Di lang pala sa TV magaling ang mga Koreano, pati pelikula din
February 5, 2004 | 12:00am
Bagaman at nagagandahan ako sa mga serye na gawa ng mga Koreano sa TV, inihanda ko na ang sarili ko na ma-bore nang mag-pasya akong pagbigyan ang imbitasyon ng kaibigan kong si Rodel Fernando na panoorin ang isang Korean movie na may pamagat na Shiri na ayon sa kasama ng aking colleague na si Beth Gelena ng Peoples ay ang ibig sabihin ay isda, siguro dahilan sa isa sa mga major characters sa pelikula ay mahilig sa mga isda.
Aksyon daw ang pelikula kaya ako bantulot na panoorin ito. Isa akong hopeless romantic na umiiyak kahit na sa pinaka-simpleng love story. Isa pa, bilib ako sa kakayahan ng mga Pilipino na gumawa ng action films. Feeling ko, second to none ang ating mga action films sa Asya.
Nagkamali pala ako! Napaka-ganda ng Shiri, maaksyon pero may puso. May mga eksena na umiyak ako habang pinanonood ko ang movie na tungkol sa isang secret agent (Ryu) at isang sniper ng isang grupo ng mga terorista. (Hee). Marami na itong napapatay na mga government officials. Ang pinagtatakhan ni Ryu ay kung bakit siya lagi nitong nauunahan sa kanyang mga operasyon. Pinaghinalaan ni Ryu ang kanyang kapartner na nagbibigay ng impormasyon dito.
May fiance si Ryu, si Hyun na di niya alam ay si Hee rin, ang assassin na pinaghahanap niya. Nalaman lamang niya ito nang tangkain nitong patayin ang isang opisyal ng gobyerno na pinaprotektahan ni Ryu. Nagkita sila at kinailangang magpasya ni Ryu kung papatayin ang nobya niya o siya ang patayin nito.
Ang ganda! Pati rin pala sa pelikula ay maganda gumawa ang mga Koreano. Talaga kayang magaling sila o naka-tyempo lamang ako ng isang magandang pelikula? Pero, magaganda rin ang palabas nila sa TV, pawang mga tearjerker, Endless Love 1 & 2, Love At the Dolphin Bay, etc. Kaya nga akala ko tearjerker din ang panonoorin ko. Aksyon pala, pero bakit kaya napaiyak ako ng makalawang beses?
Sa premire night ng pelikula na ginanap sa SM Megamall nakita ko, maraming mga dumating na Korean government officials. Ibig sabihin lang, suportado ang pelikula ng gobyerno ng Korea. Naiinggit ako!!!
Sinasabing ang Shiri ay tungkol sa patuloy na pag-aaway ng North at South Korea. Umani ang pelikula ng papuri sa mga kritiko sa buong mundo dahilan sa makabagong approach nito at global appeal. Nagtala ito ng kitang $42 M nang ipalabas ito sa Korea. Tinalo nito ang record ng Titanic sa takilya. Sampung milyong dolyares ang naging budget nito, ang tinatayang pinaka-malaki sa mga pelikulang ginawa sa Korea. Tampok dito ang mahuhusay na artistang Koreano, gaya nina Suk-Kyu, Han, Choi, Min-Sik, Kim, Yun-Jin, Song at Kang. Direksyon ni Je Gyu-Kang.
Maging ang theme song ng pelikula ay maganda at madamdamin. Nahilo lamang ako sa mga action scenes dahil magalaw ang kamera pero bumawi ito sa mga ma-dramang eksena, lalo na sa confrontation scene ng magkaaway na mortal pero, mag-nobyo pala.
Ang Operation Code Name: Shiri ay ipinamamahagi sa bansa ng Wild World Entertainment in partnership with Korean distributor Kim Myung-Whan. Palabas na ito.
Pormal na nagpaalam nung Martes ng gabi si Bong Revilla sa entertainment press. Ipinagbabawal daw ng election code na ipagpatuloy ng mga artistang kumakandidato ang kanilang pag-aartista during the campaign period.
Pero, di tulad nung last appearance niya sa Idol Ko si Kap na napaiyak siya, walang luha si Bong nung gabing yun. Nakatawa siya habang nagpapasalamat sa media.
"Di ko mapigilan ang umiyak," ani Bong, "maski sabihin pang babalik ako pagkatapos ng eleksyon, still mami-miss ko ang mga kasama ko sa show. We were together for more than 2 years."
Di pwedeng iwan ni Bong ang kanyang pag-aartista. Kahit na siya maging senador. Ito ang kanyang bread and butter. Ang pulitika ay isang paraan lamang para siya makatulong sa bayan.
Iniwan din niya ang pagiging chairman ng Videogram Regulatory Board (VRB) na kung saan ay pinuri ang kanyang matapat at matapang na paglilingkod dito at maging sa labas ng bansa.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended