Isang jaded character na walang ambisyon sa buhay ang magiging papel ni Piolo sa bago niyang TV serial at dito niya makikilala ang isang matalinong bata na may ambisyon at pangarap sa buhay.
Excited si Piolo sa kanyang bagong sisimulang programa dahil kakaiba ito sa mga nagawa na niya in the past.
Samantala, nananatiling pinakamainit pa rin si Piolo sa mga kabataang male stars. Bukod sa TV, pelikula at recording, in-demand din si Piolo bilang product endorser at sa mga concerts. Pinaghahandaan na rin ng ABS-CBN ang napipintong major solo concert ni Piolo na malamang ganapin sa Araneta Coliseum.
Pero sa kabila ng kasikatang tinatamasa ni Piolo, nanatili pa ring nakasayad sa lupa ang kanyang mga paa.
Ang ipinagbubuntis naman ngayon ni Sunshine ay second baby nila ng husband niyang si Cesar Montano. Ang kanilang panganay na si Angeline ay apat na taong gulang na. May step-children din si Sunshine sa kanyang mister, sina Angela at Angelo, mga anak ni Cesar sa yumao nitong unang asawa.
Samantala, may deposito nang haharap sa dambana si Glydel sa kasal nila ni Tonton Gutierrez sa Marso 15 dahil mahigit tatlong buwan na ang ipinagbubuntis nito ngayon.
Sina Jules at Assunta ay unang nagpakasal nung December 2002 sa civil rites na ginanap sa hometown ni Jules sa San Carlos City, Negros Occidental. Pero sa kabila na matagal na silang nagsasama bilang mag-asawa, hindi pa rin nabubuntis si Assunta dahil gusto nitong seksi pa rin siya sa araw ng kanilang kasal sa simbahan.
Ang kilalang designer sa New York na si Vera Wang ang gumawa ng wedding gown ni Assunta at ang black suit naman ni Jules ay gawa ng designer na si Liana Lee. Knowing Jules, inaasahang magiging super bongga ang kasalang magaganap sa kanila ni Assunta.
Lingid sa kaalaman ng marami, si Pops ay isa na ring matagumpay na businesswoman magmula ng kanyang itatag ang sarili niyang fashion line, ang Pipay Designs na may dalawa nang stores -- sa Beauty Central sa Greenhills at sa Shangri-La Plaza.
At 37, mapapagkamalan pa rin si Pops to be in her 20s dahil marunong itong magdala ng kanyang sarili kaya naman kahit sa mga bagets ay very appealing pa rin ang ex-wife ni Martin Nievera.