'Magnifico' nanalo sa Berlin filmfest
February 15, 2004 | 12:00am
Masayang-masayang ibinalita ni Direktor Maryo J. Delos Reyes ang panalo ng pelikulang Magnifico sa Berlin Film Festival. Ang internationally acclaimed movie produced by Violett Films ang siyang nagwagi ng Deuchs Kinderhitswerk Grand Prix sa Kinderfilmfest division.
Ito ang unang taon sa Berlin Film Festival na nagkaroon ng isang competition para sa mga pelikulang para sa mga bata o tungkol sa mga bata. Very historic ang panalong ito para sa Magnifico dahil ang likha ni Direk Maryo J. ang kauna-unahang grand prize winner.
Malaking karangalan ito para sa industriya ng pelikula at magsisilbing inspirasyon pa upang gumawa pa ng mga maipagmamalaki natin sa ibang bansa. Kapag nakakakuha ng premyo sa ganitong prestigious filmfest, napapansin din ito ng mga foreign film distributors. Ibig sabihin nito, maipapalabas na ang Magnifico sa mga mainstream movie circuits sa malalaking bansa tulad ng Germany, France, U.K., Spain, Japan at U.S.A
Umalis si Direktor Maryo J. Delos Reyes noong Biyernes ng gabi upang magtungo sa Berlin. Personal niyang tatanggapin ang Grand Prix Trophy sa closing ceremonies ng Berlin Film Festival. Tiyak makaka-rubbing elbows ni Direk Maryo J. ang mga sikat na international movie stars tulad ni Jack Nicholson na dumadalo ngayon doon.
Sa Martes pa ang balik ni direk sa ating bansa. Tiyak na merong heros welcome sa airport.
Bukod sa tropeo, meron pang kasamang P10,000 cash prize. Ang equivalent ng Euro, mas malaki kaysa U.S.$ kayat mahigit na $15,000 o almost P1 million! ang matatanggap nilang premyo.
Sana naman mabigyan din ng cash incentive ng Malacañang sina Direk Maryo J. at ang Violett Films. Tiyak na mapapalapit ng husto sa mga taga-industriya ng pelikula si President Gloria Macapagal Arroyo kapag ipinakita niya ang recognition na dapat ibigay sa mga may gawa ng Magnifico.
Nalamangan na naman ng Magpakailanman ng GMA ang Maalaala Mo Kaya ng ABS-CBN, noong Huwebes ng gabi sa rating.
Nakakuha ng 27% ang drama series ni Mel Tiangco, samantalang 25 percent lamang ang higit ng matagal na show ni Charo Santos.
Sa last Thursdays edition ng Magpakailanman, pinatunayan lamang na marami na talagang tagasubaybay na Pinoy televiewers si Segundo Cernadas, ang Argentinian actor ang lumabas na mister ni Miriam Quiambao. Istorya kasi ni Miriam ang naging paksa ng teledrama.
Okey lang kay Vicky Morales kung tawagin siyang "Hand-me-down Queen".
"Totoo naman na lahat ng mga shows ko ngayon, namana ko lang sa mga naunang hosts nito," natatawang sabi ni Vicky. "Hindi naman importante kung ako ang pangalawang host sa show. Ang higit na mahalaga, ang pagbutihin ko ang aking trabaho para sa ikagaganda ng palabas."
Inisa-isa ni Vicky ang mga shows niya at kung sino ang dating mga hosts nito. Sa Saksi, naging kapalit lamang siya nina Karen Davila at Mel Tiangco. Nakapalit naman siya ni Jessica Soho sa I Witness nang makaroon ng Jessica Soho Reports.
Ang pinakahuli, siya ang napiling bagong host ng Wish Ko Lang na dating hawak ni Bernadette Sembrano na lumipat na sa ABS-CBN.
Sa unang dalawang shows na napunta kay Vicky--Saksi at I-Witness, nakakuha na siya ng mga awards bilang Best Female Newscaster at Best Public Affairs Show host.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended