In love si Nikki. Bakas ito sa kanyang kilos. At marahil di siya aware pero, kitang-kita ito sa kanyang pag-awit. Ang laki ng iginaling niya. Kahit alam mong di pa niya kabisadong mabuti ang "For Your Eyes Only" dahil binabasa pa niya ang lyrics nito pero, ang ganda ng pagkakabanat niya. Sa kanyang performance nagma-manifest ang kanyang happiness.
"Taga-Toronto siya, dito sa Maynila kami nagkakilala," panimulang kwento ni Nikki sa kanyang boyfriend of 11 months na hiniling niyang huwag muna niyang pangalanan.
Bagaman at sa Canada isinilang ang guy, ang mga magulang nito ay kapwa Pinoy. Isa itong negosyante sa Canada. Kapag may mga bumibisita rung mga artistang Pilipino, tumutulong ito sa pagbibigay ng serbisyo sa kanila, dahil konektado rin ito sa isang malaking kumpanya ng kotse. Tuwing ikalawang buwan ay pumupunta ito ng Pilipinas para dalawin si Nikki. Sa January 25th ang birthday ni Nikki pero, unfortunately di ito makakarating on time.
"Baka pagkatapos na ng birthday ko. May trabahong di niya maiwan," paliwanag ni Nikki.
Bagaman at masaya sila kapwa ng kanyang boyfriend kahit malayo ang kanilang agwat kontento na si Nikki sa kasalukuyan nilang arrangement ng kanyang 6 footer na boyfriend.
"Di pa namin pinag-uusapan ang kasal," ang sagot ni Nikki sa tanong kung nagpaplano na silang pakasal ng kanyang boyfriend.
Ang album ay nagtatampok sa duet nina Aiza at Vic Sotto na pinamagatang "What Matters Most". Ang carrier single nito ay "Dati Pa". Ang iba pang awitin sa album ay "Sabi Ng Kanta", "May Isa Pa... (Nagmamahal Sa Iyo)" "Huwag Kang Lalayo", "Pag-ibig Mo Pala", "Laughter In The Rain", "How Did You Know", "We Can Work It Out", at ang ginawang kanta ni Aiza sa tulong ni Edith Gallardo na "Kaya Nga Ikaw (Ang Aking Minahal)".
Kahit nga madalas nang mapanood sa TV si Aiza, sabik pa rin ang kanyang mga fans sa kanya kaya sinusubaybayan nila ang mga public appearances nito. Sa Enero 28, nasa Robinsons Pampanga siya, Enero 24, Nepo Mart Dagupan at Enero 31, Robinsons Galleria.
"Hindi naman ako nagsisimula ng isyu. Ngayon, kapag may nagtanong sumasagot ako.
"Yung mga sinasabi ni Kris sa akin, okay lang, entitled naman siya sa kanyang opinyon. Ang sinabi ko lang naman nanligaw sa akin si Joey. Buti na lang di ko siya sinagot. Kung nagkataon, tatlo-tatlo pa kami ang baka nagkita-kita sa States."
Napag-alaman ko na tatlong taon din palang on & off ang relasyon nila ni Milano, Sanchez, kapatid ng broadcaster. "Ginawa ko lahat ng paraan para mag-work ang relasyon namin pero, talaga sigurong di kami magkapalad. Ako rin ang pumutol sa relasyon namin," sabi ni Stella. Kung dati-rati ay ilang ulit siyang pumayag na magbalikan sila, ngayon kapag nagyayang muli ang boyfriend niya ay sinabi niya, "Wala na siyang babalikan. Umabot na ako sa maximum level," anang aktres na ang role na ginagampanan sa Puri ay asawa ni Allen Dizon na di niya alam ay binabanatan pala si Hanni Miller. Pareho sila ni Allen na naglilingkod sa bahay ng tatlong magkakapatid, sina Purificacion (Hanni), Purita (Kuhdet Honasan) at Purisima (Isabela Gomez) bilang mga katulong. May apat silang anak kaya mukha siyang losyang. Likod lamang niya ang nakita sa buong pelikula na ang pagpapaseksi ay iniatang sa balikat ng tatlo nina Hanni, Kuhdet at Isabela.
Kasama sa pelikula sila Dexter Doria, Manny Arcilla at Jet Sarte sa direksyon ni Buboy Tan. Palabas na bukas Enero 21.