Kahit may kapansanan si Atty. Gatmaytan, hindi naging hadlang ito upang makapasa siya sa bar, at magkaroon ng maraming parangal bilang very successful lawyerkabilang na rito ang Ten Best Lawyers of the Philippines.
Tunay na hindi na mabibilang ang kanyang mga pinanalong mga kaso simula pa noong 1974. Kabilang sa kanyang mga naging kliyente ang superstar na si Nora Aunor, si Joko Diaz at ang anak ni Isabel Rivas.
Noon ay naghabla si La Aunor ng libel sa nagsulat na may relasyon siya kay Marites Gutierrez na anak ni Gloria Romero. Naayos naman sa labas ng korte ang kaso.
Nang ma-involved sa panggugulpikasama ang pamamalo ng baseball batang teenager pa noong si Joko Diaz, si Atty. Gatmaytan ang nagtanggol sa kanya. Nakuha ng bulag na abogado na maging probation na lang at mapababa ang sentensya kay Joko. Kaya nga hindi na siya nakulong.
Sabi ni Atty. Gatmaytan, kahit hindi siya nakakapanood ng sine, gagawin niya ang lahat upang magkaroon ng talagang government support ang ailing film industry.
Ganito rin ang mga pangako ng iba pang kandidatong senador sa tiket ni Raul Roco tulad ni Atty. Perfecto Yasay, Jr., Atty. Batas Mauricio at Atty. Ed Joson.
Sa tiket ng Aksyon Demokratiko na tumatakbo sa pagka-senador, sina Jay Sonza at Bong Coo lamang ang hindi abogado. Pero aminado naman ang lima nilang kasama sa partido na higit na mga sikat na personalidad sina Jay at Bong sa kanila.
Ang standard bearer ng Aksyon Demokratiko na si dating Senador Raul Roco, may karanasan na rin sa showbiz. Naging co-producer kasi siya ng Cine Manila kasama ng yumaong si Director Lino Brocka na nag-produce ng multi-awarded film, Tinimbang Ka Ngunit Kulang. Ang pelikulang ito ang naglunsad ng movie career ng most successful actor na si Christopher de Leon.
Ang running mate ni Roco na si Herminio Aquino ay three-term congressman ng 3rd district sa Tarlac. Naging minister din siya ng Ministry of Human Settlements at vice governor ng Tarlac.
Mula siya sa angkan ng mga Aquino sa Tarlac at pinakabatang anak na lalake ni General Servillano Aquino na tiyo ni Ninoy Aquino.
Alam na natin lahat ang mga nagawa sa bayan ni dating Senador at Department of Education Secretary Raul Roco. Kilala siya bilang isang grandbuster. Pero bihira ang nakakaalam sa pagiging great lover niyao bilang isang ulirang asawa at ama.
Sa modern history ng ating bayan, ang kwento ng pag-ibig nina Raul Roco kasi ang isa sa mga pinakadakilang romansa. Mag-aaral pa lamang silang dalawa (sa San Beda at sa kapitbahay na College of the Holy Spirit) nagsimula ang kanilang love story. Pareho kasi silang mga active at nirerespetong mga student leaders.
Maraming magagandang yugto ang kanilang pagsasama at isa na rito ang pagiging survival ni dating Sonia Malasarte (si Mrs. Roco) sa gumuhong Hyatt Hotel sa Baguio nuong lumindol ng malakas.
Ang bahagi lamang ng buhay nilang ito, pwede na sa Magpakailanman ni Mel Tiangco.
Ilang araw na kasing nakabaon sa ruins ng hotel ang mga biktima ng lindol. Maraming nagsasabing namatay na at nabaon ng buhay si Mrs. Roco. Pero ang kanyang mister, sa tindi ng pagmamahal sa kanya, nagpatuloy na umasa at nanalangin na buhay ang kanyang mahal na si Sonia.
Dininig naman ang panalangin at nagkatotoo ang pakiramdam niya na buhay nga ang kanyang misis. Nang mahukay doon sa mga nakadagan na malalaking bato, buhay nga si Sonia Malasarte Roco. Ito talaga ang isang living testament of a great faith and love.
Ang kanilang paniwala sa Diyos at ang kanilang tapat na pagmamahal sa isat isa ang siyang tunay na nakatulong ng malaki upang mag-survive si Mrs. Roco sa killer quake na yon.
Di ba, parang sine agad. Kapiraso pa lamang ito. Kung ilalahad talaga ang kanilang buong romansa, kulang ang isang libro o ang isang pelikula.