Gaano katotoo ang balitang nagbago na ang pag-uugali ng young actor na gumagawa na rin ng malaking pangalan. Katunayan ay lagi na itong nali-late sa taping at kung umasta ay parang sikat na sikat na artista na.
Ayon pa sa aking source ay nanghihinayang nga siya dahil alaga naman ito ng malaking network kung saan mayroon siyang daily show.
Chynna, Nahirapan Sa Underwater Kissing Scene |
Nanghihinayang si
Chynna Ortaleza dahil hindi nito napanood ang
Kuya sa press preview. Gayunpaman, natutuwa siya sa magandang feedback dahil naibigan ang pelikula ng mga nanood na press. Galing pa kasi sila ni Richard sa Davao kung saan nagkaroon sila ng Fans Day.
Isa sa mga eksena na nahirapan si Chynna ay ang underwater kissing scene nila ng kapareha. "Hindi ko na yata magagawa yun sa susunod dahil talagang nahirapan ako at hindi ako makahinga habang nasa tubig. Komportable naman akong kahalikan si Richard dahil sa dalawang taon naming pagsasama sa pelikula ay nagkaroon na kami ng maraming kissing scenes. Wala kaming problema kahit maging passionate pa ang aming halikan," aniya.
Ang Lakas Ng Dating Sa Screen |
Ang lakas ng dating sa screen ni
Cogie Domingo kaya yong mga katabi kong mga bagets ay panay ang bulong ng "ang guwapo talaga" lalo na kapag naka-close-up ito gayundin si
Maxene Magalona na habang lumalaki ay gumaganda at kahit saan anggulo ay talagang napakaamo ng mukha.
Sa movie ay ginampanan ni Cogie ang papel ni Noli na kamag-anak ni Richard Gutierrez samantalang si Maxene naman ay kapatid ni
Aubrey Miles.
Di Pabor Na Mag-Asawa Uli Ang Ina |
Balita na may bagong karelasyon ang mommy ni
Oyo Boy na si
Dina Bonnevie. Ano ang reaksyon niya rito? "Syempre kahit sinong anak ay gustong magkabalikan ang kanyang mga magulang pero parang malabo ng mangyari yun. Okey lang sa amin ni Ate
Danica na maging magkaibigan na lang sina Mommy at Daddy. Pero hanggat maaari ay ayaw ko nang mag-asawa pa sila sa iba lalo na si Mommy dahil baka maging magulo na naman ang kanyang buhay. Hanggang pakikipagrelasyon lang sana ang gawin niya pero huwag na sanang humantong pa sa pagpapakasal sa simbahan," sey pa nito.
Crush na crush ni Oyo Boy si
Donita Rose kaya lang nanghihinayang ito dahil nag-asawa agad ang magandang aktres.
Inilunsad na sa pagiging ganap na bituin si
Ram Revilla na anak ni
Senator Ramon at
Jennylyn Magsaysay na dating artista ng
Regal Films. Tinanong ko si Ram kung ano ang namana nito sa kanyang ama. "Ang kagwapuhan niyang lalaki. Saka siguro po yung pagiging magaling niyang action star. Kasi gusto ko ring sumabak sa aksyon dahil nag-undergo naman ako ng martial arts," aniya.
Bukod sa karate ay magaling din sa boksing ang bagets kaya bagay lang na bigyan ng launching movie na ang working title ay
Lukso ng Dugo na ngayon ay pinalitan ng
Anak Ka ng Tatay Mo. Ito bale ang initial presentation ng
Magsaysay Films International na ididirek ni
Ed Palmos. Nariyan din ang buong suporta ni
Lyn Madrigal na isa ring prodyuser kaya alam na ang pasikut-sikot ng showbiz at ang paggawa ng pelikula.
Habang naghihintay sa kanyang mga proyekto ay abala si
Albert Martinez sa pagti-taping ng
Twin Hearts kung saan role ng isang NBI agent din ang kanyang role na ginagampanan. Magkakagusto ito kay
Pops Fernandez kung saan magiging karibal pa ni
Rudy Fernandez. "Hindi kontrabida ang role ko rito kaya excited din ako lalo pa at magiging kaagaw ko sa pag-ibig si Daboy. Ang saya namin sa set at hindi ako nakakaramdam ng pagod kahit magdamagan ang syuting," aniya.