Kanino nga ba ang Star Awards?
January 29, 2004 | 12:00am
Kung matutuloy ang plano, baka mawala si Ciara Sotto sa showbiz scene. Balak nitong pumunta ng London para mag-aral ng music. Matagal na niya itong pangarap at ngayong mabigyan siya ng opportunity to pursue this, she will grab the opportunity, kahit mangahulugan ito na kinakailangan niyang isakripisyo ang kanyang pag-aartista.
Syempre, ang unang-unang tututol dito ay ang kanyang mga fans. Kung kailan nga naman na bumabango ang kanyang career ay saka niya ito iiwan. Paano kung pagbabalik niya ay hindi na manumbalik ang kanyang kainitan?
Ngiti lamang ang sagot ng ating classical pop singer sa reaksyon ng kanyang mga fans. Nakatutuwang kahit di pa nalalaunan ang break-up nila ng kanyang boyfriend na si John Lloyd Cruz ay nagagawa nang ngumiti ni Ciara.
Malaking bahagi ng kanyang mabilis na recovery ay ang paglabas ng kanyang self-titled debut album mula sa BMG Records Pilipinas Inc. Dito, nire-invent ni Ciara ang kanyang sarili bilang isang classical pop singer.
May 10 track ang album na ang carrier single ay may pamagat na "Ibabalik", dito makikilala siya bilang local version ng popular na si Charlotte Church. Ang iba pang laman ng album ay ang "Adagio" na nilagyan ng lyrics ni Lara Fabian, kumanta ng "Broken Vow". Ang mga version niya ng "A Whiter Shade of Pale" ni Joe Cocker; ang Josh Groban original na "Home To Stay", "Di Inaasahan" ni Janno Gibbs, "A Lovers Concierto", "If I Were You", "This Time", "All This Time" at marami pang iba.
At habang di pa umaalis si Ciara, makikita pa siya sa maraming mall shows, TV at radio shows para i-promote ang album.
May nagpakita sa akin ng rehistro ng isang bagong tatag na asosasyon ng mga movie writers. At kung galit ang inaasahan ng nagpakita na maramdaman ko dahilan dito, nabigo siguro siya. Bakit naman ako magagalit kung hangarin ng mga kapatid sa hanapbuhay na magtatag ng sarili nilang Club? Karapatan nila to, lalot hindi na sila masaya sa PMPC, ang Philippine Movie Press Club, ang organisasyon ng mga entertainment writers na itinatag para sa proteksyon ng mga manunulat sa showbiz nung 60s , nang ang isang movie writer ay tumanggap ng kaapihan sa kamay ng isang sikat na aktres. Layunin din ng Club ay ma-unite ang mga movie writers, paigtingin ang kanilang pagkakaibigan, para na rin maging masaya ang mundo na ginagalawan nila. Na-achieve naman ito. Nung mga panahong yun, parang magkakapatid ang mga movie writers, dahil kokonti lamang sila (kami), naging parang magkakapatid na rin sila, nag-aaway din paminsan-minsan, pero sasandali lang, maya-maya lang ay bati na sila.
Galit lamang ako dahil kasabay ng pagpapa-rehistro ng bagong grupo ng kanilang pangalan ay ang pagpaparehistro nila sa kanilang pangalan din ng Star Awards na matagal nang pag-aari ng PMPC. Rehistrado naman ito sa pangalan ng PMPC, bilang isa sa mga aktibidades ng Club. At sabihin nang di ito rehistrado, for the sake of argument, hindi nangangahulugan na pwede na lamang itong angkinin ng kahit na sino. Kung hindi man ito ipinarehistro ng mga nagdaang pangulo ng PMPC, ito ay sa dahilang wala ni isa man sa kanila na nag-isip na mananakaw ito balang araw, tulad ngayon. At mawala man ito, sabi ko nga sa isang mas nagdaramdam sa mga nagaganap, hindi ang Star Awards ang be all at end all ng PMPC.
