Nasabi sa amin ni Joey na may nabasa rin daw siya sa isang kolumnista na ang opinyon ay kagaya rin ng sa amin. Umayon din naman ang beteranong photographer na si Ben Nollora na iba nga ang klase ng pagbi-build up na ginagawa sa mga artista noong araw kaysa ngayon. At iyon nga raw ang dahilan kung bakit walang naging superstar lately.
Pero aywan kung bakit, nagkaisa nga kaming tatlo sa paniniwalang ang isa sa mga dahilan kung bakit bagsak ang industriya ng pelikula ay dahil sa telebisyon. Kasi kung manonood ka ng tv ngayon para na ring pelikula. Ang mas masama pa, iyong mga artista natin sa pelikula ay nakababad na rin sa telebisyon.
Tingnan ninyo sa US, iba ang artista sa soap opera kaysa sa mga artista sa pelikula. Sa ganoong paraan nabibigyan nila ng proteksyon ang industriya ng pelikula. Kasi sino nga ba ang magbabayad pa para mapanood ang mga artistang napapanood naman nila nang libre sa tv?
Kaya nga kami, naniniwala kaming iyang mga artista babad na sa tv, huwag nang pagawin ng pelikula ang mga iyan, at kung gusto nila na ang industriya ng pelikula ay makabangon, kailangang limitahan kung hindi man mapipigil ang mga artista sa pelikula at lumabas sa telebisyon, lalo na nga iyang mga drama at mga telesine na iyan.
Ganoon nga ang ginawa ng contestant na babae at nanalo nga siya ng isang milyon.
Nagkakagulo sila sa katuwaan pagkatapos, kasi may nanalo na naman ng isang milyon. Tapos narinig namin ang kuwentuhan nila. Sabi noong isa, naniniwala raw siya na sa Eat Bulaga, basta nanalo ng isang milyon nakukuha talaga. May pinsan daw kasi siya na nanalo sa ibang show, hindi nakuha ang buong premyo. Kinangkong pa raw ng ilang tauhan ng show na iyon.