Totoong nanganak ang singer/actress sa US !

Narito na sa Pilipinas ang natsismis na buntis na singer/actress. Pinabulaanan nito noon ang balita gayong totoo naman ang tsismis, nanganak na ito ng isang pagkaganda-gandang baby girl at taga-showbiz ang ama.

Masayang-masaya ang singer-actress at ipinagmamalaki nito ang pagiging isang ina. Balitang bibinyagan na ang baby sa buwang ito.
Tonton-Glydel, Walang Honeymoon!
Matagal kaming nagkakwentuhan ni Tonton Gutierrez sa taping ng Magpakailanman na kung saan guest din ang aming alagang si Nathalie de Leon. Napag-usapan namin ang kanyang nalalapit na kasal kay Glydel Mercado.

"Excited na nga ako kaya naman nagpapayat ako ng husto. Lumiit ang aking tiyan.

"Handa na akong pumasok sa buhay may-asawa dahil 35 years old na ako at Glydel is turning 30 naman so emotionally, spiritually at financially prepared na kami."

Inamin nito na totoo ngang buntis si Glydel at three months on the family way. "Hindi na nga kami makakapag-honeymoon dahil delikado na sa kanya ang magbiyahe. Sa bahay na lang kami. Handang-handa na rin ako para sa kinabukasan ng aming baby dahil ikukuha ko na siya ng educational plan. Gusto naming maibigay sa kanya ang tamang edukasyon para magkaroon ng magandang kinabukasan," dagdag pa ni Tonton.

Botong-boto si Liza Lorena kay Glydel at sabik na ito sa pagdating ng kanyang apo. Ayaw nilang ipa-ultrasound ang magiging anak ng dalawa para excited, ayon pa sa aktor.
Wala Munang Boyfriend
Napakaswerte ng mga StarStruck winners at nabigyan sila ng malaking break para magkaroon ng maraming shows sa Siyete. Pagkakataon din para makalabas sila sa pelikula.

Hindi nga sukat akalain ni Jennylyn Mercado na dumapo sa isang iglap ang malaking swerte dahil may angkin naman siyang talento lalo na sa pagkanta. Kaya lang balita naming may boyfriend na ito. Sana’y unahin muna nito ang kanyang career at huwag muna ang nobyo tutal makakapaghintay naman ang pag-ibig, di ba?
Angelika-Kristine, Nagkakailangan?
Iniintriga pa rin ang pagsasama nina Angelika dela Cruz at Kristine Hermosa sa Sana’y Wala Nang Wakas. Nagkakailangan daw ang dalawa sa taping dahil napunta na si Jericho Rosales kay Angel.

"Tita, hindi naman totoo ito. Magkaibigan kami at maganda naman ang working relationship namin ni Kristine," anang aktres.

Bukod sa soap opera ay magiging abala na rin si Angel sa paggawa ng album.
Susan, Di Apektado Ng "Anak Sa Labas" Ni Fpj
Inilunsad kamakailan ang isang buwang pagpapalabas ng pelikulang klasikong Tagalog sa Cinema Paraiso 2 Film Festival na idinaos sa bulwagan ng National Commission for Culture and Arts kung saan naging guest speaker si Susan Roces. Unang ipinalabas ang kanilang pinagtambalang pelikula ni Fernando Poe Jr. na pinamagatang Perlas ng Silangan.

Ayon kay Susan, ginawa ang pelikula noong 1969 isang taon pagkatapos ng kanilang kasal at naging obra maestra ni Pablo Santiago. Isang buwan din silang naglagi sa Batangas habang tinatapos ang pelikula.

Bago siya nag-speech ay may ilang reporters ang nagtanong sa kanya tungkol sa pag-amin ng kanyang asawang kakandidato sa pagkapangulo ng bansa tungkol kay Anna Marin kung saan may anak silang binata na.

"Inamin niya ito dahil totoo naman. This is part of a chapter in our lives na isinara na namin," ani Susan.

Pinakiusapan niya ang mga reporters na huwag na lang siyang hingan pa ng mga detalye. Kinalimutan na niya ito at hindi siya naapektuhan ng intriga tungkol sa kanyang asawa.

Puspusan din ang gagawin nitong pangangampanya para sa kanyang asawa kung may pagkakataon, maghahati sila ng grupo para magtungo sa iba’t ibang panig ng lalawigan.

Show comments