Kahit pala galing sa sakit si Aray magandat sexy pa rin. Nalaman namin sa isang colleague na ilang araw nilagnat ang actress at pinayuhan pa niyang magpa-doctor ito dahil walang balak magpa-check up (hinintay sigurong si Jomari ang magsabing magpa-doctor siya).
May masamang bisyo si Ara na dapat niyang baguhin. Abay di pala ito water drinker at kung uminom man ay konti-konti lang dahil may iniinom daw itong kung ano. Sabi namin sa nagkukwento, kung hindi pa rin sumunod sa kanya si Ara na uminom ng tubig ay isusumbong niya kay Jomari. Baka magaya siya kay Sandy Andolong na nagkasakit dahil hindi rin umiinom ng tubig at kape lang ang gustong inumin.
Incidentally, kasama na sa cast ng Te Amo si Ara. Nagsimula na siyang mag-taping last week at ang role niyay love interest ni Jomari Yllana.
Pagka-e-mail, magti-text pa si Isabel para itanong kung natanggap na ang kanyang in-e-mail. Doon namin nalalamang may letter kamit tamad kaming magbukas ng e-mail.
First time susubok sa pulitika si Geryk. Graduate ito ng B.S. Electronics and Communications sa De La Salle University at naging print at commercial model muna bago nag-showbiz. Isa sa project ni Geryk pag nanaloy isulong ang Computer Literacy sa Angeles. Ang slogan ni Geryk ay Y.E.S. na ang ibig sabihin ay Youth Education and Sports. Okey na ba ito Issa?
Pero, kung sasali sa alinmang beauty contest si Maxene, malaki ang laban nito dahil maganda nay matangkad pa (shes 57" at 17 years old) articulate pa at makinis. Sa ngayon, sa kanyang showbiz career at studies ang concentration ng bagets. Busy siya sa promo ng Kuya at taping ng Daddy Di Do Du at bagong teleserye ng GMA-7 na may tentative title na Hiling Ko.
Nakapasa sa entrance exam sa Miriam College si Maxene at hinihintay niya ngayon ang resulta ng entrance exams sa UP at Ateneo. Given the choice, mas gustong mag-aral ng young actress sa Ateneo kung saan balak niyang kumuha ng Mass Communications.
Aware si Maxene sa sinasabing mens movie ang Kuya pero, maganda rin daw ang role nila nina Chynna Ortaleza, Angel Locsin at Aubrey Miles. Si Cogie Domingo ang ka-loveteam niya rito pero, kay Oyo Boy Sotto siya may kissing scene. Bago pa namin siya matuksoy, binuking nitong daya ang nasabing kissing scene.
Im sure, ganoon din ang isasagot niya kapag aming tinanong sa latest tsika sa kanya na nagpadagdag siya ng chin. Nahalata ito ng viewers nang mag-host siya sa isang malaking show kamakailan.
Tiningnan naming mabuti ang TV host at medyo nga tumulis ang dati niyang round chin. Pero, inisip naming dala lang yun ng maganda niyang make-up. Para makasiguro, tatanungin pa rin namin siya kung inayos bang talaga ang kanyang chin. Kahit mag-deny, at least, makakakuha pa rin kami ng reaction.
Tinatapos na ng The CompanY ang kanilang 13th album entitled "Mahal Kong Radyo" under Pop Art Music ng Viva Records na tribute sa radio. Kasama sa mga kanta sa album ang "Hopeless Romantic" na entry ni Christian Martinez sa 1st Levi Pop Songwriting Contest.
Ang The CompanY ay binubuo nina Sweet Plantado, Annie Quintos, Cecile Bautista, Reuben Laurente, Andre Castillo at Moy Ortiz.