungan sila. O di bah?
Walong milyong piso ang utang ng mag-asawa sa kanya. Pinaka-maliit daw itong utang ng dalawa. At bagaman at nangako sila na magbabayad sa kanya, naiinip na siya dahil marami pa siyang negosyo na paggagamitan ng naturang halaga.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended