^

PSN Showbiz

May impostor na Jennylyn Mercado

PARINIG NGA! - Lanie M. Sapitanan -
Naging palaisipan sa aming opisina ang pagtawag araw-araw sa telepono ng sinasabing Jennylyn Mercado. Nagsisimula palang ang StarStruck ay consistent na siyang nakikipagtsikahan sa tatlo naming kasamahan. Syempre super entertain ang bigay sa kanya dahil in a way ay star na nga naman siya. Hanggang finally ay siya na ang tinanghal na winner ng palabas. Pero naghinala na ako noong ayaw niyang kausapin si Tita Vero (Entertainment Editor) sa telepono, samantalang ilang beses na siyang na-interview ni Tita Vero ng personal.

Ang part na hindi maganda ay nagsasalita pa yung nagpapanggap na Jennylyn kuno ng mga negative patungkol kay Yasmien Kurdi na naging mahigpit niyang kalaban sa Final Judgment.

Nagkaroon ako ng chance na ma-meet ng personal ang buong StarStruck stars. Tinanong ko kay Jennynlyn kung alam niya ang number ng PSN. Umiling agad si Jenny. Nagbanggit din ako ng tatlong pangalan ng empleyado namin kung kilala niya ang mga ito. "Wala po," madiin niyang sabi. Ikinwento ko sa kanya na may regular na tumatawag sa office at sinasabing siya raw si Jennylyn Mercado. Kumunot ang noo nito at kahit pagod na pagod ay sinabi nito na "Hindi po ako yun. Wala po akong koneksyon sa mga ganyan. Hindi ko rin po pwedeng siraan si Yasmien, kita naman po n’yo pare-pareho kaming naghihirap dito. Magkakaibigan na po kami sa grupo," sabi ni Jenny. At para mawala yung galit niya sa impostor na ginagamit ang kanyang pangalan, iniba ko na lang ang usapan namin.

Sa edad na tatlong taon ay mahilig nang kumanta si Jenny. Kahit bata pa raw ay madalas na siyang isabak sa mga kantahan ng mother niya sa mga family gathering nila o sa mga school programs. Talaga raw mahilig kumanta ang pamilya niya lalo na sa mother side nito.

Malamang na may plano ang GMA Records na gawan siya ng sarili niyang album in the future.

"Hindi ko pa po alam, sana nga po. Bahala na po ang GMA 7 hindi lang po sa career ko kundi maging sa buong StarStruck stars," sabi ni Jenny.

Kung nakabili na ng bagong sasakyan si Jenny nakakabilib naman si Mark Herras, dahil hindi niya ginalaw ni singko ang napanalunan nito. Ibinigay niya ang buong pera sa kanyang ama. Naawa raw kasi siya dahil nga naloko ng P1 million ang daddy niya sa pyramid scam noon.

"Bahala na po ang daddy ko sa napanalunan ko. Mabuti na lang marami pong shows na plano ang GMA sa amin. Kaya may pagkukunan pa rin ako ng pambiling damit," kwento ni Mark.
* * *
Tinanghal na Acoustic King si Nyoy Volante sa katatapos na text contest ng MixMatch. Nakakuha si Nyoy ng 25% sa total score samantalang nakasungkit ng 20% si Jimmy Bondoc at 19% naman si Paolo Santos.

"Salamat po sa lahat ng nag-text. Deserving din naman sila Jimmy at Paolo. Maraming salamat po sa pagkilala sa talent ng mga Pinoy artists natin," ani Nyoy.
* * *
Nag-release ng bagong album ang Candid Records Philippines, "Teach Me... Tonight". Naglalaman ito ng 14 songs tulad ng "Teach Me Tonight," "A Time For Love," "Never Let Me Go," "Blue In Green," "Lover Man," "Someone To Watch Over Me" at marami pang iba. Ang album na "Teach Me To Night" ay out na sa market.

vuukle comment

A TIME FOR LOVE

ACOUSTIC KING

BAHALA

BLUE IN GREEN

CANDID RECORDS

ENTERTAINMENT EDITOR

JENNYLYN MERCADO

NIYA

TITA VERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with