Suwerte si Raymart, di siya kinatalo ni Piolo

Inamin mismo nina Claudine Barretto at Piolo Pascual na napaka-romantiko ng mga lugar na pinagsyutingan nila ng Milan. Kung hindi lamang talagang committed na si Claudine sa kanyang boyfriend na si Raymart Santiago ay baka nagka-debelopan na silang dalawa. Napakalamig ng lugar, conducive talaga sa romansa. At napaka-faithful talaga ni Claudine kay Raymart. Sa halip na magkaibigan, naging mas close silang magkaibigan. "Sa Buttercup, barkada na kami pero, dito sa Milan, nagkaroon kami ng special bonding, we became more than friends," sabay na pahayag ng dalawang major stars ng pelikula na malapit nang mapanood, sa Pebrero 11. Magkakaroon ito ng premiere sa SM Megamall sa Peb. 10, San Francisco, Calif. sa Peb. 13, Abu Dhabi sa Peb. 19, Dubai sa Peb. 21at Milan sa Peb. 22. Lahat nito ay dadaluhan nina Claudine at Piolo.

Bago sila pumunta ng Milan, nagkaroon pa ng camera test sina Piolo at Claudine, para makita ng Star Cinema, ang nag-produce ng Milan, kung may chemistry sila. Magaganda naman ang naging resulta ng nasabing test.

"After Aga (Muhlach), si Piolo na talaga ang leading man para sa akin. He shared his life with me. Our friendship grew in MiIan. Siya ang pinakamabigat na leading man na naka-trabaho ko, at pinaka-mabilis pakisamahan," ani Claudine.

"Napaka-reserved ni Claudine pero, wala siyang inhibitions pagdating sa kanyang trabaho, pagdating sa role na kanyang pino-portray," ani Piolo naman.

Ikinwento ng dalawa kung paano sila nahirapan sa isang love scene nila sa pelikula. Napaka-liit daw ng kama na ginamit nila kaya hindi sila naging komportable "Ang init-init pa pero, sa pelikula talagang parang komportable kami. Limang oras naming ginawa ang nasabing eksena, halos sumuko na kami ni Piolo pero, nang makita namin ang resulta okay na, sulit na ang pagod namin," kwento ni Claudine.
* * *
Maganda yung Luntiang Pilipinas Green Crusaders na itinatag ni Senador Loren Legarda. Nagi-encourage ito ng pagkakaroon ng Forest Park na binubuo ng 100 na mga puno sa mga likod bahay, school ground, community plaza o kung walang lugar para rito ay makisama na lamang sa pagtatanim ng mga puno. Isipin na lamang natin na kung may isang milyong Green Crusaders na gagawa nito at bawat isa ay magtatanim ng 100 puno, isang magandang mundo ang malilikha natin para sa mga susunod na henerasyon, di ba?

Maging myembro ng Green Crusaders. Bawat card holder ay magkakaroon ng sarili niyang puno na magdadala ng kanyang pangalan sa Luntiang Pilipinas Agro-Forestry Training Center sa Barangay Paraiso sa Calatagan, Batangas. Ang nasabing card ay magbibigay ng easy access sa may hawak sa opisina ni Senadora Loren. Sa pamamagitan nito ay makakakuha rin kayo ng libreng mga seedlings sa National Seedling Bank sa Barangay Silangan, Calamba, Laguna at iba pang DENR nurseries nationwide. Maaari rin itong gamiting discount card, medical card at makakakuha ng pribilehiyo na makatanggap ng quarterly publication ng Luntiang Pilipinas Monitor.

Gusto nyong mag-apply?

Mag-download sa www. luntiangpilipinas.org. P20 lamang ang babayaran. Pwede rin kayong mag-txt, key in LP at ipadala sa 2600.
* * *
Kung di ko pa personal na nakausap ang presidentiable na si Raul Roco, di ko pa malalaman na mga P2M pala ang tinatanggap ng opisina ng bawat senador na nasa posisyon. Ito ang budget na ibinibigay sa kanila kada buwan. Mga P120,000 nito ay sweldo nila at ang natitira ay gastos sa napaka-raming proyekto na dapat nilang isagawa. Kaya naman pala, ang dami-daming gustong tumakbo sa Senado. Ang laki pala ng perang nakalaan sa kanila, tapos, natatapos-at natatapos ang sesyon nang wala silang nagagawa. Unfair di ba?

Show comments