^

PSN Showbiz

Optical Media Bill pinirmahan na ni GMA

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Umabot sa 100 stars ang dumating sa appreciation lunch ni Pres. Gloria Macapagal Arroyo na ginanap sa National Arts Center sa Mt. Makiling, Laguna last Tuesday afternoon. Kaya naman nag-enjoy ang mga taga-Laguna dahil nag-fiesta sila sa pagpapa-autograph sa mga artista.

Halos dalawang bus kasi ang dumating sa appreciation lunch para sa K4 ni PGMA sa Laguna na nauna nang naglibot sa ibang bayan sa Laguna.

Almost 3:00 p.m. na dumating si GMA kung saan naghihintay ang maraming mga taga-Laguna. Pagdating niya, binigyan siya ng plaque of appreciation ni Boss Vic del Rosario ng Viva Films bilang pasasalamat sa mga naitulong ng pangulo sa industriya ng pelikula particular na ang pagki-create ng Film Development Board (FDB) kung saan matagal nang clamor ng mga showbiz insider since Marcos time. Pero sa term lang ni GMA ito naipasa.

Dahil din sa FDB, nagkaroon ng classification ng local films to provide tax exemption.

Ayon nga kay Direk Laurice Guillen, head ng Film Development Board, malaki ang naitulong ng nasabing passage ng bill para ma-encourage ang mga producer na gumawa ng world class movies para sa exemption ng tax. (A classification - full tax exemption nationwide, B classification - 2/3 tax exemption nationwide).

So far, dalawang pelikula na ang nakakuha ng A classification samantalang 16 movies naman ang nakakuha na ng B classification - naibalik sa mga producer ng mga pelikulang na-classify na A & B ang halos P100 M.

Anyway, sa nasabi ring appreciation lunch, pinirmahan ni GMA ang Optical Media Bill kung saan itinalaga si VRB Chairman Edu Manzano bilang Optical Regulatory Chairman. Sa pagpasa kasi ng nasabing bill, kasamang na-abolish ang Videogram and Regulatory Board dahil mas lalawak ang control ni Edu sa pag-sugpo ng piracy sa bansa.

Ang Optical Media Bill kasi will institute means para ma-regulate ang pagma-manufacture, mastering and replication of optical media in the Philippines.

Sakop ng Optical Media Bill ang kahit anong device na may naka-store na information digitally including movies, music and computer software.

Ibig sabihin, pati ang mga gamit sa pagpapa-pirate ay sakop ng bill na ito - CD-ROMs, DVDs, CD-R, CD-RW at iba pa.

Stated sa nasabing bill ang pagkakaroon ng system identification code na mati-trace ang pinagmulan ng mga pirated copies.

Mas malaki ang parusa sa sinumang mati-trace na nagpirata ng pelikula, music and computer software.

Alam ni Edu na mas malaki ang responsibility niya rito. "Pero sigurado namang mas makakakilos kami ng maluwag dahil hindi na limited sa pelikula at music ang huhulihin namin," he said.

Actually, pinaka-importante sa bill na ‘to, mati-trace kung paano na-produce ang nasabing pirated copies sa VCDs, DVDs, CDs etc. Ngayon kasi, kahit anong rami ng nahuhuli, wala namang idea ang mga victim kung sino ang namirata.

Anyway, sa panahon ni Bong Revilla, umabot pala sa halos P5.6 billion worth ng pirated goods ang nakumpiska at sinira.

Kaya humanda ngayon ang mga namimirata, bilang na ang araw ninyo sa pagpasa ng Optical Media Bill ni Pres. Arroyo.
* * *
Nag-enjoy ang mga entertainment press sa birthday blowout na bigay ng ABS-CBN para sa mga celebrator for the last quarter of 2003.

Actually, hindi masyadong marami ang mga Libra and Virgo signs na entertainment writers and editors. Anyway, may mga special packs sila and raffles. Pero pinaka-exciting na part ang singing and acting contest. Maraming colleague ang nag-attempt na kumanta pero si Mr. Dondon Sermino, entertainment editor ang nag-take ng P10,000. Second placer si Eugene Asis, entertainment editor of People’s Journal and third placer si Allan Diones of Abante Tonite.

Sa acting contest, nag-win sina Walden Belen of Bulletin and Jerry Olea, entertainment editor of Abante Tonite.

Sa raffle naman, win ako ng electric oven. Washing machine ang grand prize na napanalunan uli ni Allan Diones.

At lalong nag-enjoy ang mga entertainment editors na sina Butch Roldan of Taliba, Walden and Eugene sa special dance number ni Apreal Tolentino. Halos ayaw nilang kumurap dahil nasa malapit lang kami sa stage kung saan nag-acrobat si Apreal.

Present sa nasabing party ang buong PR group ng ABS-CBN headed by Ms. Manoli Manalastas, Ms. Leah Salterio and Ms. Rica Daylim.
* * *
Marami nang naiinis sa nagpapakilalang pamangkin ni presidentiable Fernando Poe Jr., a certain Baby Ericta. Ayon sa isang concerned kay FPJ, isa si Baby sa siguradong makakasira sa ambisyon ni Da King. Imagine daw, kung umasta ito akala mo, siya na ang first lady.Naiinis ang ilang volunteer members ng Artista Para Kay FPJ nang dumating daw ang Baby na ‘to sa Quezon City Sports Complex na may dalang tarpaulin. Sabi raw sa may entrance, "pinsan ako ni FPJ. Nasaan si Susan Tagle (FPJ’s secretary)?"

Na-shock daw ang nakabantay sa entrance dahil mataas ang boses nito. Feeling ng nasa gate, eh ano ngayon kung kamag-anak ka ni FPJ. "Gusto ko pa nga sa kanyang sabihin, ‘hoy iha matagal ko nang kilala si Kuya Ronnie hindi siya ganyan magsalita. Kahit si Susan Roces, hindi ganyan pag nakipag-usap sa tao tapos kayo ganyan," said the source.

Oo nga naman. In the first place eh ano naman kung pinsan siya. Totoo rin na hindi naman ganoon si FPJ at si Ms. Susan Roces.

Naku, ngayon pa lang, dapat nang masuheto ang Baby Ericta na ito. Hindi maganda ang ginagawa niya ha!
* * *
Tuluyan nang binura sa mapa ng Viva Films si Maui Taylor. Anytime now kasi ay magi-start nang mag-shooting sina Andrea del Rosario, Katya Santos and Gwen Garci ng Bulaklak (The Movie) under the direction of Maryo J. delos Reyes. Si Gwen na ang nasa lead role.

Well siguro naman, this time na-realize na ni Maui na mali ang decision niyang iwan ang Viva at sira-siraan.

vuukle comment

ABANTE TONITE

ALLAN DIONES

BABY ERICTA

BILL

FILM DEVELOPMENT BOARD

KUNG

NAG

OPTICAL MEDIA BILL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with