Claudine has come a long way from Ang TV and Home Along Da Riles. Nagsimula siya sa mga mature roles sa mga teleseryeng Mula Sa Puso, Saan Ka Man Naroroon, Sa Dulo ng Walang Hanggan at Buttercup. Mayron siyang bagong palabas na nakatakdang mapanood, ang Marina na kung saan ay gumaganap siya ng isang sirena.
Isa siyang maituturing na boxoffice queen at pinanood sa kanyang mga pelikulang Kailangan Kita, Got To Believe, Opps...Teka Lang, Anak, Soltera at Dahil Mahal Na Mahal Kita,
Bagaman at hindi pa siya pinapalad na mabigyan ng Best Actress para sa kanyang mga mahusay na pagganap, na-cite na siya bilang 2000 Most Popular Movie/Teen Star of the Year, 1999 Best Young Actress, 1999 Best New TV Personality. Nabigyan din siya ng nominasyon para sa Best Supporting Actress para sa Soltera, Best TV Actress para sa Saan Ka Man Naroroon at 1999 Asian TV Awards sa Singapore last year. Last year nanalo siyang Best Female Variety Show Host para sa ASAP.
Top top these, sure ako nakita nyo na yung mga gigantic billboards niya sa Kamaynilaan na gawa ng Secosana Bags. Endorser din siya ng Maxi Peel at Timex.
Bagaman at sa Thats Entertainment nagsimula si Piolo bilang PJ Pascual, sa ABS-CBN siya tuluyang nakilala, una sa mga palabas na Esperanza, Sa Sandaling Kailangan Mo Ako. Nabigyan siya ng Star Awards para sa kanyang role sa Lobo episode ng Maalaala Mo Kaya.
Sa pelikula, unang kinakitaan siya ng husay sa pagganap sa pelikula ni Patrick Garcia, ang Batang PX. Sumunod dito ay inilunsad siya sa Lagarista.
Sa taong ito naging grand slam actor siya para sa pelikulang Dekada sa kategoryang Best Supporting Actor FAP, Famas, Gawad Urian, Star Awards, MMFF, Young Critics Circle, Gawad Tanglaw. Napili rin siyang Mr. RP Movies ng Guillermo Mendoza Foundation,
Nagpakita rin siya ng versatility sa pamamagitan ng paggawa ng isang recording album na maagang naging gold. Naging interpreter din siya sa Himig Handog Singing and Songwriting Competition.
Di rin siya nagpahuli sa mga komersyal. Mayroon siyang Max Fried Chicken, Venice Jeweler, Hammerhead, Timex at Mendrez shoes.
Dalawa lamang sina Claudine at Piolo na bahagi ng ABS CBN Talent Centers Kapamilya, na tinuruan sila hindi lamang para marating ang stardom kundi kung paano ito hawakan ng matagal.
Kung gusto nyong masundan ang kanilang mga yapak, nagbibigay ang ABS CBN ng audition sa 6th Flr. ng Design and Talent Center Bldg., ABS CBN, Mother Ignacia St, QC. Tawagan lamang si Abby Aguilar-Niesta o si Christian Torio sa 4152272 loc. 5150 at humingi ng appointment.