Ang hindi ko lamang maintindihan ay ang pangyayaring nagtayo na rin lamang sila ng bagong asosasyon, bakit hindi pa nila isinabay ang pagbuo ng isang award- giving body? Bakit pinag-interesan pa nila ang isang pag-aari ng PMPC na siyang pangunahing dahilan kung bakit sila lumayas sa Club at nagbuo ng sarili nilang grupo?
Matagal na panahon din akong nawala sa Club dahil inuna ko muna ang pangsarili kong kapakanan. Kung aktibo man akong muli, ito ay sa dahilang mahal ko ang PMPC.
Kung may problema, aayusin naming lahat. Gaya nang sana ay inayos na lamang ito ng mga umalis na myembro. Payag naman ang mga naiwang myembro sa pag-aayos na gagawin namin. Kasama kong bumalik ang ilan pang dating pangulo ng Club at mga dating myembro rin na may malasakit pa sa Club. Ang mahalaga, payag ang lahat sa gagawin naming pagbabago, paglilinis at pag-aangat muli ng pangalan ng PMPC. Magiging mas madali na ang trabaho naming lahat dahil pagkatapos ng mga kaganapan sa Club nakita na namin kung saan nagmula ang problema at kung sino ang nagpakulo nito!
Sa ngayon nakapagsimula na ang PMPC ng kanilang pag-i-screeen ng mga pelikula. May mga nagpaabot na rin ng interes na mai-produce ang Star Awards for Movies na ginaganap taun-taon kung buwan ng Marso. Ewan kung interesado pa rin ang Airtime Marketing ni Tessie Celestino, ang kumpanya na nagpo-produce ng Star Awards both For TV and Movies. Hanggang sa sinusulat kasi ito ay tuliro pa rin si Ms. Celestino kung sino ang tunay na nagmeme-ari ng Star Awards. Ang tanong ko naman sa kanya, sino ba ang kausap niya para rito sa mga nagdaang mga taon, kanino ba siya nakikipag-negotiate, di ba ang PMPC?
May ginaganap na "Manghuhula Festival" ngayon sa Beauty Central na pag-aari ng fashion expert na si Ricky Reyes. Nagsimula ito nung Enero 25 at matatapos sa Enero 31.
Walong iginagalang na manghuhula sa pangunguna ni Madame Akhilesvari ang maaaring konsultahin tungkol sa fengshui, numerology, astrology, palmistry, hand-analysis, healing/exorcism, dream analysis, past lives reading, aura and chakra cleansing/energizing, karma removal at tarot card reading. Magbibigay din si Madame ng Kulasi charms mula sa India at China.
Matatagpuan ang Beauty Central sa second floor ng Greenhills Shopping Center, San Juan, MM. Ang mga psychic na kasama ay sina Bonita, Babadam, Master Eddie, Jukri, Brother Gem at ang mag-partner na sina Dayang at Abner.
Syempre, ang unang-unang tututol dito ay ang kanyang mga fans. Kung kailan nga naman na bumabango ang kanyang career ay saka niya ito iiwan. Paano kung pagbabalik niya ay hindi na manumbalik ang kanyang kainitan?
Ngiti lamang ang sagot ng ating classical pop singer sa reaksyon ng kanyang mga fans. Nakatutuwang kahit di pa nalalaunan ang break-up nila ng kanyang boyfriend na si John Lloyd Cruz ay nagagawa nang ngumiti ni Ciara.
Malaking bahagi ng kanyang mabilis na recovery ay ang paglabas ng kanyang self-titled debut album mula sa BMG Records Pilipinas Inc. Dito, nire-invent ni Ciara ang kanyang sarili bilang isang classical pop singer.
May 10 track ang album na ang carrier single ay may pamagat na "Ibabalik", dito makikilala siya bilang local version ng popular na si Charlotte Church. Ang iba pang laman ng album ay ang "Adagio" na nilagyan ng lyrics ni Lara Fabian, kumanta ng "Broken Vow". Ang mga version niya ng "A Whiter Shade of Pale" ni Joe Cocker; ang Josh Groban original na "Home To Stay", "Di Inaasahan" ni Janno Gibbs, "A Lovers Concierto", "If I Were You", "This Time", "All This Time" at marami pang iba.
