Manager ng mga bold stars, ikinulong sa Crame
February 5, 2004 | 12:00am
Naaawa kami sa kinahinatnan ng isang lady manager na naka-detain ngayon sa Crame ayon sa isang source dahil sa kasong white slavery na isinampa yata ng isang taong naging malapit sa kanyang alaga.
Mabait naman at ma-PR ang manager na ito kaya lang, dumating sa puntong nagkaroon ng matinding problema dahil sa kanyang mga alagang napupusuan ng ilang maimpluwensyang tao. Siguro hindi nagkakasundo ang dalawang panig na humantong sa pagkaka-detain ng manager sa Crame.
Hindi maipaliwanag ni Jennylyn Mercado ang sobrang kasiyahan nang manalo siya sa The Final Judgment ng StarStruck noong Linggo kasama si Mark Herras. Mayroon na siyang isang milyong kontrata sa GMA at P500,000 cash na napanalunan.
Ano ang gagawin nito sa pera? "Ilalagay ko po sa bangko para palaguin. Kikita pa ako sa mga shows na sasalihan ko sa Syete kaya makaiipon akong mabuti," sabi ni Jennylyn.
Ngayong matatapos na ang teleserye na tinatampukan nina Oyo Boy Sotto at Valerie Concepcion ay may balitang si Jennylyn ang bibigyan ng malaking break para itambal kay Oyo Boy sa susunod nitong teleserye.
Napakagandang regalo ang natanggap ng labing-apat na finalists ng StarStruck dahil magkakaroon sila ng sariling show. Hindi na pwedeng mag-primadonna ngayon ang ibang mga taga-GMA Artist Center dahil sa rami ng mga artistang kinuha nila na huhubugin.
Sa kabilang banda, malaking bagay ang ginawang pakontes ng Syete dahil hindi na sila mahihirapang maghanap ng mga talents dahil labing-apat agad ang mai-kokontrata nila na puro may potensyal na maging artista.
Higit na maganda ngayon si Tracy Torres dahil nagmukha siyang bata sa kanyang hairstyle. Nang makakwentuhan ko nga ito ay sinabi niyang abala naman siya sa mga shows at pagiging ramp model.
Wala siyang pelikula ngayon sa Leo Films kaya nga nagtataka kami kung bakit na-shelve ang Kamasutra na gagawin sana ng kompanya sa lokal na bersyon tampok si Tracy.
Dalawang taon na pala ito sa showbiz at magi-expire na ang kontrata kay Mr. Sixto Dy sa July. Tatlo lang ang nagawa nitong pelikula, ang Tukaan, Punla at Mapanukso. Bakit kaya natengga na ang kanyang proyekto? Ginawa tuloy siyang buro queen ng Leo.
Tiyak na pag-aagawan ng mga producers si Tracy kapag natapos na ang kontrata nito dahil bukod sa napakaganda ay hindi kailanman naging sakit ng ulo ng kompanya kahit pa sa kanyang manager na si Ed Alcantara.
Type pala ni Vice-Mayor Herbert Bautista ang beauty ni Mickey Ferriols. Ang lakas ng dating sa kanya ng magandang aktres at TV host. Ewan namin kung nagbibiro ito sa pagsasabing kung wala lang itong nobyo ay balak niya itong ligawan.
Nagkabati na sina Alessandra de Rossi at Assunta kung saan ang una ang magiging Maid of Honor ng aktres sa kanyang kasal ngayong Marso. Umaasa nga si Sam at asawang si Jules Ledesma na sanay mawala na ang hinanakit ni Mommy Nette para makadalo ito at masaksihan ang kasal ng anak.
Napatunayan naman na masaya ang pagsasama nina Sam at ang kongresista at marahil ay sapat na ito para maglubag ang kanyang kalooban. Walang inang nakakatiis sa anak lalo na sa pakikibahagi sa kaligayahan nito sa kanyang araw ng kasal, di ba?
Naging kontrobersyal lately si Alicia Mayer na nali-link kay Edu Manzano kaya maraming nagtatanong kung totoo nga ba ang balitang matsutsugi na ito sa kanyang mga programa sa Syete.
Nilinaw ng kanyang manager na si Popoy na walang katotohanan ang balita dahil tuluy-tuloy pa rin ang suporta ng GMA 7 sa kanyang alaga. Kinausap na rin ito ng management ng Syete at nilinaw na nila ang balita.
Katunayan ay kasama pa rin si Alicia sa All Together Now at Eat Bulaga. Naipagtanggol na nito ang kanyang sarili laban sa malaking kontrobersya na sinimulan ng asawang dayuhan.
Pakikiramay sa pamilya ng yumaong si Tatus Aldana na naging malapit naming kaibigan ni Wilson Tieng ng Solar Films.
Mabait naman at ma-PR ang manager na ito kaya lang, dumating sa puntong nagkaroon ng matinding problema dahil sa kanyang mga alagang napupusuan ng ilang maimpluwensyang tao. Siguro hindi nagkakasundo ang dalawang panig na humantong sa pagkaka-detain ng manager sa Crame.
Ano ang gagawin nito sa pera? "Ilalagay ko po sa bangko para palaguin. Kikita pa ako sa mga shows na sasalihan ko sa Syete kaya makaiipon akong mabuti," sabi ni Jennylyn.
Ngayong matatapos na ang teleserye na tinatampukan nina Oyo Boy Sotto at Valerie Concepcion ay may balitang si Jennylyn ang bibigyan ng malaking break para itambal kay Oyo Boy sa susunod nitong teleserye.
Sa kabilang banda, malaking bagay ang ginawang pakontes ng Syete dahil hindi na sila mahihirapang maghanap ng mga talents dahil labing-apat agad ang mai-kokontrata nila na puro may potensyal na maging artista.
Wala siyang pelikula ngayon sa Leo Films kaya nga nagtataka kami kung bakit na-shelve ang Kamasutra na gagawin sana ng kompanya sa lokal na bersyon tampok si Tracy.
Dalawang taon na pala ito sa showbiz at magi-expire na ang kontrata kay Mr. Sixto Dy sa July. Tatlo lang ang nagawa nitong pelikula, ang Tukaan, Punla at Mapanukso. Bakit kaya natengga na ang kanyang proyekto? Ginawa tuloy siyang buro queen ng Leo.
Tiyak na pag-aagawan ng mga producers si Tracy kapag natapos na ang kontrata nito dahil bukod sa napakaganda ay hindi kailanman naging sakit ng ulo ng kompanya kahit pa sa kanyang manager na si Ed Alcantara.
Napatunayan naman na masaya ang pagsasama nina Sam at ang kongresista at marahil ay sapat na ito para maglubag ang kanyang kalooban. Walang inang nakakatiis sa anak lalo na sa pakikibahagi sa kaligayahan nito sa kanyang araw ng kasal, di ba?
Nilinaw ng kanyang manager na si Popoy na walang katotohanan ang balita dahil tuluy-tuloy pa rin ang suporta ng GMA 7 sa kanyang alaga. Kinausap na rin ito ng management ng Syete at nilinaw na nila ang balita.
Katunayan ay kasama pa rin si Alicia sa All Together Now at Eat Bulaga. Naipagtanggol na nito ang kanyang sarili laban sa malaking kontrobersya na sinimulan ng asawang dayuhan.
Pakikiramay sa pamilya ng yumaong si Tatus Aldana na naging malapit naming kaibigan ni Wilson Tieng ng Solar Films.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended