^

PSN Showbiz

Aiko at Ara,pareho ang gusto at takbo ng isip

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Mas kokonti raw ang pelikulang naka-schedule gawin ngayong taon. Ang analysis ng mga showbiz insider, mas lalong hihina ang pelikula ngayon dahil nga sa kampanya. Sa rami ba naman ng mga artistang tatakbo, parang iilan lang ang matitira dahil ‘yung iba naman ay magiging busy sa kampanya na binayaran ng milyones ng iba’t ibang partido.

Kaya most probably daw, baka mga 50 movies lang ang matapos this year. Imagine nga naman, matatapos na ang Enero, isang pelikula lang ang ipapalabas sa January 21. Ang Puri na hindi ko alam kung kapuri-puri.

Pagdating ng February, showing ang Milan starring Piolo Pascual and Claudine Barretto, sure na matino.

Meron ding Naglalayag si Nora Aunor na wala pang playdate. Meron ding Kuya ang Regal Films.

After ng mga movies na ‘to, ilang Tagalog movies pa kaya ang ipapalabas?

I’m sure gagawa lang uli ng malalaking pelikula ang mga producer pagdating ng December para sa Metro Manila Film Festival.
* * *
Halos sabay nagbigay ng advise sina Ara Mina and Aiko Melendez na hindi na sila maga-undergo ng weight loss program kay Dr. Joel Mendez.

Hindi kaya nag-usap sila? Syempre hindi. Kaya lang, nagtataka ang isang friend ni Dr. Joel kung bakit all of a sudden, halos sabay silang nagpaalam at ang say sabay daw silang lilipat kay Dra. Vicky Belo.

"Medyo na-shock lang si Dr. Mendez dahil wala siyang idea na kaya umalis ang dalawa ay dahil lilipat sila kay Dra. Belo. Sa ibang tao pa nalaman ni Dr. Mendez," sabi ng isang concerned friend ni Dr. Mendez.

"Hindi man lang sila personal na nagpasalamat kay Dr. Mendez," added my source.

Ang set-up pala sa ganyan, pag nagpa-treat ka ng libre or nag-undergo ka sa weight loss program, free ang charge pero syempre, kasama ka sa mga magpo-promote ng clinic or ng product na normal na sa kalakaran sa mga artista.

Eh ang weight loss program nila, ang mahal pala. And the fact, na papayat ka, isang achievement na ‘yun kaya okey lang naman na mag-endorse sila.

Anyway, siguro halos pareho ang takbo ng isip nilang dalawa kaya halos sabay silang nag-decide na kay Dra. Belo na lang magpa-treat. No wonder na pareho sila ng minahal, si Jomari Yllana.

Kaya lang ang million dollar question ng concerned friend ni Dr. Mendez ay anong convincing power daw ang ginamit ni Dra. Belo para lumipat sa kanya sina Aiko at Ara?
* * *
Kakaibang Nina ang mapapanood sa first ever major concert ng soul siren on February 14, Valentine’s Day sa Folk Arts Theater, 8:00 p.m.

Aalis na siya sa shadow ng mga acoustic songs kung saan siya nakilala. "For a change, para naman makita nila ang ibang Nina. Na hindi lang mga acoustic numbers ang pwede kong gawin," she added.

Siya rin ang pini-predict na next big thing in local music industry. As in siya ang pag-uusapang singer sa taong ito dahil sa kanyang concert at sa bagong album under Warner Music.

Nang ilabas ang kanyang debut album, "Heaven," naging breakthrough ang nasabing album, boasting of an international-sounding music and voice, sung by a young Filipino talent. Naging favorite cuts sa album ang "Heaven," "2nd Floor," the Tagalog love song "Kung Ibibigay" and revivals such as "Foolish Heart" and "Loving You." Kasama rin dito ang smash hit na "Jealous" na tumanggap ng mga positive reviews, heavy airplay and shoved the album to hit the gold record award.

Seventeen years old si Nina nang mag-start siyang mag-join sa prestigious bands na XS, Big Thing, MYMP, Silk and Essence Band. Her Mariah Carey-esque voice range – reaching the highest notes with extreme control and with a sentimental timbre –always amazes gig fanatics. She renders her songs with emotion and soul kung kaya’t tinawag siyang soul siren.

Bagama’t bago lang siya noon sa industry, madali siyang na-recognize ng RX 93.1 as Best New Female Artist in 2002 and Candy Rap Award’s Favorite Female Artist. Ang kanya lang music video ang umabot ng no.1 in the over-all local sales. To date, it has reached the platinum mark, a year after it was released.

Moreover, MTV Philippines and Aliw Awards both named her as the Best New Female Artist of 2003. She also won Best R&B Song for her song "2nd Floor" in Awit Awards.

Nina recently released her second album under Warner Music Philippines entitled "Smile."

Ngayon pa lang, malakas na sa airwaves ang kanyang first single na "Make You Mine."

Mataas ang expectation ng Arian Works kay Nina, producer ng kanyang Valentine concert particular na si PBA Commissioner Noli Eala kaya sigurado siyang mai-excite ang manonood ng concert na ito on Valentine’s day called Nina: Strings of the Heart na magsisimula ng 8:00 p.m.

Tickets, priced at P1,200, P800, P400 and P200, are available at Ticketworld (www.ticket world. com.ph). Hotlines: 8915-5610/899-9999

AIKO MELENDEZ

BELO

BEST NEW FEMALE ARTIST

DR. MENDEZ

DRA

KAYA

LANG

NINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with