Oyo Boy di nag-promote sa Morning Girls dahil kay Kris
February 10, 2004 | 12:00am
Hindi dumating sa Morning Girls si Oyo Boy Sotto para sa promosyon ng Kuya na malapit nang ipalabas. Katwiran nito ay di niya nagustuhan ang ginawa ni Kris Aquino sa kanyang Daddy Vic kung saan nadamay ito noon sa isyu nila ni Mayor Joey Marquez.
Ngayong magtatambal ang kanyang ama at ni Kris sa pelikula ay nagkibit-balikat lang ito at sinabing sa movie lang naman ito.
Mahal ni Oyo ang kanyang ama at ayaw niyang masasabit ito sa mga isyu.
Abala ngayon sa promosyon ng Kuya ang young actor at ratsada sa TV shows dahil malaki ang suportang ibinibigay sa kanya ng Siyete.
Sobra ang pag-ibig nina Jomari Yllana at Ara Mina sa isat isa at hindi na nila itinatago ang kanilang relasyon. Ayon sa aktor ay wala nang makakahadlang sa kanilang pag-iibigan.
Nang tanungin si Jom kung gaano ang pagmamahal na inaalay niya sa sweetheart ay nagsabi itong "She is heaven sent". Sinabi naman ng aktor na malayo pa silang lumagay sa tahimik dahil pareho silang abala sa kanilang career.
Ang ikinalulungkot lang ngayon ni Jom ay hindi niya nakikita ang kanyang anak.
Sinabi naman ni Aiko na hindi sinusustentuhan ni Jom ang kanilang anak at kapag masaya ito ay nalilimutan ang obligasyon kay Andrei.
Siguro kailangan talagang mag-usap nang masinsinan ang dating mag-asawa para hindi maapektuhan ang kanilang anak. Matalino pa namang bata si Andrei na nangangailangan ng pagmamahal hindi lang mula sa kanyang ina kundi gayundin sa ama para magkaroon naman ito ng sense of belonging.
Natagalan din ang honeymoon nina Gladys Reyes at Christopher Roxas sa Boracay. Hindi pa nila alam kung tutuloy sila sa Amerika sa paanyaya ng ilang kaibigan doon dahil inaayos nilang mabuti ang bahay na magiging pugad ng kanilang pagmamahalan.
Ayon kay Chris, gustung-gusto na niyang magka-baby sila ng asawa. Tatlo ang gusto nilang maging anak. "Sana lalaki agad ang panganay at babae ang kasunod. Pero kung anong gender ang mauna ay okey lang bastat malusog," aniya.
May negosyo ang aktor kaya kahit wala pang pelikula si Gladys o soap opera ay may masasandalan naman sila.
Kahit maraming negatibong publisidad ang lumalabas laban kay Alicia Meyer ay di pa rin nagbago ang pagtingin sa kanya ni Edu Manzano. Katunayan nga ay all the way ang suporta at concern na ipinakita ng VRB chairman sa aktres.
Kahit ang career nito ay di rin naapektuhan ng intriga dahil naging propesyonal ito sa kanyang trabaho at marunong makisama sa mga kapwa artista at staff.
Mabait na tao si Marvin Agustin kaya naman maganda ang karma nito. Katunayan ay nabigyan niya ng magandang buhay ang pamilya kahit siya ang tumayong ama nila. Masaya ang kanyang Mommy Tet at mga kapatid na sina Joy at May dahil sa pag-aarugang ginawa sa kanila ng aktor.
Malapit nang lumaya ang ama nito at ang birthday wish nga ni Marvin, ay maging maayos ang buhay nito sa paglaya. May plano ito para sa kanyang ama.
Maganda rin ang lovelife ni Marvin kung saan kahit magkalayo sila ng nobyang si Adelle Kho ay stable pa rin ang kanilang relasyon. Halos araw-araw ay nagtatawagan sila sa phone kaya naman mataas ang binabayaran nitong phone bill.
Pinasikat ng manager na naka-detain ngayon sa Crame ang bold star na ito. Marami na rin siyang pelikulang nagawa na siya ang bida. Mahal na mahal ng bold star ang manager na naging mentor kaya nasaktan sa sinapit nito.
Masakit din sa loob nito na makita ang manager sa ganitong kalagayan pero wala naman siyang magawa.
Habang nakakulong ang manager ngayon ay di alam ng bold star kung anong mangyayari sa kanyang career kaya minabuti na lang nito na magtungo ng Japan at kumanta-kanta roon. Sa ganitong paraan ay kikita rin nga naman siya kaysa naman matengga ang career. Mabuti na lang at may ibubuga siya sa pag-awit.
Ngayong magtatambal ang kanyang ama at ni Kris sa pelikula ay nagkibit-balikat lang ito at sinabing sa movie lang naman ito.
Mahal ni Oyo ang kanyang ama at ayaw niyang masasabit ito sa mga isyu.
Abala ngayon sa promosyon ng Kuya ang young actor at ratsada sa TV shows dahil malaki ang suportang ibinibigay sa kanya ng Siyete.
Nang tanungin si Jom kung gaano ang pagmamahal na inaalay niya sa sweetheart ay nagsabi itong "She is heaven sent". Sinabi naman ng aktor na malayo pa silang lumagay sa tahimik dahil pareho silang abala sa kanilang career.
Ang ikinalulungkot lang ngayon ni Jom ay hindi niya nakikita ang kanyang anak.
Sinabi naman ni Aiko na hindi sinusustentuhan ni Jom ang kanilang anak at kapag masaya ito ay nalilimutan ang obligasyon kay Andrei.
Siguro kailangan talagang mag-usap nang masinsinan ang dating mag-asawa para hindi maapektuhan ang kanilang anak. Matalino pa namang bata si Andrei na nangangailangan ng pagmamahal hindi lang mula sa kanyang ina kundi gayundin sa ama para magkaroon naman ito ng sense of belonging.
Ayon kay Chris, gustung-gusto na niyang magka-baby sila ng asawa. Tatlo ang gusto nilang maging anak. "Sana lalaki agad ang panganay at babae ang kasunod. Pero kung anong gender ang mauna ay okey lang bastat malusog," aniya.
May negosyo ang aktor kaya kahit wala pang pelikula si Gladys o soap opera ay may masasandalan naman sila.
Kahit ang career nito ay di rin naapektuhan ng intriga dahil naging propesyonal ito sa kanyang trabaho at marunong makisama sa mga kapwa artista at staff.
Malapit nang lumaya ang ama nito at ang birthday wish nga ni Marvin, ay maging maayos ang buhay nito sa paglaya. May plano ito para sa kanyang ama.
Maganda rin ang lovelife ni Marvin kung saan kahit magkalayo sila ng nobyang si Adelle Kho ay stable pa rin ang kanilang relasyon. Halos araw-araw ay nagtatawagan sila sa phone kaya naman mataas ang binabayaran nitong phone bill.
Masakit din sa loob nito na makita ang manager sa ganitong kalagayan pero wala naman siyang magawa.
Habang nakakulong ang manager ngayon ay di alam ng bold star kung anong mangyayari sa kanyang career kaya minabuti na lang nito na magtungo ng Japan at kumanta-kanta roon. Sa ganitong paraan ay kikita rin nga naman siya kaysa naman matengga ang career. Mabuti na lang at may ibubuga siya sa pag-awit.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended