Pabor naman ito sa tinatawag na May-December affair bastat mature ang pag-iisip ng lalaking higit na nakababata sa kanya. "At kung magkakasundo kami sa maraming bagay, why not?" sey nito.
Deglamourized ang karakter nito sa It Might Be You kung saan mabait naman ang role na ginagampanan. Nasanay na kasi si Jean sa pagiging kontrabida.
Noong nakaraang taon ang total gross ay P315-M at inabot naman ng 17 days ang showing ng mga pelikulang kalahok. "Kung nakasali ang Milan ay baka mas malaki pa ang kinita. Gayunpaman isang napakalaking tagumpay ang nakaraang film festival," anang mayor.
Ang official standing ng mga entries kasama na ang mga official returns from the provinces ay ang mga sumusunod:
1. Captain Barbell;
2. Fantastic Man;
3. Crying Ladies;
4. Mano Po 2;
5. Malikmata;
6. Filipinas;
7. Bridal Shower;
8. Gagamboy at
9. Homecoming
Humigit sa P60-M naman ang kinita ng Captain Barbell. Higit na tinangkilik ang mga fantasy at pambatang pelikula.
Balak nga ni Mayor Malonzo sakaling siya pa rin ang maging vice-overall chairman next year na ibalik sa Magic 7 ang mapipiling entries para hindi na mapuputol ang pagpapalabas ng mga mauunang mga pelikula na pang-December 25 at ang natira ay sa Enero 1 naman ipalalabas.
"Talagang kami ang itinadhana dahil sa kabila ng maraming problema ay kami pa rin ang nagkatuluyan. "King meets the Queen" na sumasagisag sa aming pangalan. Ang ibig sabihin ng Rey ay hari at reyna naman ang Gwendolyn, di ba? Masaya naman ang aming pagsasama," anang tinatawag na Mayora Gigi.
Aabangan din ang kasal nina Congressman Jules Ledesma at Assunta de Rossi sa March 14 sa Sanctuario de San Antonio sa Forbes Park. Gaya ni Mayor Malonzo ay dadaluhan din ito ng mga taga-pulitika at taga-showbiz.
Ayon pa kay Ness ay mas gugustuhin niyang ma-annul na ang kanilang kasal ni Joey para asikasuhin na ang kani-kanilang buhay lalo na sa pag-ibig. Malaya na silang pumili ng kanilang kakasamahin sa buhay ayon pa sa mayoralty aspirant ng Parañaque.
"Mainitin pala ang ulo ng aktor dahil nang minsang nag-overtake sa kanyang van ang driver sa may Edsa ay hinabol nito ang taxi. Galit na galit na pinabababa ang taxi driver. Hinahamon siya ng suntukan. Kaso hindi bumaba ang driver at sinabing may pasahero siya. Takot din pala ito sa aktor. Humingi na lang ng dispensa ang driver habang nagmumura pa rin sa galit ang aktor na kung aakalain mo ay role model ng mga kabataang artista," anang source.
Hindi nababakante sa telebisyon ang aktor dahil nakatali ito sa isang malaking network na may nobya ring artista na hindi gaanong aktibo sa paggawa ng pelikula.