Sharon, preggy na uli!

Tiyak na masayang-masaya ngayon ang mag-asawang Sharon Cuneta at Sen. Kiko Pangilinan dahil muling nagdadalangtao si Sharon sa kanilang second baby.

Nung nakaraang December, si Sharon na mismo ang nagbalita na magla-lie-low siya sa taong ito dahil gusto niyang muling mabuntis para magkaroon ng nakababatang kapatid si Frankie. Dininig ng nasa Itaas ang kanyang panalangin.

Kung ang mag-asawa lamang ang masusunod, gusto nilang magkaroon ng anak na lalake pero kung babae pa rin ang ipagkakaloob sa kanila ay masaya pa rin sila.

Eighteen years old na ang panganay ni Sharon (sa kanyang unang asawang si Gabby Concepcion) na si KC Concepcion at fifteen years ang agwat nito kay Frankie.

Alam ni Sharon na hindi magiging madali ang kanyang muling pagbubuntis kaya ibayong ingat ang kailangan niyang gawin.

Dapat sana’y si Sharon ang magi-induct sa bagong set of officers and members ng bagong tatag na grupo ng mga entertainment writers, ang Entertainment Press, Inc. nung nakaraang Huwebes (Jan. 22) ng gabi pero pinayuhan siya ng kanyang doctor na magpahinga kaya ang kanyang Tita Helen Gamboa-Sotto ang magri-represent sa kanya.

Although out muna ang paggawa ng pelikula kay Sharon sa taong ito, patuloy naman siyang mapapanood sa kanyang weekly musical-talk show program na Sharon.
* * *
Isa kami sa nalulungkot sa pagkakawatak-watak ng mga miyembro ng 17-year-old Philippine Movie Press Club (PMPC) na kasalukuyang pinamumunuan ni Julie Bonifacio bilang pangulo. Dalawampu’t lima sa mga dating kasapi ang tumiwalag sa PMPC at nagbuo sila ng sarili nilang organisasyon, ang Entertainment Press, Inc. na nakarehistro na sa Securities & Exchange Commission.  Ang bagong tatag na entertainment writers group ay binubuo ng 25 officers and members na tumiwalag sa PMPC.Ang bagong set of officers and members ng ENPRESS ay kinabibilangan ng mga past presidents ng PMPC tulad nina Jun Nardo at Nora Calderon bilang pangulo at vice-president. Si Maricris Nicasio ang secretary at si Rose Garcia naman ang assistant secretary.  Si Pilar Mateo ang nahalal na treasurer, sina Ruel Mendoza at dati ring pangulo ng PMPC na si Ricky Calderon ang mga PRO, si Lito Manago ang auditor at isa ring dating pangulo ng PMPC na si Nene Riego ang chairman of the board.  Ang mga board members ay binubuo nina Archie de Calma, Jeffrey Gamil, Nitz Miralles, Rey Pumaloy, Boy Borja, Nonie Nicasio, Jay Orencia, Roland Lerum, Joey Diego, Chat Dolot, Rhon Romulo, Lotlot Antazo, Rico Miranda at Neil de Guia. Ang oath taking ay ginanap nung nakaraang Huwebes (Jan. 22) ng gabi sa Annabel’s in Quezon City na dinaluhan ng maraming celebrities, TV people at ibang mga kasamahan sa media. Ang pakiramdam ngayon ng mga dating miyembro ng PMPC ay nawalan na umano ng kredibilidad at saysay ang PMPC na itinatag nung 1987.
* * *
Awang-awa kami sa young actor na si Baron Geisler na nasunugan ng kanilang inuupahang bahay sa may Tandang Sora, Quezon City nung umaga ng Enero 19 dahil wala man lamang silang nai-save na kahit anong mahalagang gamit kundi ang kanilang mga sarili lamang. Mabilis na tinupok ng apoy ang kanilang bahay na nagsimula sa faulty wiring sa kanilang kisame. Si Baron at ang kanyang mga kasambahay ay tulog pa nang magsimula ang sunog. Ang kanilang mga kapitbahay ang nakapansin na nasusunog na ang kanilang bahay at agaran silang ginising kung kelan nakakalat na sa buong kabahayan ang apoy.  Alas-7:30 ng umaga nangyari ang sunog at naapula na ito ng pasado alas-10:00 ng umaga. Maging ang abo ng yumaong ama ni Baron ay hindi na rin nila naisalba.  Tanging ang mga kasuotang damit ni Baron at ng kanyang pamilya at ibang kasamahan sa bahay ang naiwan sa kanila.  Kung hindi pa ginising sina Baron at ang kanyang pamilya ng kanilang mga kapitbahay ay malamang pati sila ay nalitson. Ang ikinasasama lang ng loob ni Baron at ng kanyang pamilya ay ang mga lumabas sa radyo na balita na sa kuwarto umano ni Baron nagsimula ang sunog dahil umano sa paninigarilyo nito.

Si Baron at ang kanyang pamilya ay pansamantalang nakikitira sa bahay ng kanyang nakakatandang kapatid na lalake sa Makati pero naghahanap na rin umano sila ng bahay na kanilang malilipatan sa Quezon City.  Ang ikinatutuwa lamang ni Baron na sa kabila ng trahedyang nangyari sa kanila, maraming tao ang tumulong sa kanila at hindi rin umano nagpabaya ang ABS-CBN." Magsisimula kami sa wala, pero naniniwala ako na makakabangon din kami," ani Baron." Kailangan kong magtrabaho nang husto para makaahon kami," aniya.
* * *
Apat na taong gulang pa lamang noon si Maxene Magalona (panganay na anak ng Master Rapper na si Francis Magalona at Pia Magalona) nang sumakabilang buhay ang veteran actress at ina ni Francis na si Tita Duran. Walong taon naman si Maxene nang yumao ang kanyang lolo Pancho Magalona. Sa mga kuwento lamang niya nalaman kung gaano kasikat noon ang kanyang lolo’t lola.  Third generation na bale si Maxene ng mga Magalona sa showbiz.

Kung buhay pa sana ngayon sina Tita Duran at Pancho Magalona, tiyak na matutuwa sila sa kinahinatnan ng kanilang apong si Maxene na siyang nagpapatuloy sa legacy na kanilang iniwanan.

Nakagawa na si Maxene ng limang pelikula. In demand din siyang product endorser na ang pinakabago ay isang shampoo commercial.  Apat na taong gulang pa lamang si Maxene noon ay kinuha na siyang commercial model ng isang hotdog brand.

At seventeen, may sariling crush na rin si Maxene at hindi nito ikinakaila na crush niya ang kanyang Kuya co-star na si Cogie Domingo.
* * *
Email: (a_amoyo@pimsi.net)

Show comments