Di pa handang umibig muli si Angel
February 1, 2004 | 12:00am
Inamin ni Angel Locsin na kahit kamamatay pa lamang ng kanyang nobyong si Miko Sotto ay may mga lalaki nang nagpaparamdam sa kanya, nagpapa-obvious ng kanilang mga feelings na naririyan lamang sila, na katulad niya ay naghihintay lamang ng panahon para suyuin siya, kapag handa na siya.
"Naku, matatagalan pa siguro ang paghihintay nila, dahil di pa ako handang umibig muli. Napaka-sakit ng mga nangyari kung kaya parang nagkaroon ako ng trauma na pumasok muli sa isang relasyon. Naaawa nga ako sa kanila pero, talagang wala akong magagawa, di pa talaga ako handa," ang kanyang wika sa presscon ng kanyang latest movie, ang Kuya sa Regal Entertainment na kung saan taliwas sa kanyang personalidad ang character na ginagampanan niya. "Ako yung wild na babae na lahat ng lalaki ay gustong matuhog," natatawa niyang sabi.
Na-disappoint siya ng husto ng maurong ang petsa ng pagpapalabas ng Kuya. "Excited na kasi ako, talagang gustung-gusto ko nang maipalabas ang movie," paliwanag niya.
Hindi naman akalain nina Jolina Magdangal at Jordan Herrera na madali silang magkakahulihan ng loob na dalawa.
"Kabado nga ako nung malaman ko na magkakasama kami sa pelikula. Marami na kasi akong mga narinig na hindi magagandang bagay tungkol sa kanya. Wala naman palang basehan ang lahat. Sa simula pa lamang nakita ko na mabait siya. First day pa lang namin na magkasama ay nagkwento na siya agad, nakipag-biruan na," ani Jolina.
"Kabado naman ako sa kanya, di ko lang ipinahalata sa kanya. Basta ang ginawa ko agad, kinuha ko ang simpatiya niya. Masyado siyang magaang ka-trabaho," ayon naman kay Jordan. Nang tanungin kung ano ang kaibhan ni Jolina sa mga unang nakatambal niya sa pelikula, agad niyang sinabi na "Siya lamang ang may damit, at lagi siyang nakadamit."
Bagaman at ang character ni Annie Batungbakal ay unang pinasikat ni Nora Aunor, ang Annie B. ni Jolina ay hindi isang sequel. Sa pagiging mahilig sa disco lamang nagkakapareho ang mga characters nila ni Nora, pero, ang istorya ni Annie B ay entirely different. Tungkol ito sa isang babae na mahilig sa ukay ukay. May strict itong mother (Amy Austria) at liberal na grandmother (Gloria Romero). Hinihigpitan si Annie na ginagampanan ni Jolina dahil takot silang mabuntis ito na tulad ng kanyang ate (Janice de Belen). Magkaaway sa pag-ibig ni Annie B. ang mayamang si Dingdong Dantes at ang taxi driver na si Jordan. Direksyon ni Louie Ignacio.
Maraming sing and dance numbers dito si Jolina, at maging si Jordan. Choreographer nila si Geleen Eugenio.
Incidentally, itinanggi ni Jolina na siya ang cause of delay ng pelikula.
Dahilan sa kanilang sipag sa anti-drug campaign sa pamamagitan ng pagdayo sa maraming lugar sa bansa sa pamamagitan ng paglalaro ng basketball, na-tap ng isang political party ang magkaibigang Dinky Doo Jr. at Jeffrey Santos para tumakbo bilang konsehal sa kanilang lugar sa Caloocan City. Nakakalungkot dahilan sa ang tinutulungan nilang kandidato ay kalabang mahigpit naman ng kapwa nila taga-pelikula na si Mayor Rey Malonzo. Si Ronnie Ricketts ang nagpakilala sa kanila sa media nung Linggo, sa pamamagitan ng isang tanghalian na ginanap sa restaurant nina Ronnie at Mariz sa Katipunan na may pangalang The Barn.
"Naku, matatagalan pa siguro ang paghihintay nila, dahil di pa ako handang umibig muli. Napaka-sakit ng mga nangyari kung kaya parang nagkaroon ako ng trauma na pumasok muli sa isang relasyon. Naaawa nga ako sa kanila pero, talagang wala akong magagawa, di pa talaga ako handa," ang kanyang wika sa presscon ng kanyang latest movie, ang Kuya sa Regal Entertainment na kung saan taliwas sa kanyang personalidad ang character na ginagampanan niya. "Ako yung wild na babae na lahat ng lalaki ay gustong matuhog," natatawa niyang sabi.
Na-disappoint siya ng husto ng maurong ang petsa ng pagpapalabas ng Kuya. "Excited na kasi ako, talagang gustung-gusto ko nang maipalabas ang movie," paliwanag niya.
"Kabado naman ako sa kanya, di ko lang ipinahalata sa kanya. Basta ang ginawa ko agad, kinuha ko ang simpatiya niya. Masyado siyang magaang ka-trabaho," ayon naman kay Jordan. Nang tanungin kung ano ang kaibhan ni Jolina sa mga unang nakatambal niya sa pelikula, agad niyang sinabi na "Siya lamang ang may damit, at lagi siyang nakadamit."
Bagaman at ang character ni Annie Batungbakal ay unang pinasikat ni Nora Aunor, ang Annie B. ni Jolina ay hindi isang sequel. Sa pagiging mahilig sa disco lamang nagkakapareho ang mga characters nila ni Nora, pero, ang istorya ni Annie B ay entirely different. Tungkol ito sa isang babae na mahilig sa ukay ukay. May strict itong mother (Amy Austria) at liberal na grandmother (Gloria Romero). Hinihigpitan si Annie na ginagampanan ni Jolina dahil takot silang mabuntis ito na tulad ng kanyang ate (Janice de Belen). Magkaaway sa pag-ibig ni Annie B. ang mayamang si Dingdong Dantes at ang taxi driver na si Jordan. Direksyon ni Louie Ignacio.
Maraming sing and dance numbers dito si Jolina, at maging si Jordan. Choreographer nila si Geleen Eugenio.
Incidentally, itinanggi ni Jolina na siya ang cause of delay ng pelikula.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
January 13, 2025 - 12:00am