Ayon kay Andrew, ibang-iba ito sa mga nakaraang album niya dahil bago ang atake niya rito pagdating sa lyrics at melody ng bawat kanta. Dagdag pa ni Andrew na Todo na talaga ito! Siguradong magugustuhan ito ng mga tagahanga ko kasi ibang Andrew E. na naman ang mapapakinggan nila with this album.
Dapat nga talagang abangan ng mga Andrew E. fanatics ang album niyang ito na bukod sa may title na nakakatawag ng pansin ay kwela rin ang carrier single na may pamagat na Pink Palaka. Ito ang 2004 version ni Andrew ng 1974 novelty hit na Haring Solomon.
Isa pa sa ipinagmamalaki ng naturang rapper-actor ay ang duet nila ng Asias Songbird na si Regine Velasquez, ang Thats Why I Love You. At hindi mailarawan ni Andrew ang kasiyahan niya nang mismong si Regine ang nagprisinta upang maging guest sa kanyang album nung ito ay tinatapos pa lamang niya sa recording studio.
Maliban kay Regine, guest din ni Andrew ang kapwa niya rappers na sina Carlos Agassi at Jawtee sa kantang Sa Club. Tampok din dito ang Dongalo Bad Boyz at si DJ Coki.
Nakatakdang magkaroon ng album launching si Andrew E. sa SOP ng GMA-7 ngayon. At sa January 20 ay available na sa mga record bars ang kanyang bagong album.