^

PSN Showbiz

Iniipong paintings ni Baron,kasamang nasunog sa kaniyang bahay

ITO ANG L8ST NGAYON - Eric John Salut -
Mukhang naka-jackpot na naman ang ABS-CBN sa bagong Koreanovela, ang The Truth. Nahu-hook na naman ang Pinoy viewers sa kwento ng dalawang bida na sina Janna (Choi Jee Woo) at Chinee (Park Sun Young). Sa totoo lang, nakakapanabik ang kwento ng The Truth. Kapag nasimulan mo, mahirap mo nang palampasin. Hit na hit pala ang The Truth ngayon sa Asya at ngayon nga ay nasa Philippine Television na.

Kwento ito ng dalawang magkaibigan na magkaiba ng ugali. Isang mabait (Janna) at isang masama (Chinee) na lahat ay dinadaan sa pera at kapangyarihan. Pinoy na Pinoy ang kwento ng The Truth. Maikukumpara sa mga sikat na soap opera tulad ng Flordeluna, Anna Lisa at Mara Clara. Kumbaga, sila ang Janice de Belen, Julie Vega, Judy Ann Santos at Gladys Reyes ng Korea.

Nasimulan ko ang The Truth kaya excited ako. Nangako ako sa sarili ko na hanggang sa huli ay tatapusin ko ito.

Base sa research na natanggap ko, ito palang gumaganap na Janna ay isang superstar sa Korea. While ’yung guy (Raymond) na eventually na magiging boyfriend ni Janna ay superstar din. Kapwa sila recipients ng iba’t ibang acting awards.

Kahit sina Kris Aquino at Korina Sanchez ay hooked na rin sa The Truth. Obserbasyon ni Kris, malaki raw ang hawig ni Janna (ang babaeng bida) kay Heart Evangelista.

Nagsimula pa lang ang The Truth. Sa mga naka-miss ng few episodes nito, pwede pa ninyong habulin. And find out how exciting the story is.
* * *
Nagpapasalamat pa rin si Baron Geisler na kahit nasunog ang kanilang tirahan, walang anumang nangyari sa sinuman sa kanyang pamilya. Tupok na tupok at walang anumang nai-save si Baron na personal belongings. Tanging ang damit na kanyang suot ang nai-save ni Baron. Ang higit na ikinalungkot ng binatang aktor ay kasamang natupok ang abo ng kanyang ama.

Natupok din ang lahat ng pinaghirapang paintings ni Baron. Halos kumpleto na ni Baron ang mga obra na isasama sana niya sa isang one-man exhibit.

Matatandaan na no’ng namatay ang kanyang ama last year, ipina-cremate nila ito.

Sa kasalukuyan, nakikitira si Baron sa isang kamag-anak. Kasama niya ang kanyang ina at dalawang kapatid. Ipinagpapasalamat niya na walang nasaktan sa sinuman sa kanyang pamilya at kasama sa bahay.

Sa oras ng kagipitan, muling napatunayan ni Baron ang tunay na pagkakaibigan. Nang makarating kay Nenet Roxas, ang handler niya sa ABS-CBN Talent Center ang balita, agad nitong ipinagbigay-alam ang trahedya sa kinauukulan. Agad na inalam ng Talent Center ang pangangailangan ni Baron tulad ng tirahan at damit.

Nagpahayag din ng pagtulong ang ABS-CBN management kay Baron. Agad naman nagpadala ng clothes ang Harvard USA, ang iniendorsong damit ni Baron. Kahit ang mga kaibigang artista ni Baron ay nagpahayag din ng pagtulong.

Back to zero ngayon si Baron sa pagpundar ng bagong bahay. Knowing Baron who is hardworking and a survivor, tiyak na magiging mabilis ang kanyang recovery sa sinapit na trahedya.
* * *
Natutuwa ako kapag nababalitaan ko na balik sa limelight ang mga sexy stars noong dekada ’70 at ’80. Tulad ni Sarsi Emmanuel na mula sa pagtatrabaho sa perya ay visible lately sa telebisyon. After na maisadula sa Maalaala Mo Kaya ang kanyang lifestory, sunud-sunod na ang pagdating ng offer kay Sarsi. Ngayon ay ina na siya ni Bea Alonzo sa It Might Be You. Si Tita Angge ang namamahala ng kanyang career.

Ang original body language queen na si Pia Moran na minsan ding isinadula ang buhay sa Maalaala Mo Kaya ay umaariba din sa telebisyon. Naging semi-regular siya sa Basta’t Kasama Kita. Ngayon ay kasama na siya sa Milan. She plays an important role in the Olivia Lamasan megger. She is being managed by Freddie Bautista.

Kung may tsansa pa, sana ay nakapag-comeback din sa showbiz si Janice Jurado na recently lang ay nagkaroon ng breast operation. Napanood ko si Janice sa interbyu ng kaibigang Tintin Bersola for Kontrobersyal.

Naka-confine ngayon si Janice sa V. Luna Hospital at kailangan ng tulong. Pero hahangaan mo ang kanyang tapang sa pagharap sa buhay at pag-amin sa kanyang mga pagkakasala.

Isa akong self-admitted fan ni Janice noong kapanahunan ng Duplex with Ading Fernando, Soxy Topacio at Marissa Delgado. Iyon ang mga panahon na namumulat ang kaisipan ko sa showbiz. Black and white pa yata ang TV set namin noon at hindi namin pinalalampas ang bawat episode ng Duplex. It was the time na number one station ang RPN 9.

Ngayon ay dumadaan sa matinding pagsubok sa buhay si Janice. Mabuti nga at nariyan ang mga taga-Oasis of Love na nagbigay ng bagong pag-asa kay Janice at hindi nagkait ng tulong.

Just like Pia and Sarsi, sana ay makabalik sa pelikula at telebisyon si Janice. Hindi pa naman huli ang lahat para kay Janice Jurado.

BARON

JANICE

JANICE JURADO

JANNA

KANYANG

MAALAALA MO KAYA

NGAYON

TALENT CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with