Milan,pelikulang walang kontrabida

Mismong si Direk Olive Lamasan ang nagsabi na kahit in real life ay hindi on sina Piolo Pascual and Claudine Barretto, once daw na mapanood mo ang Milan, sasabihin mong totoong in love sila.

Ganitong feeling din ang nakita at na-feel ni Direk Olive sa movie nina Lea Salonga and Aga Muhlach na Bakit Labis Kitang Mahal na sa Amerika naman kinunan. "Grabe talagang umiiyak ako habang ginagawa ko ang script," she recalled tungkol sa mga eksena ng dalawa sa movie in an interview para sa kanyang latest obra na Milan starring Piolo and Claudine.

More than a love story kung i-describe ni Direk Olive ang Milan. "Mai-in love ang audience sa movie na ‘to," sabi niya. Kuwento ito ni Claudine na isang domestic helper sa Milan na ang sideline ay magpa-board sa niri-rent niyang apartment. Nakilala niya si Piolo na nagpunta ng Milan para hanapin ang kanyang wife na nagwo-work doon. Pero nari-realize nila na iba na pala ang feelings nila with each other habang naghahanap sila sa asawa ni Piolo.

Exciting ang ending according to Direk Olive. Pero ayaw niyang i-reveal during the interview dahil mas maganda raw kung panoorin natin. Walang kontrabida sa pelikula.

Love story ang entire movie kaya pag pinanood mo raw, hindi ka makakaramdam ng sama ng loob.In any case, ika-7th movie niya ang Milan.

At so far fulfilled siya sa mga ginawa niyang movie. Everytime na gagawa siya ng movie, kino-consider niya rin ang mga artistang makaka-trabaho niya. "I would refused pag hindi ko gusto," she said. Pero ayaw niyang i-reveal kung sinu-sinong mga artistang na-reject na niya.Nag-deny din si Direk Olive sa issue na ayaw niyang maka-trabaho ang superstar na si Nora Aunor. "I would love to work with Ate Guy," she said.

Going back to Milan, hindi naman daw sila gaanong nahirapan sa shooting sa Milan dahil may opisina ang ABS-CBN doon.

Anyway, graduate ng Maryknoll (Miriam) si Direk Olive. She took up Masscomm at wala siyang idea na papasok siya sa movie and TV directing although no’ng nasa college siya gusto niyang umarte.

Pagka-graduate niya ng college, papasok na sana siya sa advertising pero biglang nag-open ang door para maging line producer siya ng isang international movie. Since then, kinalimutan na niya ang advertising.Wala siyang formal education in film making, pero isa si Direk Olive Lamasan sa mako-consider na box-office director dahil sa magaganda niyang project.
* * *
Out of stock na sa ibang video and music stores ang videoke collection ni Diana ZubiriDeZire: The Diana Zubiri Videoke Collection under BMG Records Pilipinas. Since ilabas ito ng BMG last December, grabe ang demand ng mga frustrated singer na ini-enjoy ang pagkanta sa mga videoke bar o sa bahay-bahay na lang.

Hindi lang kasi ito ordinary videoke collection — makikita n’yo rito si Diana in her most daring yet tasteful and most artistic videos na first time niyang ginawa. Habang kumakanta nga naman kayo ng mga latest hits, mai-inspire kayo dahil sa kay Diana na kinunan sa different settings like the beautiful beaches sa Palawan. "Hindi ko actually mai-express kung paano pasasalamatan ang BMG Records sa chance na ibinigay nila sa akin. I’m honored having been able to work with the best in the industry like Raymund Isaac and BMG Records family," she said.

May four volumes ang DeZire: The Diana Zubiri Videoke Collection.

Aside from videoke collection, katatapos lang mag-pictorial ni Diana para sa FHM Thailand. Siya ang first Filipina na na-feature sa nasabing magazine.

Show comments