Mystica, split queen sa Dangwa Terminal

Kakaibang Mystica ang mapapanood sa GMA-7’s Extra Challenge itong darating na Lunes hanggang Biyernes ng hapon dahil sa isang back-to-back concert na ginanap sa Dangwa Terminal noong Miyerkules ng gabi.

Sa ilang araw ng shooting ng nasabing TV program, ginampanan ni Mystica ang buhay ng isang high school teacher na si Florenda, on the other hand, ginampanan naman ng teacher ang buhay ni Mystica.

Maganda ang istorya ng dalawang bida at ayon sa hosts na sina Paolo Bediones at Phoemela Baranda, parehong nahirapan at na-challenge ang bawat isa.

Bilang isang Mystica, nasubukan niyang magpa-pictorial para sa endorsement ng Renew Placenta Soap – ang gamit ni Mystica araw at gabi, mag-recording at higit sa lahat ay mag-concert sa harap ng mga flower vendors sa Dangwa Terminal.

Sa nasabing episode para sa Extra Challenge, nagpapasalamat ang pamunuan ng Renew Placenta dahil binigyan nila ng magandang pagkakataon na gumanap si Mystica bilang isang teacher.

Show comments