Glydel,tatlong buwan nang buntis !
February 6, 2004 | 12:00am
Mahigit 2,000 aspirants ang pinagpipiliang bata ngayon ng ABS-CBN para sa role na bata na kanilang ilu-launch para maging co-star ni Piolo Pascual sa kanyang bagong sisimulang teleserye sa Dos na may halong fantasy na magkatulong na ididirek nina Malu Sevilla at Cathy Garcia-Molina at kung saan naman gaganap na kapatid ni Piolo si Patrick Garcia.
Isang jaded character na walang ambisyon sa buhay ang magiging papel ni Piolo sa bago niyang TV serial at dito niya makikilala ang isang matalinong bata na may ambisyon at pangarap sa buhay.
Excited si Piolo sa kanyang bagong sisimulang programa dahil kakaiba ito sa mga nagawa na niya in the past.
Samantala, nananatiling pinakamainit pa rin si Piolo sa mga kabataang male stars. Bukod sa TV, pelikula at recording, in-demand din si Piolo bilang product endorser at sa mga concerts. Pinaghahandaan na rin ng ABS-CBN ang napipintong major solo concert ni Piolo na malamang ganapin sa Araneta Coliseum.
Pero sa kabila ng kasikatang tinatamasa ni Piolo, nanatili pa ring nakasayad sa lupa ang kanyang mga paa.
Tatlong female celebrities ang expectant mothers sa taong ito - sina Sharon Cuneta, Sunshine Cruz at si Glydel Mercado. Dinadala ngayon ni Sharon ang kanyang pangalawang anak sa asawang si Sen. Kiko Pangilinan. Ang panganay nila ni Kiko na si Frankie ay tatlong taong gulang na habang ang kaisa-isang anak ni Sharon sa dati nitong mister na si Gabby Concepcion na si KC ay magna-19 na at first year college ngayon sa isang unibersidad sa Paris.
Ang ipinagbubuntis naman ngayon ni Sunshine ay second baby nila ng husband niyang si Cesar Montano. Ang kanilang panganay na si Angeline ay apat na taong gulang na. May step-children din si Sunshine sa kanyang mister, sina Angela at Angelo, mga anak ni Cesar sa yumao nitong unang asawa.
Samantala, may deposito nang haharap sa dambana si Glydel sa kasal nila ni Tonton Gutierrez sa Marso 15 dahil mahigit tatlong buwan na ang ipinagbubuntis nito ngayon.
Ibang klase rin naman itong mister ni Assunta de Rossi na si Congressman Jules Ledesma. Napag-alaman namin na magpapatayo pala ito ng billboard sa may EDSA para lamang ipaalam sa publiko ang kasal nila sa simbahan na nakatakdang ganapin sa Sanctuario de San Antonio sa Forbes Park, Makati City sa ganap na ika-7 ng gabi sa March 14. Palibhasay very proud si Jules sa kanyang batam-batang misis, gusto niya talaga na itoy ipangalandakan sa mundo.
Sina Jules at Assunta ay unang nagpakasal nung December 2002 sa civil rites na ginanap sa hometown ni Jules sa San Carlos City, Negros Occidental. Pero sa kabila na matagal na silang nagsasama bilang mag-asawa, hindi pa rin nabubuntis si Assunta dahil gusto nitong seksi pa rin siya sa araw ng kanilang kasal sa simbahan.
Ang kilalang designer sa New York na si Vera Wang ang gumawa ng wedding gown ni Assunta at ang black suit naman ni Jules ay gawa ng designer na si Liana Lee. Knowing Jules, inaasahang magiging super bongga ang kasalang magaganap sa kanila ni Assunta.
