^

PSN Showbiz

Matanda ang gustong boyfriend ni Aubrey!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
May nanliligaw din kay Aubrey Miles na mga bagets pero hindi niya type ang bagets na nobyo. "Iba ang pag-uugali ng mga ito lalo na kapag may ipinipilit na bagay na kailangang sundin mo. Problema lang ang pakikipagrelasyon sa kanila. Isa pa, kung bagets ang nobyo ay baka sila pa ang alagaan mo. Gusto kong ako ang aalagaan nila."
Angelika, Binitawan Na Ng Ama
Sa walong taong pamamalagi ni Angelica dela Cruz sa showbiz ay ang ama nitong si Daddy Ernie ang laging nakatutok sa kanyang career hindi lang bilang manager kundi bilang adviser at minsan ay tumatayo ring alalay. Komportable kasi ang magandang aktres kapag laging nasa tabi ang ama. Naibibigay kasi sa kanya ang lahat ng pangangalaga mula sa pagmamahal ng isang ama, pagpapakita ng concern at mumunting bagay gaya ng pamimili ng mga gamit o damit para sa syuting o taping ng anak. Sabi nga ni Angel ay wala na siyang mahihiling pa sa mga kabutihang-loob na ito ng kanyang ama.

Pero iba na ngayon ang sitwasyon. Dumating sa puntong tuluyan na siyang ipinaubaya sa pamamahala ng ABS-CBN Talent Center. Kailangan kasi ni Daddy Ernie na bigyan uli ng pansin ang kanyang Promotions Agency kung saan ang dalawang bandang mina-manage nito ay nakaalis na para magtrabaho sa Japan.

Nakahinga na ng maluwag sa dibdib si Daddy Ernie dahil alam niya kung gaano ka supportive ang Talent Center sa career ni Angel. Nabigyan agad ito ng soap opera na Sana’y Wala Nang Wakas. Regular co-host na rin ang aktres ng ASAP Mania.

Ano naman ang masasabi ni Angel sa kanyang pagbabalik-Dos?

"Happy ako ngayon sa aking career dahil sa malaking suportang ibinibigay sa akin nina Tita Mariole at Mr. M. Binigyan pa ako ng handler. Enjoy ako sa role ko sa soap opera na di ko na iaarte dahil sa tunay na buhay ay may pagka-kikay talaga ako. Eight years na akong umiiyak sa teleserye o drama anthology kaya ngayon ay di na muna ako iiyak. Di kami nagkamali ni Daddy na ipaubaya na sa Talent Center ang career ko. Basta’t inspirado ako ngayon sa aking trabaho. May sense of belongingness dito sa Dos," sey pa nito.

Under negotation na ang paggawa ng album ni Angel.
Gabby C., Loan Officer Sa Tate
Nakakwentuhan ko ang isang balikbayan na malapit na kaibigan ni Gabby Concepcion. Sinabi nito na gwapo pa rin ang aktor kaya lang tumaba ito. Nasa Real Estate Agency ito nagtatrabaho bilang loan officer. Palagay nito ay mas masaya na ang aktor doon kaysa babalik pa ng bansa.

Itinanong ko kung may asawa na ito doon. Wala raw siyang (balikbayan kaibigan) nababalitaang may misis ito dahil madalas naman silang nagkakasama ni Gabby sa water skiing na paboritong sports nito.

Nahasa na rin ang aktor sa pag-awit dahil maganda ang kanyang boses kaya naiimbitahan daw ng mga Filipino community para mag-concert, yun nga lang sa maliitang venue na may 350 0 500 seating capacity.
Suportado Ng Buong Pamilya
Hangang-hanga si Mother Lily Monteverde kay Boots Anson Roa. Ayon kay Mother Lily ay hindi nadungisan ang pagkatao nito at talagang na-maintain ang napaka-wholesome na image na ikararangal ng sinumang kababaihan.

Bakit nga ba pumasok sa pulitika si Boots? "Noon pa ay marami na akong offer na natatanggap pero hindi na ako maka-hindi ngayon nang si FPJ na ang nakiusap syempre katulong si Erap. Gusto ko rin namang makapagsilbi sa bayan. Natutuwa ako dahil ang buo kong pamilya ay sumuporta sa akin mula kay Pete hanggang sa mga anak ko. Katunayan, ang aking anak na si Joey ay nag-resign sa kanyang trabaho sa Amerika at umuwi ng bansa para alalayan ako at suportahan ang aking kandidatura lalo na sa pangangampanya. Ganyan din ang tulong na ibinibigay sa akin ni Chiqui."

"Pamilya ang prioridad ko sa aking mga proyekto kapag naging senador dahil naniniwala ako na ito ang basic unit ng isang lipunan," paliwanag ni Boots.
Walang Nangyari Sa Career Ng Actor
Matagal-tagal na ring panahon nang lumapit ang gwapong aktor sa isang network pero walang nangyari sa mga ipinangako sa kanya ng istasyon. Nabigyan ito ng ilang shows na kinabibilangan ng teleserye at sitcom pero hindi rin nagtatagal. Iyong sumunod nitong show ay hindi nag-rate kaya tinapos agad, hindi rin naalagaan ang kanyang publicity.

Tapos na ang kanyang kontrata kaya nag-iisip ang aktor kung lilipat sa unang network na pinanggalingan. Pero wala namang offer doon sa kanya. Mas makakabuti siguro sa actor kung hindi na lang mag-artista dahil wala namang nangyayari sa career niya.

AKO

CENTER

DADDY ERNIE

DAHIL

KANYANG

TALENT CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with