Maraming breast exposure ang video collection ni Diana Zubir

Kay Diana Zubiri na mismo nanggaling na napapahiya siya kapag napapanood niya ang kanyang videoke collection na pinamagatang "DeZire: The Diana Zubiri Videoke Collection". "Palagay ko kasi napaka-rami ng breast exposure ko rito kumpara sa mga pelikulang ginawa ko," ang sabi niya sa launching ng nasabing koleksyon na kung saan ay naging isa siya sa mga hurado sa videoke singing contest na ginawa para sa entertainment press.

Ang koleksyon na may limitadong kopya lamang ay kinunan ni Raymond Isaac sa Palawan at binubuo ng apat na volume na mabibili sa halagang P180 each at naglalaman ng mga awiting pwedeng i-sing-along. Ang buong koleksyon ay mabibili sa halagang P599. Mabibili na ito sa mga record bars at video stores sa ilalim ng BMG Records Pilipinas.

Show comments