Una ay ang kauna-unahang fantaserye, ang Marina na pangungunahan ni Claudine Barretto. Yes, fantaserye ang tawag ng drama department sa isa sa kanilang bagong offering. Sirena si Claudine sa kanyang bagong serye. Tatlong bagong mukha ang leading men niya rito.
Pangalawa ay ang Sarah, The Teen Princess na pagbibidahan ni Sarah Geronimo. Kasama rito ang mga baguhang talents na sina Mikel Campos, Mark Bautista at Michael Agassi. Si John-D Lazatin ang magdidirek nito.
Ikatlo ay ang fantaserye na tatampukan ni Piolo Pascual. May fantastical element ang still untitled series na ito. Very intriguing ang lumabas na teaser nito sa ABS-CBN. Ibang-ibang Piolo ang makikita sa bago nitong show. Deglamourized this time ang aktor. Quiapo ang setting nito. Sina Malu Sevilla at Cathy Garcia-Molina ang director nito.
Ikaapat ay ang Weekend Love na magtatampok sa ibat ibang loveteams ng ABS-CBN. Sina Andoy Ranay at Connie Macatuno ang director nito.
Lalo pang palalakasin ng ABS-CBN ang iba pa nilang drama programs tulad ng Maalaala Mo Kaya na incidentally ay turning 13 years ngayong taon. At ang ipinagmamalaki nilang mga teleserye-Bastat Kasama Kita, Sanay Wala Nang Wakas at It Might Be You.
For the month of February, may month-long offering ang Wansapanataym. Magkakaroon sila ng series on Pinoy superheroes. Tiyak na magugustuhan ito ng loyal viewers ng undisputed fantasy program sa Philippine Television.
"We will continue to give Pinoy audience the best drama shows and the shows that they want. This is our way of thanking our loyal viewers for making the drama shows of ABS-CBN as the best drama programs in Philippine television," says the indefatigable Malou Santos.
"Wala po talaga," sabi ni Marco. "Noon, ang gusto ko lang ay maglaro ng basketball at pag may offer, tumatanggap ako ng modeling jobs. Pero sa acting, bago lang po ako."
Ipinatawag pala si Marco ng manager niyang si Arnold Vegafria para mag-try-out sa audition ng ABS-CBN para sa role na Axel. After ilang days, nalaman na lang niya na he got the role. Agad siyang isinalang sa acting workshop under acting workshop expert Beverly Vergel.
"Nakatulong ng malaki yung workshop kasi bago nag-taping, familiar na ako sa role ko. Plus the support Im getting from the main stars and kina Direk Gilbert (Perez) and Direk Don (Cuaresma)."
Marco is turning 21 in July. He is 62" tall and a member of San Sebastian College basketball team na naglalaro sa National College Athletics Association (NCAA). Kung hindi pa na-injure, malamang daw na wala siya sa showbiz at naglalaro pa rin ng basketball.
"I had to stop playing and rest dahil sa injury. Habang nagpapagaling ako, dumating naman ang offer ng ABS-CBN. Swerte ko na rin.
Marami na raw fans sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo na nagagalit sa kanya dahil sa kanyang role. Madalas kasi niyang i-bully si Bea sa nasabing teleserye. May twist daw ang role niya in the coming episodes na tiyak na mamahalin siya ng tao.
Sa movies, napanood si Mikel sa Captain Barbell at Filipinas. He is being managed by Viva Entertainment.
Ngayong nasa ABS-CBN, isang bagong drama show ang sisimulan niya kasama sina Sarah, Mark Bautista at Michael Agassi. Ito ay ang Sarah, The Teen Princess. "May story conference kami this week," kwento ni Mikel.
At his age (he is only 17 years old), matangkad si Mikel at 61". Third year high school siya. Dalawa lang silang magkapatid. Anak siya ni former print and ramp, commercial model Susan Gaddi. Si Susan ay ang girl sa Dove soap commercial na nagsabing "Whhhat?!" Ang ama niya ay isang businessman who is running their family owned business.
Mala-Meteor Garden ang lovestory nina Jimmy Lin at Jamie Lan. Mala-Eternity naman ang action scenes dito.
Bida rito ang popular Asian group na 5566 at ang mga Taiwanese teen superstars na sina Jimmy at Jamie. Number one pala ang West Side Story sa iba pang Asian countries like Taiwan at Indonesia.
Dahil intact pa ang grupong 5566, madaling madadala ang grupo rito sa Pilipinas para mag-promote. Ang West Side Story ay napapanood araw-araw, tuwing alas singko ng hapon, bago mag-The Truth.