Nang lumapit ito sa rostrum ay dali-dali siyang tumayo at inalalayan ang aktres nang bumaba sa stage matapos ang talumpati.
Hanggang sa makaalis ito ay nakasunod pa rin ang aktor. Sey nga ng isang mataray na writer "Sa kanyang katayuan bilang sikat at multi-awarded actor ay di niya ito dapat ginawa dahil may iba namang tutulong sa aktres. Parang bumaba tuloy ang paghanga namin sa kanya dahil nagmukha talaga siyang alalay. Type ko naman ang kanyang kagwapuhan at galing sa pag-arte.
Woman of the hour ngayon ang maganda pa ring aktres dahil visible ito sa pagpasok ng asawa sa pulitika samantalang ang sikat na aktor ay kilala sa drama at may regular TV show.
Balitang maraming negosyo sa Hong Kong ang napangasawa ng dating beauty queen kaya doon na mamimirmihan ang TV host. Pero bago ito ay baka mag-honeymoon muna sila sa Italy. Napakaganda ng bahay ni Claudio sa Hong Kong ayon sa TV host.
Inamin ni Miriam na hindi naman niya iiwan ang showbiz dahil malapit lang ang Hong Kong sa Pilipinas.
"Para ka lang nag-bus papuntang probinsya. Pwede naman akong mag-taping kung kinakailangan bastat huwag lang daily. Pwede namang weekly, di ba? Pero kung papipiliin ako between my husband and career ay pipiliin ko ang aking asawa o pamilya dahil pwede namang balik-balikan ang career. Naga-adjust pa muna kami kaya ayaw muna naming magka-anak," aniya.
Umiikot ang kasaysayan tungkol kay Dr. Zack Stroker na ipinadala sa isang misyon sa Namib Desert sa Africa. Labing-anim na oras silang naglakbay kasama ang ilang escort. Kahit armado ay ninerbyos ang lahat nang matagpuan ang isang trak ng mga duguang bangkay. Hati-hati ang mga katawan nito at inalis ang mga laman mula sa buto, tinanggal ang ulo na hinayaan na lang na matuyo sa init ng araw.
Sino ang kanilang kalaban? Nang gabing yoon ay lumitaw ang kanilang hinahanap na kalaban isa itong halimaw. Paano kaya nila mapapatay ito?
Ito ang malaking katanungang sasagutin ng pelikulang Bone Snatcher sa direksyon ni Jason Wulfsohn.
Palabas na sa Peb. 18 sa inyong paboritong sinehan ang Bone Snatcher.
Hindi naman maipagkakaila na naging close ito kay Onemig Bondoc kung saan naging mag-on din ang dalawa noon. Nagkasama rin sila sa Buttercup at lalong naging close sina Uno at Ciara.
Pero ayon sa aktor ay wala na siyang balak na balikan pa si Ciara dahil mas makabubuti pang maging malapit na lang silang magkaibigan.
Nasa wastong edad na naman si Jolens para magka-boyfriend pero malayo pa sa isip ang paglagay sa tahimik. Hindi kaya siya nahihirapan dahil magkalayo sila?
Ayon kay Jolens, okey lang sa kanya ang long distance love affair dahil open naman ang kanilang komunikasyon dahil sa telepono at internet. Isa pa, busy din naman siya sa kanyang trabaho bilang artista at singer.