At habang di pa umaalis si Ciara, makikita pa siya sa maraming mall shows, TV at radio shows para i-promote ang album.
Galit lamang ako dahil kasabay ng pagpapa-rehistro ng bagong grupo ng kanilang pangalan ay ang pagpaparehistro nila sa kanilang pangalan din ng Star Awards na matagal nang pag-aari ng PMPC. Rehistrado naman ito sa pangalan ng PMPC, bilang isa sa mga aktibidades ng Club. At sabihin nang di ito rehistrado, for the sake of argument, hindi nangangahulugan na pwede na lamang itong angkinin ng kahit na sino. Kung hindi man ito ipinarehistro ng mga nagdaang pangulo ng PMPC, ito ay sa dahilang wala ni isa man sa kanila na nag-isip na mananakaw ito balang araw, tulad ngayon. At mawala man ito, sabi ko nga sa isang mas nagdaramdam sa mga nagaganap, hindi ang Star Awards ang be all at end all ng PMPC.
Ang hindi ko lamang maintindihan ay ang pangyayaring nagtayo na rin lamang sila ng bagong asosasyon, bakit hindi pa nila isinabay ang pagbuo ng isang award- giving body? Bakit pinag-interesan pa nila ang isang pag-aari ng PMPC na siyang pangunahing dahilan kung bakit sila lumayas sa Club at nagbuo ng sarili nilang grupo?
Matagal na panahon din akong nawala sa Club dahil inuna ko muna ang pangsarili kong kapakanan. Kung aktibo man akong muli, ito ay sa dahilang mahal ko ang PMPC.
Kung may problema, aayusin naming lahat. Gaya nang sana ay inayos na lamang ito ng mga umalis na myembro. Payag naman ang mga naiwang myembro sa pag-aayos na gagawin namin. Kasama kong bumalik ang ilan pang dating pangulo ng Club at mga dating myembro rin na may malasakit pa sa Club. Ang mahalaga, payag ang lahat sa gagawin naming pagbabago, paglilinis at pag-aangat muli ng pangalan ng PMPC. Magiging mas madali na ang trabaho naming lahat dahil pagkatapos ng mga kaganapan sa Club nakita na namin kung saan nagmula ang problema at kung sino ang nagpakulo nito!
Sa ngayon nakapagsimula na ang PMPC ng kanilang pag-i-screeen ng mga pelikula. May mga nagpaabot na rin ng interes na mai-produce ang Star Awards for Movies na ginaganap taun-taon kung buwan ng Marso. Ewan kung interesado pa rin ang Airtime Marketing ni Tessie Celestino, ang kumpanya na nagpo-produce ng Star Awards both For TV and Movies. Hanggang sa sinusulat kasi ito ay tuliro pa rin si Ms. Celestino kung sino ang tunay na nagmeme-ari ng Star Awards. Ang tanong ko naman sa kanya, sino ba ang kausap niya para rito sa mga nagdaang mga taon, kanino ba siya nakikipag-negotiate, di ba ang PMPC?
Walong iginagalang na manghuhula sa pangunguna ni Madame Akhilesvari ang maaaring konsultahin tungkol sa fengshui, numerology, astrology, palmistry, hand-analysis, healing/exorcism, dream analysis, past lives reading, aura and chakra cleansing/energizing, karma removal at tarot card reading. Magbibigay din si Madame ng Kulasi charms mula sa India at China.
Matatagpuan ang Beauty Central sa second floor ng Greenhills Shopping Center, San Juan, MM. Ang mga psychic na kasama ay sina Bonita, Babadam, Master Eddie, Jukri, Brother Gem at ang mag-partner na sina Dayang at Abner.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended