Malaki ang problema ni Rey Malonzo
January 31, 2004 | 12:00am
Mukhang mahirap ngang malusutan ni Mayor Rey Malonzo ang sinasabi ng kanyang mga kalaban sa pulitika. Doon kasi sa annulment ng kanyang kasal sa kanyang unang asawa, sinabi niyang ang dahilan ng pagpapawalang bisa sa kanilang kasal ay dahil sa kanyang psychological incapacity. Actually pareho silang mag-asawa na nagsabing may psychological incapacity pero lumalabas na mas matindi ang tama ni Malonzo.
Sa ilalim ng ating mga batas, hindi pwedeng humawak ng isang elective position ang isang may tililing, kaya iyon ang ginagawang basehan ng kanyang mga kalaban para siya ma-disqualify.
Kung sasabihin naman ni Malonzo na hindi totoo yon at sinabi lang nila at pinalabas na ganoon dahil sa hinihingi niyang annulment ng kanyang naunang kasal, aba eh lalabas na kung hindi pala totoo yon ay valid pa rin ang kanyang unang kasal, at walang bisa ang kasal niya kay Gigi Malonzo na siya niyang ipinakikilalang misis ngayon.
Ang matindi rin, kumuha rin ng mga artistang kandidato ang kanyang mga kalaban. Tumatakbong konsehal ng Kalookan sina Jeffrey Santos at Dinky Doo Jr., at siyempre pa pantawag sila ng mga tao, kalaban ni Malonzo.
Maraming ibang mga artista na sumusuporta kina Jeffrey at Dinky Doo. Katunayan naglalaro sila ng basketball sa ibat ibang parte ng Kalookan, kaya lumalabas na mas may suporta ang mga kapwa niya artista sa mga kalaban ni Malonzo. Hindi ba matindi nga naman iyan?
Kasi syempre ang dapat asahan magkakampihan ang mga artista, pero hindi nangyari yan sa kasong ito.
May kaibigan kaming tumawag sa amin at sinabing sa taong ito ay magbabangong puri raw ang Philippine Movie Press Club o PMPC. Kung nitong nakaraang taon ay marami ang tumira sa kanila dahil sa nakakapagdudang resulta ng kanilang Star Awards for TV, ang pakiusap ng tumawag sa amin ay "bigyan naman ninyo sila ng chance na makapagbangong puri."
Sa nakikita namin ang magiging problema nga lang sa samahang yan ay nawala sa kanila ang maraming beteranong myembro ng club na nagtayo na ng panibagong samahan. Ang natira sa kanila ay mga baguhang karamihan ay mga wala pang establisadong pangalan.
Tingnan natin kung magiging malinis nga ang kanilang awards. Kung magiging malinis iyon ok sila. Kung hindi, ok ang ginawa ng mga lumayas sa kanila.
Gumawa ng drama ang isang female star, at sinasabing may nagtatangka raw sa kanya ng masama. Mukhang gusto pa niyang humingi ng security. Imposible iyon sa panahong ito lalo na ngat malapit na ang eleksyon. Ngayon kung magdadala ng armas ang mga bodyguard mo, kailangan may clearance pa yon ng COMELEC. At sa palagay namin hindi naman masasabing ganoon siya ka-importante, o ganoon siya kasikat para siya bigyan ng karapatan na magsama ng mga bodyguards na armado.
Ano siya superstar?
Sa ilalim ng ating mga batas, hindi pwedeng humawak ng isang elective position ang isang may tililing, kaya iyon ang ginagawang basehan ng kanyang mga kalaban para siya ma-disqualify.
Kung sasabihin naman ni Malonzo na hindi totoo yon at sinabi lang nila at pinalabas na ganoon dahil sa hinihingi niyang annulment ng kanyang naunang kasal, aba eh lalabas na kung hindi pala totoo yon ay valid pa rin ang kanyang unang kasal, at walang bisa ang kasal niya kay Gigi Malonzo na siya niyang ipinakikilalang misis ngayon.
Ang matindi rin, kumuha rin ng mga artistang kandidato ang kanyang mga kalaban. Tumatakbong konsehal ng Kalookan sina Jeffrey Santos at Dinky Doo Jr., at siyempre pa pantawag sila ng mga tao, kalaban ni Malonzo.
Maraming ibang mga artista na sumusuporta kina Jeffrey at Dinky Doo. Katunayan naglalaro sila ng basketball sa ibat ibang parte ng Kalookan, kaya lumalabas na mas may suporta ang mga kapwa niya artista sa mga kalaban ni Malonzo. Hindi ba matindi nga naman iyan?
Kasi syempre ang dapat asahan magkakampihan ang mga artista, pero hindi nangyari yan sa kasong ito.
Sa nakikita namin ang magiging problema nga lang sa samahang yan ay nawala sa kanila ang maraming beteranong myembro ng club na nagtayo na ng panibagong samahan. Ang natira sa kanila ay mga baguhang karamihan ay mga wala pang establisadong pangalan.
Tingnan natin kung magiging malinis nga ang kanilang awards. Kung magiging malinis iyon ok sila. Kung hindi, ok ang ginawa ng mga lumayas sa kanila.
Ano siya superstar?
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended