Ayon pa kay Claudine, after three years pa sila magpapakasal dahil hindi pa siya handang lumagay sa tahimik sa taong ito. Nakahanda namang maghintay si Raymart dahil mahal na mahal niya ang aktres.
Ipinangako ni Claudine sa kanyang ama na hindi siya mabubuntis bago ang kanyang kasal. Ang pambababae at pananakit sa kanya ang magiging dahilan sakaling hiwalayan niya ang aktor. Pero malabong mangyari ito dahil mahal na mahal nga siya nito. Naniniwala rin si Claudine na magiging mabuting asawa at ama si Raymart dahil naging mabuti ito sa kanyang pamilya.
Nagkaroon ng panibagong twist ang istorya dahil sa biglang pagsulpot ng isang babae na kamukhang-kamukha ni Iris.
Naging kapana-panabik ang Twin-Hearts dahil magkakaroon ng kaagaw sa pag-ibig si Althea o Tanya kay Dingdong sa katauhan ng babaeng kamukha ni Iris. Tiyak na matutuwa ang maraming fans ni Karylle dahil sa pagbabalik nito sa nagri-rate na teleserye.
"Ako lang kasi ang may pelikula kaya siguro insecure sa akin ang iba kong mga kasamahan. Hindi kasi sila nagtiyaga at nilayasan agad ang aming manager. Wala naman akong problema kay Ate Katrina. Mabait naman siya at nagkakasundo kami. Natutuwa ako at may pelikula na rin ako at ang role ko ay si Purita isang rebelde, malaswa at liberated na kapatid nina Purificacion at Purisima. Wala naman akong frontal nudity sa movie kundi breast exposure lang at patagilid pa ang kuha," aniya.
Pero sinabi ni Kuhdet na kung bibigyan siya ng solo movie, lahat ay gagawin niya kahit maghubad siya ng todo-todo para masiyahan ang mga male moviegoers.
Happy si Janice dahil bukod sa magandang lovelife ay mataas pa rin ang rating ng kanyang dalawang show na S-Files at Sis.
Akala ng iba ay loveless ngayon ang young actress matapos ang break-up nila ni Boy 2 Quizon. Hindi zero ang lovelife niya ayon pa sa aktres kaya lang lihim na lang ito para walang intriga.
Inamin din ni Danica na aware naman siya sa pakikipagrelasyon ng kanyang mommy at daddy pero hindi siya nakikialam kung sino ang mahal nila. "Bastat gusto ko lang ay mahalin sana ng tapat si Daddy at alagaan naman si Mommy. Kung saan sila maligaya dun ako," aniya.