"Mahilig naman akong mang-okray pero hindi naman kami magkakasakitan ni Jaya. Naniniwala ako na magsisilbi itong hamon para lalo naming galingan ang aming trabaho," aniya.
Magkakaroroon ng bagong segments ang show gaya ng "Videoke King and Queen" kung saan kasamang aawit ng mga mananalo si Jaya.
Ngayong Linggo ay magiging videoke challengers sina RJ Rosales, Malik, Wency Cornejo, Roselle Nava, Gabby Eigenmann, Mark Herras at Jennylyn Mercado.
Wala kang itulak-kabigin sa ganda ng mga kandidata na ang karamihan ay pwedeng maging artista gayundin ang mga kalalakihan. Nanggaling sa patimpalak na ito si Angel Locsin na ngayon ay sikat nang artista gayundin si Aubrey Miles na nanalo namang Miss Caloocan noon.
Noong Huwebes naman ay naimbitahan uli kami ni Madam Gigi na sa gabi ng parangal ay pasasalamat sa mga taong nakatulong para alagaan ang dangal ng Caloocan kabilang na ang mga celebrities na ito.
Isa na rito ang myembro ng Gee Girls na si Jenny kung saan escort ng gabing yon si Vandolph na talagang inlab sa kanya. Ito na ang babaeng gusto niyang mapakasalan at makasama habang buhay.
Hindi man siya tumakbo sa darating na halalan ay suportado naman nito ang mag-asawang Ricky at Jenny Sandoval na tumatakbong congressman at mayor ng Malabon.
"Kung mananalo sila kapwa ay parang nanalo na rin ako damang-dama namin ang sinderidad nila para makapaglingkod sa bayan," aniya.