Tagumpay ang ginanap na fashion show (every 30 minutes) nung nakaraang Sabado (Jan. 31) ng Pipay Designs na ginanap sa 2nd level ng Greenlanes Beauty Central Arcade sa Greenhills. Ang Pipay Designs ay pag-aari ng concert queen na si Pops Fernandez. Ipinakita sa nasabing fashion show ang latest designs ng Pipay mula sa mga damit at accessories at maging sa kanyang complete line ng cosmetics, ang Kiss & Make-up by Pipay. Siyempre pa, naroon si Pipay (Pops) para personal na pangasiwaan ang nasabing fashion show. Dumalo rin ang mga kaibigan na sina Rudy Fernandez at Tanya Garcia (na mga co-stars niya sa teleseryeng Twin Hearts at ang kanyang best friend na si Liezl Martinez at anak nitong si Alyanna. Naroon din ang ever young-looking mom ni Pops na si Dulce Lukban at ang may-ari ng Beauty Central, ang beauty czar na si Ricky Reyes at iba pang mga bisita.
Lingid sa kaalaman ng marami, si Pops ay isa na ring matagumpay na businesswoman magmula ng kanyang itatag ang sarili niyang fashion line, ang Pipay Designs na may dalawa nang stores -- sa Beauty Central sa Greenhills at sa Shangri-La Plaza.
At 37, mapapagkamalan pa rin si Pops to be in her 20s dahil marunong itong magdala ng kanyang sarili kaya naman kahit sa mga bagets ay very appealing pa rin ang ex-wife ni Martin Nievera.
[email protected]
Isang jaded character na walang ambisyon sa buhay ang magiging papel ni Piolo sa bago niyang TV serial at dito niya makikilala ang isang matalinong bata na may ambisyon at pangarap sa buhay.
Excited si Piolo sa kanyang bagong sisimulang programa dahil kakaiba ito sa mga nagawa na niya in the past.
Samantala, nananatiling pinakamainit pa rin si Piolo sa mga kabataang male stars. Bukod sa TV, pelikula at recording, in-demand din si Piolo bilang product endorser at sa mga concerts. Pinaghahandaan na rin ng ABS-CBN ang napipintong major solo concert ni Piolo na malamang ganapin sa Araneta Coliseum.
Pero sa kabila ng kasikatang tinatamasa ni Piolo, nanatili pa ring nakasayad sa lupa ang kanyang mga paa.
Ang ipinagbubuntis naman ngayon ni Sunshine ay second baby nila ng husband niyang si Cesar Montano. Ang kanilang panganay na si Angeline ay apat na taong gulang na. May step-children din si Sunshine sa kanyang mister, sina Angela at Angelo, mga anak ni Cesar sa yumao nitong unang asawa.
Samantala, may deposito nang haharap sa dambana si Glydel sa kasal nila ni Tonton Gutierrez sa Marso 15 dahil mahigit tatlong buwan na ang ipinagbubuntis nito ngayon.
Sina Jules at Assunta ay unang nagpakasal nung December 2002 sa civil rites na ginanap sa hometown ni Jules sa San Carlos City, Negros Occidental. Pero sa kabila na matagal na silang nagsasama bilang mag-asawa, hindi pa rin nabubuntis si Assunta dahil gusto nitong seksi pa rin siya sa araw ng kanilang kasal sa simbahan.
Ang kilalang designer sa New York na si Vera Wang ang gumawa ng wedding gown ni Assunta at ang black suit naman ni Jules ay gawa ng designer na si Liana Lee. Knowing Jules, inaasahang magiging super bongga ang kasalang magaganap sa kanila ni Assunta.
Lingid sa kaalaman ng marami, si Pops ay isa na ring matagumpay na businesswoman magmula ng kanyang itatag ang sarili niyang fashion line, ang Pipay Designs na may dalawa nang stores -- sa Beauty Central sa Greenhills at sa Shangri-La Plaza.
At 37, mapapagkamalan pa rin si Pops to be in her 20s dahil marunong itong magdala ng kanyang sarili kaya naman kahit sa mga bagets ay very appealing pa rin ang ex-wife ni Martin Nievera.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended