^

PSN Showbiz

Gusto nyong mag-artista? Naghahanap ang ABS-CBN

-
Kung mayro’n mang dalawang artista na lubos na ipinagmamalaki ang ABSCBN bilang talagang Kapamilya nila, ito ay walang iba kundi sina Claudine Barretto at Piolo Pascual, mga major stars ng pelikulang Milan, ang pelikulang halos kinunan ng buo sa Italya.

Claudine has come a long way from Ang TV and Home Along Da Riles. Nagsimula siya sa mga mature roles sa mga teleseryeng Mula Sa Puso, Saan Ka Man Naroroon, Sa Dulo ng Walang Hanggan at Buttercup. Mayro’n siyang bagong palabas na nakatakdang mapanood, ang Marina na kung saan ay gumaganap siya ng isang sirena.

Isa siyang maituturing na boxoffice queen at pinanood sa kanyang mga pelikulang Kailangan Kita, Got To Believe, Opps...Teka Lang, Anak, Soltera at Dahil Mahal Na Mahal Kita,

Bagaman at hindi pa siya pinapalad na mabigyan ng Best Actress para sa kanyang mga mahusay na pagganap, na-cite na siya bilang 2000 Most Popular Movie/Teen Star of the Year, 1999 Best Young Actress, 1999 Best New TV Personality. Nabigyan din siya ng nominasyon para sa Best Supporting Actress para sa Soltera, Best TV Actress para sa Saan Ka Man Naroroon at 1999 Asian TV Awards sa Singapore last year. Last year nanalo siyang Best Female Variety Show Host para sa ASAP.

Top top these, sure ako nakita n’yo na yung mga gigantic billboards niya sa Kamaynilaan na gawa ng Secosana Bags. Endorser din siya ng Maxi Peel at Timex.

Bagaman at sa That’s Entertainment nagsimula si Piolo bilang PJ Pascual, sa ABS-CBN siya tuluyang nakilala, una sa mga palabas na Esperanza, Sa Sandaling Kailangan Mo Ako. Nabigyan siya ng Star Awards para sa kanyang role sa Lobo episode ng Maalaala Mo Kaya.

Sa pelikula, unang kinakitaan siya ng husay sa pagganap sa pelikula ni Patrick Garcia, ang Batang PX. Sumunod dito ay inilunsad siya sa Lagarista.

Sa taong ito naging grand slam actor siya para sa pelikulang Dekada sa kategoryang Best Supporting Actor– FAP, Famas, Gawad Urian, Star Awards, MMFF, Young Critics Circle, Gawad Tanglaw. Napili rin siyang Mr. RP Movies ng Guillermo Mendoza Foundation,

Nagpakita rin siya ng versatility sa pamamagitan ng paggawa ng isang recording album na maagang naging gold. Naging interpreter din siya sa Himig Handog Singing and Songwriting Competition.

Di rin siya nagpahuli sa mga komersyal. Mayroon siyang Max Fried Chicken, Venice Jeweler, Hammerhead, Timex at Mendrez shoes.

Dalawa lamang sina Claudine at Piolo na bahagi ng ABS CBN Talent Center’s Kapamilya, na tinuruan sila hindi lamang para marating ang stardom kundi kung paano ito hawakan ng matagal.

Kung gusto n’yong masundan ang kanilang mga yapak, nagbibigay ang ABS CBN ng audition sa 6th Flr. ng Design and Talent Center Bldg., ABS CBN, Mother Ignacia St, QC. Tawagan lamang si Abby Aguilar-Niesta o si Christian Torio sa 4152272 loc. 5150 at humingi ng appointment.

ABBY AGUILAR-NIESTA

BAGAMAN

BEST

BEST ACTRESS

BEST FEMALE VARIETY SHOW HOST

PARA

SAAN KA MAN NAROROON

SIYA

STAR AWARDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with