^

PSN Showbiz

Estudyante pa lamang si Boots nakatikim na ito ng pulitka !

KWENTONG SHOWBIZ - Ernie Pecho -
Inaantok na ako nang mapindot ko ang remote at nalipat sa programang Private Conversations With Boy Abunda.

Nagising ako ng husto dahil sa maganda at very enlightening interview ni Boy kay Boots Anson-Roa. Habang pinanonood ko ang mahusay na pagdadala ni Abunda ng kanyang show, I can’t help but compare him sa ibang established broadcast journalists sa buong mundo.

Sa husay ng pag-interview ni Boy Abunda sa senatoriable na si Boots Anson-Roa, na-conclude ko sa sarili na maari nang ikumpara kay Tim Sebastian of BBC’s Hardtalk ang ating TV host.

Higit akong humanga kay Ms. Anson-Roa dahil sa magandang panayam na ‘yon. Sabi nga ng isa kong kasambahay na nagpuyat din para mapanood ang interview, baka ang premyadong aktres ang siyang maging susunod nating Lady President.

Ang opinyon ko, Boots is more than spiritually, morally and intellectually ready to be elected to the Philippine Senate. Ilang eleksyon na pala siyang kinukumbinse na pasukin ang pulitika. Lagi na lang siyang tumatanggi.

Sabi nga ni Boots kay Boy, "I’m not yet in a state of mind to be in politics during those times."

Tinanong ni Boy si Boots kung ano ang reaksyon ng kanyang pamilya sa pagpasok niya sa pulitika, agad na sinagot na hindi naman siya ang aktwal na nagsabing kakandidato siya this coming election.

Ipinagtapat ni Boots na si Ronnie Poe mismo ang unang nakipag-usap sa husband niyang si Pete Roa.

Ang kaso, sina Pete pala mismo at ang kanyang pamilya ang siyang nag-encourage kay Boots na pasukin ang politics. Noong buhay pa nga ang kanyang amang si Oscar Moreno (isang sikat na matinee idol noong Sampaguita Pictures days) ito ang madalas kumumbinse sa kanyang anak.

Kaya ang sabi ni Boots, her dad is surely smiling in his grave now that she has finally made up her mind.

Kung titingnan kasi ang buong credentials ni Boots Ansoa-Roa, very exceptional talaga. Isang honor student siya ng UP. Mula pa sa grade school hanggang makatapos ng college consistent scholar siya.

Sa unibersidad, nahalal pa si Maria Elisa Anson bilang presidente ng UP Women’s Club. Ito ang pangunahing asosasyon ng mga mag-aaral na kababaihan sa State University.

Para mahalal kang pangulo ng napakalaking grupong ito, kailangan talaga matalino ka at respetado ng women papulation ng UP. Kailangan ding mangampanya ka sa lahat ng colleges ng UP at talagang tila tunay na politics na ang eleksyon nito. Natandaan ko pa na pagkatapos ng distinguished term ni Boots, si Clemencia Natividad ang sumunod na pangulo.

Noon pa lamang istudyante si Boots, nakatikim na ito ng pulitika. Naiba nga lang ang linya niya nang pasukin ang showbiz, pero stand-out pa rin siya.

Sa showbiz nga madalas sabihin na siya ang artistang "too good to be true." May mga nagtatanong pa ng "what is good lady like her doing in this business." Ang karamihan pa ang tawag sa kanya "Mother Virtue".

Sa totoo lang, isa si Boots Anson-Roa sa nagbigay ng respeto at dignidad sa pagiging artista sa showbiz.

Noon namang nasa Amerika ang pamilya niya, naging executive siya ng mga leading American corporations. Pagbalik naman niya ng ating bansa, maraming mataas na tungkulin ang kanyang hinawakan, kabilang na ang pagiging C.E.O. ng isang government TV network.

Ang isa sa mga latest positions niya ay bilang chief executive ng MOWELFUND.

Tiyak na ang  kanyang maraming achievements at mayamang karanasan ay kailangan natin sa Senado.

Higit sa lahat, hanga ako kay Boots Anson-Roa as a loving and faithful wife to Pete Roa. Ang love story ng mag-asawa ang isa sa greatest Valentine stories nating mga Pinoy.

BOOTS

BOOTS ANSOA-ROA

BOOTS ANSON-ROA

BOY ABUNDA

CLEMENCIA NATIVIDAD

HIGIT

KANYANG

PETE ROA

ROA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with