Kris, sinulot ang role para kay Juday?

Nag-ugat ang galit ng mga tagahanga kay Kris Aquino nang mapunta sa magaling na TV talk show host ang iniendorsong bag ni Judy Ann Santos. Lalong nag-init ang kanilang galit nang napunta rito ang lead role sa Feng Shui na nakalaan sa kanilang idolo. Matagal nang inaabangan ng mga fans na masimulan na ng kanilang idolo ang nasabing pelikula dahil feel nila maipapakita dito ni Juday ang kanyang acting ability na posibleng magdadala sa kanya ng recognition. Lalo nila itong pinanabikan dahil nabalitang makakatambal dito ng aktres ay si Jericho Rosales na matagal nang pinapangarap ng mga fans na makakatambal ng kanilang idolo.

Sa pinakahuling kaganapan ay si Kris na ang siyang magbibida at si Jay Manalo ang kanyang makakatambal. Nasimulan na ang syuting at ayon sa direktor ng pelikula na si Direk Chito Roño ay walang balak ang Star Cinema na isali ito sa film competition.

Dagdag pa ng direktor, hindi na nila nahintay ang availability ni Juday. Si Juday pala ang dahilan kung bakit nabakante ang magaling na direktor sa paggawa ng pelikula mula noong buwan ng Oktubre ng nakaraang taon dahil gusto nito ang Feng Shui ang gagawin niyang pelikula. Nawalan ng panahon si Juday para sa movie dahil sa Mano Po 2, pero hinintay pa rin ang kanyang availability. Pero, napuno na ang salop ‘ika nga, kaya sinimulan na ang pelikula na si Kris Aquino ang ginawang bida. AD

Show comments