Ang love affair nina Gladys at Christopher ay nagsimula sa set ng teleseryeng Mara Clara ng ABS-CBN nung pareho pang nasa teens ang dalawa. Labindalawang taon pa lamang noon si Christopher at fourteen years old naman si Gladys. Nung nakaraang Enero 8 ay nag-celebrate ng kanilang ika-11 taon bilang magkasintahan ang dalawa at sa araw namang ito ay kanila nang isasarado ang kanilang pag-iibigan sa pamamagitan ng kasal na 11 taon din nilang hinintay na mahinog ng husto. Twenty-six na si Gladys at twenty-four naman si Christopher.
Nung nakaraang linggo, binigyan ng ASAP Mania ng special tribute ang ikakasal, bagay na ikinatuwa ng dalawa sampu ng mga taong nagmamahal sa kanila. Dahil dito, hindi pareho napigilan nina Gladys at Christopher ang maiyak sa tuwa.
Simula rin sa araw na ito, magsisimula nang mamuhay ang dalawa bilang mag-asawa pagkatapos ng kanilang kasal, bagay na matagal na panahon din nilang pinaghandaan.
Samantala, si Bro. Arnel A. Tumanan ang magiging officiating priest sa kasal nina Gladys at Christopher. Limang pares lamang ang mga tatayong principal sponsors na binubuo nina San Juan mayor JV Ejercito at Gng. Helen Gamboa-Sotto, Direk Wenn Deramas at Gng. Sharon Cuneta-Pangilinan, G. Nathaniel Aguilar at Gng. Cory Valenzuela-Vidanes, G. Sofio Embalsado at Gng. Violet Carreon-Sevilla at sina Gen. Eduardo Matillano at Gng. Susan Roces-Poe.
Ang best friend ni Christopher na si Rainier Santos ang tatayong Best Man habang ang best friend naman ni Gladys na si Carmi Martin ang tatayong Maid of Honor. Sina Judy Ann Santos at Claudine Barretto ay dalawa sa limang Bridesmaids habang si Gabby Eigenmann naman ay isa sa limang Groomsmen. Di tulad ng ibang celebrity weddings na masyadong magarbo, simple naman ang gustong maging kasal nina Gladys at Christopher.
Klinaro nga pala sa amin ng dalawa na hindi umano sila sa France magsi-settle after the wedding. Malamang daw na dito muna sila sa Pilipinas habang hindi pa nakakahanap ng stable job si Christopher either sa France o sa Los Angeles, California na kung saan nila balak mag-honeynoon. Kahit may asawa na, magpapatuloy pa rin si Gladys sa kanyang showbiz career hanggat hindi pa siya nabubuntis.
Dahil sa kanilang appearance sa ASAP nung nakaraang linggo hindi nasunod na hindi muna sila magkikita sa loob ng dalawang linggo bago ang araw ng kanilang kasal. Napilitan na rin si Christopher na magpagupit ng kanyang buhok. Si Christopher ang una at huling boyfriend ni Gladys bago sila ikasal. Nang dahil sa pagmamahal ni Christopher kay Gladys, niyakap din nito ang relihiyon ng kanyang kasintahan, ang Iglesia ni Cristo kung saan sila ikakasal.
Pagkatapos ng kasal, magpapalipas muna ng dalawang gabi sa Shangri-La Makati ang bagong mag-asawa at pagkatapos nito ay lilipad sila patungong Boracay dahil hindi pa rin sila nakakarating sa lugar na ito. Pagkatapos ng Boracay ay saka naman sila magtutungo ng Los Angeles, California for their extended honeymoon.
Ang wedding rights ng kasal nina Gladys at Christopher ay binili ng ABS-CBN at itoy mapapanood sa The Buzz sa darating na linggo.
Saludo kami sa nakapag-isip ng konsepto ng StarStruck na sa pagkakaalam namin ay gagayahin na rin ng ABS-CBN sa pamamagitan ng Star Quest na magkatulong na ihu-host nina Luis Manzano at Jodi Santamaria.
Si Jerry ay kinontrata ng Bench bilang isa sa mga image models nila at si Barbie Xu naman ay may shampoo commercial dito.
May plano pa nga na kunin ang serbisyo ng ilan sa mga stars ng Meteor Garden to co-star with our local stars sa isang teleserye.