Pero iba na ngayon ang sitwasyon. Dumating sa puntong tuluyan na siyang ipinaubaya sa pamamahala ng ABS-CBN Talent Center. Kailangan kasi ni Daddy Ernie na bigyan uli ng pansin ang kanyang Promotions Agency kung saan ang dalawang bandang mina-manage nito ay nakaalis na para magtrabaho sa Japan.
Nakahinga na ng maluwag sa dibdib si Daddy Ernie dahil alam niya kung gaano ka supportive ang Talent Center sa career ni Angel. Nabigyan agad ito ng soap opera na Sanay Wala Nang Wakas. Regular co-host na rin ang aktres ng ASAP Mania.
Ano naman ang masasabi ni Angel sa kanyang pagbabalik-Dos?
"Happy ako ngayon sa aking career dahil sa malaking suportang ibinibigay sa akin nina Tita Mariole at Mr. M. Binigyan pa ako ng handler. Enjoy ako sa role ko sa soap opera na di ko na iaarte dahil sa tunay na buhay ay may pagka-kikay talaga ako. Eight years na akong umiiyak sa teleserye o drama anthology kaya ngayon ay di na muna ako iiyak. Di kami nagkamali ni Daddy na ipaubaya na sa Talent Center ang career ko. Bastat inspirado ako ngayon sa aking trabaho. May sense of belongingness dito sa Dos," sey pa nito.
Under negotation na ang paggawa ng album ni Angel.
Itinanong ko kung may asawa na ito doon. Wala raw siyang (balikbayan kaibigan) nababalitaang may misis ito dahil madalas naman silang nagkakasama ni Gabby sa water skiing na paboritong sports nito.
Nahasa na rin ang aktor sa pag-awit dahil maganda ang kanyang boses kaya naiimbitahan daw ng mga Filipino community para mag-concert, yun nga lang sa maliitang venue na may 350 0 500 seating capacity.
Bakit nga ba pumasok sa pulitika si Boots? "Noon pa ay marami na akong offer na natatanggap pero hindi na ako maka-hindi ngayon nang si FPJ na ang nakiusap syempre katulong si Erap. Gusto ko rin namang makapagsilbi sa bayan. Natutuwa ako dahil ang buo kong pamilya ay sumuporta sa akin mula kay Pete hanggang sa mga anak ko. Katunayan, ang aking anak na si Joey ay nag-resign sa kanyang trabaho sa Amerika at umuwi ng bansa para alalayan ako at suportahan ang aking kandidatura lalo na sa pangangampanya. Ganyan din ang tulong na ibinibigay sa akin ni Chiqui."
"Pamilya ang prioridad ko sa aking mga proyekto kapag naging senador dahil naniniwala ako na ito ang basic unit ng isang lipunan," paliwanag ni Boots.
Tapos na ang kanyang kontrata kaya nag-iisip ang aktor kung lilipat sa unang network na pinanggalingan. Pero wala namang offer doon sa kanya. Mas makakabuti siguro sa actor kung hindi na lang mag-artista dahil wala namang nangyayari sa career niya.