"Naku, matatagalan pa siguro ang paghihintay nila, dahil di pa ako handang umibig muli. Napaka-sakit ng mga nangyari kung kaya parang nagkaroon ako ng trauma na pumasok muli sa isang relasyon. Naaawa nga ako sa kanila pero, talagang wala akong magagawa, di pa talaga ako handa," ang kanyang wika sa presscon ng kanyang latest movie, ang Kuya sa Regal Entertainment na kung saan taliwas sa kanyang personalidad ang character na ginagampanan niya. "Ako yung wild na babae na lahat ng lalaki ay gustong matuhog," natatawa niyang sabi.
Na-disappoint siya ng husto ng maurong ang petsa ng pagpapalabas ng Kuya. "Excited na kasi ako, talagang gustung-gusto ko nang maipalabas ang movie," paliwanag niya.
"Kabado naman ako sa kanya, di ko lang ipinahalata sa kanya. Basta ang ginawa ko agad, kinuha ko ang simpatiya niya. Masyado siyang magaang ka-trabaho," ayon naman kay Jordan. Nang tanungin kung ano ang kaibhan ni Jolina sa mga unang nakatambal niya sa pelikula, agad niyang sinabi na "Siya lamang ang may damit, at lagi siyang nakadamit."
Bagaman at ang character ni Annie Batungbakal ay unang pinasikat ni Nora Aunor, ang Annie B. ni Jolina ay hindi isang sequel. Sa pagiging mahilig sa disco lamang nagkakapareho ang mga characters nila ni Nora, pero, ang istorya ni Annie B ay entirely different. Tungkol ito sa isang babae na mahilig sa ukay ukay. May strict itong mother (Amy Austria) at liberal na grandmother (Gloria Romero). Hinihigpitan si Annie na ginagampanan ni Jolina dahil takot silang mabuntis ito na tulad ng kanyang ate (Janice de Belen). Magkaaway sa pag-ibig ni Annie B. ang mayamang si Dingdong Dantes at ang taxi driver na si Jordan. Direksyon ni Louie Ignacio.
Maraming sing and dance numbers dito si Jolina, at maging si Jordan. Choreographer nila si Geleen Eugenio.
Incidentally, itinanggi ni Jolina na siya ang cause of delay ng pelikula.