Michael Buble' hindi feel ligawan si Kristine

Hindi naman pala totoong attracted si Michael Bublé kay Kristine Hermosa. Nagkataon lang na no’ng dumating siya ng bansa, tinanong siya ng TV reporter sa airport kung sinong Filipina actress ang attracted siya. Nagkataon daw na si Kristine ang kilala niya.

Walang girlfriend si Mr. Bublé. In fact, dateless siya sa Valentine’s day. "I have a show that day," sabi niya sa 30 minute presscon last Tuesday held in Conway’s Bar in Makati Shangri-la Hotel kung saan siya ngayon nagi-stay.

Ito bale ang second visit ni Michael sa bansa kung saan siya magkakaroon ng two-night concert on January 30 at the Plenary Hall ng PICC and on January 31 sa Waterfront Hotel in Cebu.

During the presscon nag-complain din si Michael sa "Totally Bublé" album na dini-distribute locally ng Universal Records. Ayon kay Michael, unauthorized ang nasabing album dahil wala silang idea na iko-compile ang mga songs na kinanta niya sa kanyang movie, Totally Blonde kung saan isang singer ang role niya.

Nagso-sorry siya dahil hindi raw ‘yun nai-record ng maayos.

In any case, very successful ang first visit ni Michael sa bansa kaya na-encourage siyang bumalik. Very warm daw kasi ang mga Pilipino audience.

In any case, anak pala ng isang fisherman si Michael. Kaya nga raw hindi niya ini-expect na mari-reach ang success na ini-enjoy niya right now. "I really didn’t expect this. I just didn’t expect this."

More than half of his age ang mga songs na kinakanta niya na usually ay dead na ang mga singer kaya during the time na nagi-start pa lang siya, maraming nagko-comment na hindi siya mapapansin kung mga old songs ang kakantahin.

"Yeah, absolutely. All people would say to me was you know, ‘Michael, you have a nice voice. But, you know, do something else, sing pop or something because you know that you’ll never get a record deal.’" Pero hindi siya nag-give up kaya naman na-achieve niya ang success success sa kasalukuyan.

Influence ng grandfather niya ang mga songs niya. Bata pa lang kasi siya, tinuturuan na siyang kumanta ng mga old songs at makinig ng record player ng kanyang grandfather habang ang parents niya at nagpi-fishing ng salmon.

Plumber ang kanyang lolo Mitch. Italian-Canadian ang family ni Michael.

At any rate, bukod sa kanyang January 30 concert sa PICC magkakaroon din ng two nights invitational performances si Michael - guest of honor and main performer siya last January 28 sa strictly by invitation event hosted by Smart sa Meralco Theater na dinaluhan ng mga executives ng Smart.

Today, January 29, guest si Michael sa Joey Jives Five ng National Broadcasting Corp. and Joey 92.3 para sa kanilang fifth year anniversary at the NBC Tent sa Fort Bonifacio.

Para sa January 30 concert, for ticket inquiries and reservations, please call Ticketworld at 891-9999 or 891-5610.Tickets for the show are priced at P5,000, P3,500, P2,500, P1,500 and P 800 available at all Ticketworld outlets and in all National Bookstores branches.
* * *
Mas magandang Jolina Magdangal ang nakita namin sa launching ng kanyang first album under GMA Records last week, "Jolina Forever."

Actually, mas bagay kay Jolina ang looks niya ngayon compared before na very colorful ang kanyang hair at kung anu-anong nakalagay sa katawan niya. At least ngayon, mas normal ang looks niya.

Sa mga song niya sa album, magpi-feel mo rin na in love although ayaw pa niyang sabihin kung sino ang lucky guy na malimit niyang ka-date sa Glorietta.

Meron siyang 12 songs sa album na fabulous ang cover. Mismong si Jolina raw ang nag-conceptualize ng nasabing album cover. Sa UP Diliman sila nag-pictorial at sa cover para siyang goddess. Katulong niya rito si Ms. Ida Henares.

Nakalagay sa small paperbag ang nasabing album kaya cute talaga ang packaging. Very different ito sa previous album niya. "Gusto ko kasi everytime na may bago akong album, bago ang packaging," she said.

Medyo nahirapan daw silang mamili ng songs na isasama sa album. In fact, almost 100 songs daw ang pinagpilian nila bago nila na-cut down into 12 final songs.

"Marami kasing magagandang songs. Pero hindi lang kasi ganda ang consideration."

Personal na namili si Jolina ng mga songs na gusto niya sa tulong ni Buddy Medina na dati na niyang kasama sa mga ginawa niyang album sa Star Records.

Kasama na sa album ang "Narito (Ang Puso Ko)," "Kung Kailan Wala Ka Na," isa sa mga favorite cuts niya sa Jolina, Forever.

Ang first single, "Bahala Na," ay madalas nang marinig sa FM stations. Meron na itong music video na very Jolina dahil nag-iba-iba siya ng costumes.
* * *
Salve V. Asis’ e-mail - salve@philstar.com

Show comments