^

PSN Showbiz

Dominic Ochoa at Janna Victoria,break na

RATED A - Aster Amoyo -
Nalungkot naman kami para kay Dominic Ochoa dahil after three years at kung kailan pa Valentine’s Day, saka naman siya loveless.  Yes, nag-break na sila ng girlfriend na si Janna Victoria. Ewan lamang kung ano talaga ang reason ng break-up pero mukhang dinamdam ito ni Dominic na ngayon ay gusto na lamang magtrabaho nang magtrabaho para makalimutan si Janna.

Kaya lang, napasabay pa ang last taping day nila ng Whattamen kaya wala na rin siyang show. Kapag natapos na raw ang mga shows niya, magpapahinga na muna siya kahit isang buwan lamang. Hindi raw naman siya magbabakasyon sa abroad, dito na lamang daw siya, dahil marami raw namang lugar sa bansa na pwede niyang pagbakasyunan.
* * *
Isa ring malungkot this Valentine’s Day ay si Martin Nievera, dahil loveless daw siya ngayon, kaya nag-iisa lamang siya sa suite na ibinigay sa kanya sa Golden Nugget Club & Casino sa Las Vegas, habang nagpi-perform siya roon up to March, 2004. Nami-miss din niya ang family niya lalo na nang mag-celebrate siya ng birthday niya last February 5 at na-miss din niya for the first time ang pagsi-celebrate ng birthday ng anak na si Ram dahil wala nga siya sa Pilipinas. 

Malungkot din si Martin dahil hanggang ngayon, wala pa rin silang contact ng father niyang si Bert Nievera, kaya hindi pa sila nagkakausap tungkol sa iniwanan nilang utang sa Pilipinas ng asawang si Carol. Humihingi na raw lamang siya ng sorry sa mga tao na maaari ngang nasaktan ng kanyang ama. Ang hiling nga lamang ni Martin, sana raw ay huwag munang hatulan ang ama, hanggang hindi natin nalalaman ang side nila. Bilang anak, nangako rin si Martin na susuportahan pa rin niya ang ama sa problema nito.
* * *
We’re happy naman na okey na okey na ulit talaga ang dating sweethearts na sina AiAi delas Alas at Miguel Vera. Kahit may solo Valentine show si Aiai tonight sa Klownz, pumayag siyang maging special guest muna nina Miguel, Nonoy Zuñiga at Marco Sison sa concert nila sa Music Museum, ang Maestro’s Love at 8:00 p.m. May duet sina Aiai at Miguel na tiyak na aabangan ng audience.

Kaya after ng number niya, sa Klownz Cubao na si Aiai, para sa kanyang show na Love Attack with special guest Eric Santos, the grand champion in Star In A Million at iyong nanalo sa bulilit duet ng MTB.
* * *
In fairness kay Bernadette Sembrano, nagpaalam pala siya sa GMA News & Public Affairs at sa kanyang public service program na Wish Ko Lang noon pang December, 2003.  Ito ay para may time silang makakuha ng papalit sa kanya bilang host ng show. Ang sabi niya, sasama siyang muli bilang reporter sa The Probe na lumipat na sa ABC-5. Hindi naman tumutol ang GMA News & Public Affairs na umalis siya, tatapusin lamang niya ang contract niya up to February 15, 2004.

Medyo nagulat daw lamang sila nang malaman nilang sa ABS-CBN pala lilipat si Bernadette. 

Kaya pala hindi pa pumapasok sa Magandang Umaga, Bayan si Bernadette bilang kapalit nang umalis na si Edu Manzano. So, this Monday, February 16, tiyak na isa na si Bernadette sa mga newscasters, kasama sina Christine Bersola-Babao at Erwin Tulfo sa MUB.

vuukle comment

AIAI

BERNADETTE

BERNADETTE SEMBRANO

KAYA

LAMANG

NIYA

PUBLIC AFFAIRS

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with