Angelica takot ma-link kay Piolo Pascual

Hindi agad nakasagot si Angelica Panganiban sa paghingi namin sa kanya ng reaksyon tungkol sa pagli-link sa kanya kay Piolo Pascual. Kitang-kita ang kanyang pagba-blush at nararamdaman namin ang kanyang gustong ipahiwatig. Pero dahil kailangan ang kanyang kasagutan sa isyu ay nagsalita rin ito na nangangamba siya na magalit sa kanya ang mga tagahanga na kahit di nito tinukoy ay bigay na bigay na ang pinag-uusapan dito ay ang mga tagahanga nina Judy Ann Santos at Piolo. "Natatakot kasi ako sa kanila dahil baka tawagin akong mang-aagaw ng syota ng may syota," maigsing pahayag ng batang aktres.

Ipinaliwanag namin sa kanya na si Piolo mismo ang nagsabing sa nakaraang dalawang taon ay wala siyang naging syota at hindi naman nagkumpirma si Juday na naging magsyota sila ni Piolo. Biglang lumiwanag ang mukha ng bagets at nakangiting nagpahayag ito na siya rin ay loveless dahil kamakailan ay winakasan nila ni Carlo Aquino ang kanilang "mutual understanding" na relasyon.

Inamin nitong nagka-usap silang dalawa ni Piolo sa phone nung bisperas ng Pasko at iyon ang una nilang pag-uusap na hanggang ngayon ay hindi pa nasundan. Tumawag sa kanya ang kanyang friend at nagkumustahan at pagkatapos ng maikling tsika ay ipinasa nung kausap niya sa kabilang linya ang phone kay Piolo na kasalukuyang katabi niya ng mga sandaling iyon. "Kumustahan lang naman at batian ang nangyari. Naging magkasama rin kami ng matagal sa Sa Puso Ko Iingatan Ka kaya we miss those days."

Nagkwento na rin ang batang aktres na masaya siya ngayon mula noong ibinigay niya ang kalayaan na hiniling sa kanya ni Carlo Aquino. Maraming magagandang bagay ang nangyayari sa kanya na hindi niya naranasan noong may unawaan pa sila ng batang aktor. "I’m happy for him dahil maligaya siya ngayon but I’m more happy that he is ngayon," one liner ng mestisang artista. Alex Datu

Show comments