Sheena Easton,pinahanga ni Martin Nieverra

Pati pala ang international singer now TV host na si Sheena Easton ay na-impress kay Martin Nievera nang mapanood nito ang Concert King sa Golden Nugget in Las Vegas. In fact, sa sobrang pagka-impress daw ni Sheena, ni-request nito si Martin na maging guest co-host sa TV show niya na Las Vegas Life. Lalo raw na-impress si Sheena kay Martin nang maging comfortable ito sa pagiging co-host.

Dahil din sa exposure ni Martin sa nasabing show ni Sheena, may natanggap agad siyang offer para sa isang regular show sa Las Vegas titled Casino. Pero by June pa raw magi-start ang nasabing show ayon sa kuwento ni Mr. Lhar Santiago ng GMA 7 na nakausap si Martin nang pasyalan niya ito sa Las Vegas last week.

Hanggang early next month pa raw ang contract ni Martin sa Golden Nugget pero ngayon pa lang ay kino-kontrata na ang concert king na pumirma uli ng panibagong contract. This time, one year contract na ang gusto ng management ng Golden Nugget.

Pero nakikiusap daw si Martin na kung puwedeng magbakasyon muna siya sa Pilipinas dahil miss na miss na niya ang mga anak niyang sina Robin and Ram.
* * *
Kahit maraming kasabayang foreign artists si Nina sa kanyang major concert ngayong gabi sa Folk Arts theater, hindi kinakabahan ang soul siren. Feeling niya, kung kakabahan siya baka hindi siya makapg-perform ng maayos kaya instead na makaramdam ng nerbiyos, mas nai-excite siya.

"Na-experience ko na kasing kabahan no’ng time na nai-start pa lang ako," she recalled, "halos hindi ako makakanta, ang sama ng performance ko. Kaya ngayon ayoko ng kinakabahan ako," she said.

Kung breakthrough ang taong 2003 kay Nina, 2004 promises to be the year she will blossom as a certified star.

Magsisimula ang kanyang taon sa kanyang Valentine concert: Nina: Strings of the Heart sa Folk Arts Theater.

Time was when Nina was just coasting along, content with her role as a vocalist in a number of bands that performed in such hangouts as Strumms and Ratsky’s.

All that’s changed now. Propelled by last year’s success, Nina is stepping out into the big stage.

Nina’s debut album last year, Heaven, is a groovy journey down pop-R&B, boasting of an international-sounding music and voice, sung by a young Filipino talent.

Favorite cuts in the album ang "Heaven," "2nd Floor," the Tagalog love song "Kung Ibibigay" at ang revivals including "Foolish Heart" and "Loving You." It also contains the smash hit "Jealous."

In any case, tickets to Nina: Strings of the Heart, priced at P1,200, P800, P400 and P200, are available at Ticketworld (www.ticket world. com.ph). Hotlines: 8915-5610/899-9999.

Nag-promise si Nina na magiging unforgettable ang concert na ito. "Talagang we prepared an unforgettable feel-good romantic experience for everyone," sabi niya.

Makakasama ni Nina sa nasabing concert sina Carlos Agassi, Luke Mejares, her borther King and Star In A Million discovery, Sheryn Regis.

Si George Sales ang stage director.
* * *
Sa mga hindi nakahabol kagabi sa concert nina Zsa Zsa Padilla, Basil Valdez and Kuh Ledesma sa Westin Philippine Plaza, may chance pa kayong mapanood sila ngayong gabi sa kanilang show titled Devoted.

Katulad nang inaasahan, nag-enjoy ang mga nanood sa tatlong magagaling na singer ng bansa.

First time na nagsama-sama ang tatlo sa isang concert. Sina Kuh and Zsa Zsa kasi, ilang beses na silang nag-concert at may album pa nga sila.

Kaya sa mga naka-miss sa kanila last night, ito na ang chance para mapanood sila.

Devoted
is produced by Artist House, Headline Concepts and Artistation, Inc. For tickets call 817-4660, 8151953 or 551-7255.
* * *
Personal
Valentine greetings to my kababayan in Rizal, Sta Elena Camarines Norte, particular na sa Paloma Family, Alwayn, Sylvia and Jonas. And also to Mr. & Mrs. Benhur Hernandez and family.

Show comments